Ana
This is it! It’s GALA TIME! Ngayon ay araw ng sabado. Napag-usapan namin na gagala kami sa amusement park. Yieeee!!! Excited na ako!! Ano kaya ang mga rides sa amusement park dito? Katulad lang din kaya ng sa dimensyon ko? Hindi na ako makapag-antay!! Kasama ko sina Martin, Margaret, Stacey, ang kuya niya, at ang isa pang kaibigan ng kuya niya.
Napaisip tuloy ako. Ano kayang itsura ng kuya ni Stacey? Gwapo kaya siya? Eiiii!!!! Eh yung kaibigan kaya ng kuya niya, siya ba yung tipo ng lalaki na COOL, GWAPO, YUNG SERYOSO?? (Shitty standards of girls nowadays duh!) EIIII! Kinikilig ako!!!
Sa wakas, handa na ako. Nakabihis na ako ng pang-alis ko. Bago lumabas ng kuwarto, tumingin muna ako sa salamin. Gosh! Self, napakaganda mo talaga! Kasalukuyan ako ngayon na nagsusuot ng puti kong sapatos. Habang nagsisintas ako, biglang may nagdoor-bell sabay sigaw ng pangalan ko.
“Ana! Tapos ka na ba? Tara na! Papunta na daw sina Stacey sa amusement park”
Ahh, si Margaret pala. Ang bilis naman, papunta na agad sina Stacey sa park. Pero sa bagay, mayaman siya ehh sigurado naka-kotse yun papunta dun. Di tulad namin nina Margaret, sasakay pa kami sa bus. Stressed lang dahil holiday ngayon, malamang siksikan nito sa terminal, gosh!
Pagkatapos na pagkatapos kong magsintas, agad na akong lumabas ng kuwarto.
“Palabas na!!” hiyaw ko.
Agad ko nang binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang nagse-selfie na si Margaret.
“Wow Ana! Bihis na bihis ahh! Ang ganda mo naman!” papuri niya.
“Naku salamat! Wala to, wala kasi akong masuot kaya ito na lang.”
Actually, napuyat ako kakapili ng susuotin ko kagabi. Siyempre gusto ko maging maganda kapag nasa labas noh!
“Sus! Wala daw masuot, ang sabihin mo gusto mo lang magpaganda sa harap ni Martin! Pakipot ka pa ghorl!”
GANITO BA TALAGA SI MARGARET?!!! WAAAHH! MAS LALO KO NA TULOY GUSTONG MAKASAMA SI MARGARETA!!
“Haah?! Hindi ahh!”
Lumabas na ako ng bahay at inilock ang pintuan.
“Ok! Tara na!” pagyaya ko.
“Teka, si Martin?”
Iiwanan ko na nga lang sana siya eh!
“Ahh oo nga pala, tara puntahan natin.”
Naglakad kami papunta sa bahay ni Martin.
“Alam mo pala ang bahay ni Martin. Siguro lagi kang pumupunta dito noh? Anong ginagawa niyong dalawa? Ikaw hah! May hindi ka sinasabi sa’kin! Akala ko ba magkaibigan tayo? No secrets Ana! Nagde-date ba kayong dalawa?”
BWISET! BWISET TALAGA!
“Ano bang pinagsasabi mo? Wala naman kaming ginagawa noh! Parang baliw!”
Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon, may bigla akong naalala.
Ang malalambot niyang labi na dumampi sa aking noo.
“Puwede na ba yun?”
Ramdam ko ang pamumula ko sa mga oras na yun. Kahit papaano, nabasbawasan ang inis ko sa kanya.
ERAAASSSEEEE!!! NAKAKAINIS TALAGA ANG LALAKING YUN!! KAINIS!
Ding-Dong! Pagpindot ko sa doorbell ngunit walang nagbubukas ng pintuan. Isang pindot pa ngunit wala pa ring sumasagot.
Bakit ba ang tagal ng lalaking toh? Ano pa bang ginagawa niya? Wala naman siyang mahabang buhok na susuklayin. Wala rin naman siyang mahabang paldang paplantsahin, tsk!
Ilang sandali pa ay nagbukas na sa wakas ang pintuan.
“Haaayy! Sa wakas, lumabas ka na rin..”
SHEEEET! Ano to? Nakakasilaw!
“Naku, pasensiya na!” nakangiti niyang sabi.
Bes!! Ang gwapo niya tignan sa suot niya! Para bang nagliliwanag siya! In fairness, gwapo pala si Martin kapag nakapormahin ng ibang damit bukod sa uniform niya. Simple lang ang suot niya. Polo shirt sa pang itaas, at maong na pantalon sa pang ibaba. B-But still, waaaaaahhh!
“Okiee! Tara na Ana!”
