Ana
Nagkaroon kami ng group study nila Margaret at Stacey sa bahay ko. Dahil sa ginabi na sila, nagdesisyon kami na magsleep-over na lang sila sa bahay ko. Kinabukasan, nagising kami ng maaga para na rin makabalik sila sa bahay nila sa tamang oras. Sa mga oras na yun, napagdesisyonan ko na pumunta sa bahay ni Martin.
Pagdating ko sa 4th street, naghanap ako kung saan ba ang bahay ni Martin. Nalaman ko ang bahay niya sa pamamagitan ng mga nakadikit na Tenant’s Plate sa apartment. Napansin ko na patay pa ang mga ilaw sa loob ng bahay ni Martin. Malamang tulog pa siya. Pero wala naman akong planong kausapin siya lalo na sa ginawa niya sa’kin kahapon. Hmph! Nakakainis lang pag naaalala ko.
Tumalikod ako at naglakad palayo. Paalis na sana ako ng biglang may nabunggo akong tao. Lumingon ako at tinignan kung sino ang taong nabunggo ko.
“Teka, ikaw si…”
“Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?”
“Martin?!” gulat kong sabi.
“Oh bakit? Para ka nakakita ng multo. Anong bang ginagawa mo dito?” tanong ni Martin.
Akala ko tulog pa rin siya sa loob ng bahay niya. Napansin ko rin ang dala-dala niyang plastic bags na may laman na mga pagkain at mga gulay. Kinuha niya ang susi ng bahay niya at binuksan ang pintuan. Pagkatapos, pinapasok niya ako sa bahay niya.
Pinaupo niya ako sa sofa. Napansin ko na maayos ang mga gamit ni Martin. Wow! Malinis! Maalaga pala siya sa mga gamit niya. Maayos ang lahat, kaso masyadong malaki ang apartment niya para lang sa kanya.
“Saan ka nanggaling?” tanong ko sa kanya kasabay ng palingat-lingat ng ulo sa paligid.
Nagtungo siya sa kusina, dala-dala ang ilang supot.
“Galing ako sa palengke. Bumili lang ako ng mga kailangan ko dito sa bahay. Pati na rin ang lunch ko para mamaya.” sagot niya.
“Sa ganitong oras? Wow! Sipag!”
Ako kasi, bumibili lang ako kapag nakita ko na wala nang laman ang ref ko. Tsk! Nakakahiya naman. Nang matapos mailagay ni Martin ang mga pinamili niya sa ref niya, pumunta siya sa sala at umupo sa tabi ko.
“Nga pala!” panimula niya.
“Ano yun?”
“Gusto sana kita yayain sa sabado sa amusement park. Libre ka ba sa araw na yun?” anyaya niya.
Nag-isip ako nang malalim. Inisip kong mabuti. ANONG NAKAIN NIYA? BA’T PARANG NAG-IBA ATA ANG UGALI NIYA?
“Niyayaya mo ba akong mag-date?” mapang-asar kong tanong.
“A-ANO?!! A-ANO B-BANG P-PINAGSASASABI M-MO?!!”
“Ahahahha! Binibiro ka lang naman ehh! Ito naman!” pagtawa ko.
“Huy ano na?”
“Hay, naku! Hindi ako makakasama.” sagot ko.
“HAH? Bakit?”
“Mayroon na kasing nagyaya sa’kin…”
“NA MAKIPAG-DATE??!!”
“Bakit? Nagseselos ka?” muli kong pang-aasar sa kanya.
“PUWEDE BANG MAGSERYOSO KA??!! INIIBA MO ANG USAPAN!!” inis niyang wika.
“Hahahahah! Sus…. magseryoso daw! Mayroon nang nagyaya sa’kin, na pumunta sa amusement park sa sabado”, paliwanag ko.
“SINO?!”
“Si Stacey. Kasama namin yung kuya niya at si Margaret.” sagot ko. “Teka-teka, bakit ba tanong ka ng tanong? Puwede bang magkaroon man lang ng PRIVACY??!!
“Concern lang ako.” nakayuko niyang sabi.
“WHAAAT??!! CONCERN?? KAILAN KA PA NAGING CONCERN SA’KIN?”
Kailan ka pa naging concern sa nararamdaman ko?!! CHAROT!
“T-Tungkol nga pala kahapon….”