Tila’y tulala at walang naririnig si Ana. Ang kanyang mga mata ay napako lamang kay Martin.
“Ana? Ana! Hindi na naman siya nagfa-function ng maayos.” Huminga siya ng malalim at sumigaw. “ANA!!! TARA NA!!!”
Mukhang bumalik na sa katinuan si Ana nang marinig ang malakas na sigaw ng kaibigan.
“A-Ahh O-Oo t-tara n-na!” sabay lakad.
Habang patuloy sa paglalakad, si Margaret ay nagse-cellphone lang. Si Ana naman ay diretsong nakatingin habang si Martin ay pinagmamasdan si Ana.
“Ok ka lang ba?” tanong ni Martin.
“O-Oo o-ok l-lang a-ako..” utal kong sagot.
Lumapit siya sa’kin at saka bumulong sa aking tenga.
“Talaga? Naglalaway ka kasi kanina.” mahinang bulong niya.
Eh? Bigla akong napahawak sa bibig ko upang kapain kung may laway.
“WALA NAMAN! PINAGLOLOLOKO MO KO!” galit kong sigaw.
“HAHAHA! Nagbibiro lang naman!” natatawa niyang sabi.
Talagang nanggigigil ako. Kaaga-aga! Sa sobrang inis ko, sinubukan kong tapakan ang puti niyang sapatos, ngunit hindi ako nagtagumpay. Mabilis niyang naiilag ang kanyang paa.
“Bwuee! Ganyanan pala hah!”
Bigla rin siyang nagtangka na tapakan ang puti kong sapatos. Sa kabutihang palad, nagawa ko namang umiwas. Hindi pa siya nakontento. Nagtangka pa siya ng isang beses.
Gumalaw ang kanyang paa patungong kanan. Nagawa kong umiwas ngunit huminto lamang siya sa tapat ko, nagpapahiwatig na wala siyang pagtatangka na gamitin iyon.
Alam ko na ang tactic na ‘to. Tandang-tanda ko pa ito mula sa laban mo kay Guardian No. 1. Hinding-hindi ako magpapalinlang. Ipinanglito niya ang paggalaw ng paa niya patungong kanan, upang umiwas ako at pumuntang kaliwa. Sa pagkakataong iyon, gagamit siya ng kapangyarihan niya para mabilis na makakilos sa kaliwa, para doon niya matiyempuhan na tapakan ang kaliwang sapatos ko.
“GOT-CHA!” aniya.
“WHAAAT?”
P-Paano niya ako natapakan?
“Tama naman ang kalkulasyon ko. Parehong technique rin naman ang ginamit mo ahh! Pano nangyari yun?” naguguluhan kong tanong.
“Huh? Ano bang pinagsasasabi mo? Eh kanina ka pa naman nakatayo diyan. Ni hindi ka nga gumagalaw eh. Nakatitig ka lang sa baba.” paliwanag niya.
“WHAAAT?! I-Iniisip k-ko-”
“Nag-iisip ka pala? Huwaaw!” pang-asar niya.
Grrrr! Kainis! Ang dumi tuloy ng sapatos ko.
“Hoyyy! Ano bang ginagawa niyong dalawa? Nagpapatintero sa daan habang naglalakad?” kaway ni Margaret mula sa malayo. “Bilisan niyo nga! Ang haharot niyo!”
Hinablot ko ang panyo sa bulsa niya.
“Hoyy! Anong gagawin mo-”
Ipinunas ko ito sa nadumihan kong puting sapatos.
“Waaaahh!!”
“Ayan, malinis na! Thank you!” sabay abot ng panyo.
“BAKIT MO GINAWA YUN?!” nanggigigil niyang sabi.
“Kasalanan mo yan. Kung hindi mo ako tinapakan kanina, hmph!”
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang bus station. As expected, sobrang daming tao ngayon dito sa bus station. Hile-hilera ang mga naglalakihang mga bus, at halos mapuno na rin ang mga ito ng mga pasahero.
Tingkayad sabay angat ng ulo, hinanap namin ang bus patungong amusement park. Grabe! Sobrang gulo. Sa huli, nahanap rin namin ang bus at sumakay na kami papuntang amusement park.
“Margaret! Dito tayo..” pagyaya ko kay Margaret sabay kalampag ng upuan sa tabi ko.
Imbes na si Margaret , si Martin ang lumapit sa’kin. Uupo na sana siya pero iniharang ko ang kamay ko sa upuan.
“Ikaw ba si Margaret?!” mataray kong tanong.
“Hindi.”
“Good! Dun ka na lang sa kabila.” sabay nguso sa kabilang upuan.
I saw his clenched fists. Hahahaha! Pikon na siya.
“Margaret! Tara dito!” yaya ko.
“Huwag na Ana! Kayo na lang dalawa diyan! Ok lang ako dito, at saka isa pa…. may katabi kasi akong guwapo dito!” bulong ni Margaret.
MARGARET!!! KAILAN KA PA NAGING MALANDI?? MARGARET, TRAYDOR KA!! WAAAAH! No choice, ito ako ngayon, katabi ang MOKONG na toh!
“Lumayo-layo ka nga sa’kin! Hmph!” kunot-noo kong wika.
“Sino bang gustong tumabi sa’yo? Kung hindi lang holiday eh!”
Nagsimula na umandar ang bus. Ilang minuto pa’y nakaramdam ako ng antok. This is it. Malamig na hangin sa loob ng bus, with matching quiet environment and a ballad music.
Lumingon-lingon ako sa ibang upuan. Ang iba’y nakatulog na rin, na mga nakasandal sa kanya-kanya nilang boyfriend. Nilingon ko rin naman si Margaret. GOSH! Mukhang nage-enjoy siyang kakuwentuhan ang lalaking katabi niya.
Humikab ako. Inaantok talaga ako kapag nasa bus. Bukod sa malamig dahil sa aircon, malambot pa ang upuan.
“Nakatulog ka ba ng maayos?” bigla niyang tanong.
Shems naman! Katahi-tahimik tapos bigla na lang magsasalita ang mokong na ‘to?!
“Oo.” maikling sagot ko.
Actually, hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro dahil nga iniisip ko kung anong mga rides ang meron dito sa dimensyon na’to. Iniisip ko pa lang, nae-excite na ako.
Hihilain ko si Martin papunta sa mga extreme na rides, BWAHAHAHA! Tignan nga natin kung gaano ang tapang mo, hehe! Nasa isip ko pa lang, natatawa na ako.
Ilang minuto pa bago kami makarating, inaantok na ako. Nagulat na naman ako nang biglang nagsalita si Martin.
“Inaantok ka ba?”
Malamang napansin niya na inaantok ako. Sa bagay, kanina pa yugyog nang yugyog ang ulo ko eh.
Inabot niya ng kamay niya ang ulo ko at dahan-dahang inihilig sa balikat niya.
“A-Ano-”
“Matulog ka na muna sa balikat ko. Gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo.” malumanay at nakangiti niyang sagot.
Ano ‘to? Galawan niya ba ‘to? Ilang minuto rin akong nakasandal sa balikat niya, pero.. Gosh! Ang puso ko, huhu!
“Hindi ka ba makatulog? Teka lang, buti nalang nagdala ako nito.” habang may kinukuha sa bag niya.
Ano kaya ang kinukuha niya?
Kinuha niya ang isang bote ng gatas. “TA-DA!! Aruy… baby Ana! Dede na ng gatas! Inom na para makatulog ka!” malambing niyang sabi habang inilalapit ang bote sa bibig ko.
“WAAAHH!!! GINAGAWA MO NA NAMAN AKONG BATA!!”
“Bakit, hindi ba baby kita?”
Sandaling huminto ang oras. Binalot ng katahimikan ang kaninang pag-aaway ni Martin at Ana. That awkward moment…
ANO BANG PINAGSASASABI MONG MOKONG KA? BABY? EWW!
“W-Wag k-kang m-mag-isip n-ng i-iba… H-Hindi y-yun a-ang i-ibig s-sabihin k-ko..” nahihiya niyang sagot nang mapagtantong may dalawang kahulugan ang kanyang sinabi.
“Alam ko naman na JOKE mo lang yun…”
Ang corny kasi!
He sighed. Nagulat ako nang biglang iunat niya ang braso niya at inakbayan ako.
“PUWEDE BANG-”
“Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita.” at isinandal ang ulo ko sa braso niya.
“Fine!”
Ilang minuto ang lumipas, nakatulog na si Ana at pati na rin si Martin. Pagkatapos ang halos isang oras na biyahe..
“Ana! Martin! Gumising na kayo!” pagsigaw ni Margaret kasabay ang pagyugyog sa dalawang mahimbing na natutulog. “Ana! Martin! Nandito na tayo!”
“Huh? Nandito na tayo? Ang bilis naman.” sabay kusot sa kanyang mga mata.
“Siyempre, ikaw ba naman ang makatulog sa balikat ni Martin. Yieeee!”
“Luh?”
“Awww! Nawawala ang braso’t balikat ko!! Grabe Ana, ilang kilo ka ba?
Gigil kong tinapakan ang sapatos ni Martin. Ilang kilo??
“ARAAAYY! Bakit ba-”
“Tara na nga Margaret at nang mahanap na natin sina Stacey, hmph!” sabay kapit ko kay Margaret at naglakad patungong amusement park.