A minute of silence…
“O-Oww…. M-Mag si-6:20 n-na p-pala.. H-Hehehe d-di k-ko n-napansin. Pano ba yan, kailangan ko nang mag-prepare-” palusot ko.
Nagulat ako sa ginawa ni Martin. Sa tiyempong patayo na ako sa pagkakaupo, bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“H-Huh?”
“S-Sorry…” mahina niyang sabi.
Ano daw??!! Sorry? N-Nagso-sorry siya… Oooohh, marunong din pala humingi ng tawad ang mga gabay… Impressive!
“S-Sorry k-kung……. n-napasama k-ko a-ang l-loob m-mo…” nakayuko niyang sabi.
Martin
“Sa tingin mo ba patatawarin pa kita?” nakataas-kilay niyang wika.
UGH!! ANO BANG PROBLEMA MONG BABAE KA??!!! NAGSOSORRY NA NGA AKO EH!
“Hindi kaya sapat ang sorry lang!” dagdag pa niya.
Hindi sapat ang sorry lang? Kung ganon, anong gagawin ko para makuntento siya? Hayy, ang sakit naman sa ulo nito! Bakit kasi ako pa ang naging gabay ng babaeng to?!
Bakit ba siya nagagalit? Ano bang problema niya? Hindi ko talaga siya maintindihan. Nagalit kaya siya dahil hindi ko siya hinalikan? Yun kaya ang gusto niya? HALIK?
Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang mukha.
“H-Huh? A-Anong g-ginagawa m-mo?” namumula-mula niyang tanong.
Bahagya akong yumuko at marahang hinalikan ang kanyang noo. Hindi nakatakas sa’king paningin ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
A-Ang c-cute…
“Puwede na ba yun?” nakangiti kong tanong.
“A-Ahh…e-ehhh… b-bakit s-sa n-noo?” pagsimangot niya.
“Bakit? Saan ba dapat?” tanong ko sa kanya.
“S-Sa-”
“Noo mo kasi ang unang nakita ko, hehe!”
“BWISET KA!”
EH?!
“MAY PAHALIK-HALIK KA PA SA NOO. ANO AKO? BATANG PASLIT? Hmph!”
WHAT A DRAG!
“Ano, sasama ka na ba sa’kin sa sabado?”
“Hindi!” pagmamatigas niya.
“ANO??!!!”
“Ikaw na lang ang sumama sa’min sa sabado. Sakto, naghahanap kami ng isa pang lalaki na isasama ehh..”
“Sige na nga..” pagpayag ko.
“YAAYYY!!”
Bakit parang baliktad ata? Ako ang napapayag niya imbes na siya ang napapayag ko? Hayyy! Magpapaalam na lang muna ako kay Sais.. Haysstt…
“Oh sige na, alis na dito! Mag-prepare ka na! Layas na.. SHUU!! SHUU!”
“Okieee! Kita na lang tayoo mamaya!” sabay kaway niya.
Mukhang ang saya mo ata?
“Sige, kita tayo mamaya!”
Ana
“That’s all for today. Class dismissed!” paalam ni Ma’am Violet.
“Goodbye, Ma’am Violet. Thank you for teaching us!”
Hayy! Isa na namang nakakapagod na araw. Nagsimula na ring umalis ang mga kaklase ko.
“Margaret! Stacey!” pagtawag ko sa kanila.
“Bakit Ana?” tanong ni Margaret.
“Nakausap ko na nga pala kanina si Martin.”
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom.
“Anong sabi?”
“Sasama daw siya!” masaya kong sagot.
“Talaga?! Edi tuwang-tuwa ka?” nakadilat na mga mata ni Margaret na may mapangasar na mga ngiti.
Ito na naman siya…
“A-Ano bang pinagsasabi mo?!” paghinto ko sa paglalakad.
“Oww, so ibig sabihin… anim tayong lahat?” wika ni Stacey.
“Pano naging anim?” pagtataka ni Margaret.
“Kaya nga! Ang pupunta lang naman ay ako, ikaw (Stacey), si Margaret, si Martin, at ang kuya mo. Lima lang tayong lahat.” pagbibilang ko.
“May niyaya daw kasi si kuya na isa pang lalaki.”
“EH? SINO DAW?”
“Kaibigan niya raw. Pero di pa naman sure kung sasama siya.”
Tatlong lalaki at tatlong babae? Hmmmm..
“Ahh… Teka nasan nga pala si Martin?” tanong ni Margaret.
“Oo nga noh, wala na siya sa room eh. Baka umuwi na.” sabay lingon sa paligid.
“Oh siya tara na. Sabay-sabay na tayong umuwi.” aya ni Stacey.
Kanina ko pa talaga iniisip, pero para talagang may nakalimutan ako.
Hala! May gagawin pa pala ako!
“Ayy, hindi muna ako sasabay.”
“Bakit?”
“M-May k-kailangan p-pa p-pala a-akong i-ipasa s-sa f-faculty…”
“Samahan ka na namin!” yakag ni Margaret.
“Ayy! Wag na! Di na kailangan! Umuwi na kayo, hehe!”
“Oh sige, bye!” kaway ni Margaret.
“Bye!”
Naglakad na palabas ng gate ng school sina Margaret at Stacey.
“Pustahan tayo, may kikitain yun!” bulong ni Stacey.
“Sino?” tanong ni Margaret.
“Sino pa nga ba? Hahaha!” at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Hooh! Muntikan na yun ah! Mabuti na lang nakaisip ako ng palusot sa kanila. Ang totoo, kanina pang nasa rooftop si Martin, siyempre bakit ko sasabihin sa kanilang dalawa kung saan ako pupunta.
Nang makarating ako sa rooftop, nakita ko na pinupunasan ni Martin ng tela ang espada niya. Talagang maingat siya sa mga gamit niya ahh!
“Martin!” pagkaway ko.
“Oh Ana.”
“Sinabi ko na nga pala na sasama ka sa amin sa amusement park.. hehe!”
“Ahh ganon ba… sabi mo kanina may itatanong ka, ano yun?”
Oo tama! May gusto nga pala akong itanong sa kanya..
“Tungkol ito sa Hinirang…” panimula ko.
Napahinto si Martin sa pagpupunas nang marinig ang sinabi ni Ana.
“As in, wala ba talaga sa inyong mga gabay ang may kilala kung sino ang Hinirang? Gusto ko talaga kasing malaman kung sino siya. At bakit ba kailangan pa na itago kung sino siya?” dire-diretso kong tanong.
“Wala sa amin ang nakakakilala sa Hinirang. Sinubukan ko na ring tanungin yan sa mga kasamahan ko, pero walang ni isa ang nakakaalam sa kanila kung sino siya.” paliwanag niya.
“Sa dami-dami niyo wala man lang may alam ni kahit isa?! Tsk!” pagrereklamo ko.
“Madami? Sampu lang naman kaming mga gabay.”
“SAMPU?!”
WHAAAAT??! Akala ko mga isang daan o kaya isang libo sila.
“Ang unang lima nakatatandang mga gabay ay naging suwail sa Kataasan. Dahil dun, pumili ang Kataasan ng isang Hinirang mula sa aming lima na natitira.”
So it means sa limang mabubuting gabay lang, isa sa kanila ang Hinirang. Kung ganon, magiging madali na lang para malaman kung sino siya, pero bakit wala pa ring nakakaalam?
“Eh kung…. kung alamin kaya nating dalawa kung sino ang Hinirang.” suggest ko.
“Alamin?”
“Oo! Alamin natin kung sino ang Hinirang!”
Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
“Mukhang mahihirapan tayo dyan. Maaaring ang mga gabay na makikilala mo, isa sa kanila ang Hinirang, nagpapanggap lang na wala silang alam. Kaya habang patalikod tayong nag-iimbestiga, maaaring hinahadlangan na niya ang mga kilos natin nang sa ganon, hindi natin malaman kung sino siya.” seryoso niyang paliwanag.
Nakakalimot ka ba na isa ka sa puwedeng pagsuspetyahan?
“Bakit ba kailangan pang itago kung sino ang Hinirang?” tanong ko.
“Dahil ang mismong mga kalaban….. ay kapwa mga gabay din katulad namin.”
“Wala man lang bang pagkakakilanlan ang Hinirang?” muli kong tanong.
“Sabi nila, palagi daw siyang naka-kapa. May hood na nakatakip sa kanyang mukha, na sapat upang takpan ang mukha niya, at napapalibutan siya ng puting apoy.” paglalarawan niya. “Isa sa mga kakayahan niya ay kaya niyang maglaho agad na parang puting apoy. Malakas ang Hinirang, marami siyang katangi-tanging mga kapangyarihan na pinagkaloob sa kanya ng Kataasan.”