“T-Teka! Antayin niyo ako! Huyy!” sigaw ni Martin.
Pumasok na kami sa loob ng amusement park. Nang makapasok kami, napansin ko na may rides na nabago, pero karamihan naman ay ganon pa rin. Tumingin-tingin ako sa paligid, ganon din naman. May mga palaruan, mga gift shop, mga food corners. Marami ding tao na nandito ngayon as usual.
“Nasa gitna daw sila ngayon.” banggit ni Margaret habang tinetext si Stacey.
“Sige tara na!”
“Teka! Puwede bang antayin niyo ako?” hingal na sabi ni Martin.
“LET’S GOOO!!” mabilis na takbo namin ni Margaret.
“HOOY!! NAKIKINIG BA KAYO?!! Hayysshh!”
Sais
Nagpaalam sa akin si Otso na hindi siya sa’min makakasama ngayong sabado. Sayang naman! Ang kasama ko lang tuloy ay si Stacey at ang tatlo niya pang kaklase. Haay!
Nandito kami ngayon sa gitna ng amusement park, malapit sa fountain, hinihintay ang mga kaklase ni Stacey. Saang lupalop ba ng mundo sila nanggaling? Bakit ba ang tagal ng mga batang yun? Pero sa bagay, holiday naman ngayon, inaasahan ko na rin na dadagsa ang mga tao ngayon para gumala.
“Uhm, anong oras pa ba sila darating?” tanong ko kay Stacey.
“Puwede bang mag-antay ka?!” mataray niyang sagot habang nagta-type sa phone niya.
“Sorry sorry! Nag-uumpisa na kasing humaba ang pila sa mga ride. Kanina pa tayong umaga dito eh..” paliwanag ko.
“Stacey! Nandito na kami!” sigaw ng isang babae.
“Oh! Nandyan na sila!” sabi sa’kin ni Stacey.
Hayy sa wakas! Nandito na rin sila. Mabuti’t makakapila na. Kanina ko pa gustong lumipad sa hangin eh.
Napansin ko na may kasama pala silang isang lalaki. At wow! Parang pamilyar ang itsura niya. May kamukha siya eh…
“OTSO??” gulat kong tawag sa kanya.
“Sais?!” gulat niya ring reaksyon.
“Sais? Teka, ikaw si Guardian No. 6??” nanlalaking mga matang sabi ng isang babae.
Nang mapagtanto kung anong sinabi niya, bigla siyang napatakip-bibig.
“Akala ko ba hindi ka sasama-”
Hindi pa ako tapos magsalita ngunit bigla akong hinatak ni Martin papalayo kila Stacey.
“Hindi ko naman alam na kapatid mo pala si Stacey!” mahina niyang sabi.
“Huh?”
“Sa dimensyong ito, kaklase ako nila Stacey. At isa pa, tawagin mo ako sa tunay kong pangalan, naiintindihan mo ba?”
“So tatawagin kitang Martin? Ok copy!”
Ana
“Magkakilala na pala sila?” nagtatakang tanong ni Stacey? “Paano sila nagkakilala? Ni kahit kailan nama’y di ko nakita si Martin noong bata.”
“Ano kayang pinag-uusapan nila? May alam ka ba Ana?” tanong ni Margaret.
“H-Haah? W-Wala.” iwas tingin kong sagot.
“Eh bakit tinawag mo siyang Guardian No. 6?” prangkang tanong ni Margaret.
“HAAH? A-Ahhh… ehhh”
A-Anong gagawin ko?!! Martin!! Help!!
“K-Kasi…. k-kasi n-nung n-nakaraang l-linggo, n-nakita k-ko s-siya s-sa p-palaruan. O-Oo t-tama! Yun nga! N-Nagbabantay s-siya n-noon n-ng b-bata k-kaya t-tinawag k-ko s-siyang g-guardian!” palusot ko.
“Eh talaga? Nag-aalaga si kuya ng bata?” di makapaniwalang sabi ni Stacey. “OMG! Hindi kaya….. MAY NABUNTIS SIYANG BABAE??!!! AT HINDI NIYA SINASABI SA AMIN???” nanlalaking mga matang tanong ni Stacey.
Eh? Nakabuntis?
“ IBIG SABIHIN…. MAY PAMANGKIN NA TALAGA AKO?!” bakas sa mukha ni Margaret ang saya.
WAAHH! SORRY GUARDIAN NO. 6!! MUKHANG NAPALALA KO YATA ANG SITWASYON!! UMIIWAS LANG NAMAN AKO, HUHU!
Matapos ang ilang minuto, napansin kong papalapit na sina Martin.
“Kuya, may anak ka na pala?!”
“HAAAHH??!!!”