“Puting apoy? Katulad lang ba yun ng sa’yo? Diba yung sa’yo ay pula?”
“BAKIT BA ANG DAMI MONG TANONG?!!”
“Gusto ko lang maintindihan ang mga nangyayari, para narin hindi ako maging pabigat sayo. Para kaya kong protektahan ang sarili ko.” matapang kong sagot.
Tumalikod lang siya at bumulong-bulong.
“Hoyy! Anong pinagsasasabi mo dyan?”
“Wala! Magtanong ka na lang sa ibang guardian.” saka nilisan ang rooftop.
KAASAR!!
“Huh? Bakit?!! HOY!! MARTIN!!”
Umalis na agad si Martin nang hindi sinasagot ang tanong ko. Lumabas na rin kaagad ako sakaling maabutan ko siya, pero bigo ako. ANG BILIS NIYA NAMAN MAGLAKAD!! NASAN NA BA SIYA? ANO BA SIYA, KABAYO?
Hinanap ko siya sa 4th floor, pero hindi ko siya nakita. Sa kakahanap ko, napapunta ako sa tapat ng Science Faculty Room.
Sumilip ako sa bintana at nakita ko na wala nang mga teacher na nandoon. Mali! May isa! Si Ma’am Violet, ang teacher namin sa Science. Sakto! May itatanong nga pala ako kay Ma’am Violet about sa lesson kanina.
Pero bakit hindi pa siya umuuwi eh umuwi na lahat ng teachers. Napansin kong may ginagawa siya. Ikinagulat ko ang mga sumunod na nangyari. Nagliwanag si Ma’am Violet at nag-iba ang itsura niya. Naging mas bata siya kaysa sa itsura niya kanina. Ang kulubot at medyo maitim niyang balat, ay naging makinis at maputing tulad ng isang dalagita.
Isa pa sa napansin ko ay ang kulay lila na apoy na pumapalibot sa kanya. Teka, hindi kaya, ISA SIYANG GUARDIAN??!!!!
“Nandito ka na pala.”
“A-AH M-Martin!” nauutal kong nilingon si Martin.
Kadali-dalia’y nagbukas ang pinto.
“Otso! Oh, Ana! Kanina ko pa kayo hinihintay. Pumasok na kayo.” nakangiting sabi ni Ma’am Violet.
Kanina pa hinihintay??!!
Habang naglalakad papasok ng faculty, hindi ko pa rin maiwasan na titigan si Ma’am Violet. Namamalik-mata lang ba ako?
“Psst!” mahinang sitsit ko kay Martin.
“Bakit?”
“Shh! D-Diba siya si-”
“Ma’am Violet.”
WHAAAAT? REAAALL?
“Si Ma’am Violet ay isang guardian.” paliwanag niya.
“Guardian?! Isang gabay si Ma’am Violet?” gulat kong tanong.
“Yezz! Isa akong gabay, hihi!” mahinhin niyang tawa.
“Pero mas naging bata ang itsura mo kaysa sa karaniwan mong itsura.” pagtataka ko.
“Siyempre kailangan kong magpanggap na mas matanda para matupad ko ang misyon ko.”
“Misyon?”
“Gaya ko, naatasan si Nueve na maging gabay sa loob ng school para masiguro ang kaligtasan mo. Dahil dun, kailangan niyang magpanggap bilang isang matandang guro.” paliwanag ni Martin. “Pero sa totoo lang, mas matanda ako kaysa sa kanya ng isa’t kalahating taon.”
“Weh??!!”
Kaya pala ang bata niya tignan. So it means, mas matanda ako sa kanya ng kalahating taon?
“Senior ko si Otso.” nakangiti niyang wika. “Siya nga pala, nag-usap na kayo ni Sais?” tanong niya kay Martin.
“Ah oo!”
And then, here I am again, wondering if maaaring ang ilan kaya sa mga nakakasama ko araw-araw ay mga guardian din. Marami pa talaga akong hindi nalalaman tungkol sa mga gabay.
Pero, ang kailangan ko talagang malaman ay kung sino ang Hinirang. Mahalaga yun! Gagawin ko ang lahat, makilala ko lang kung sino siya.
Natapos ang batian, pagkakamustahan, kuwentuhan, at tawanan. Padilim na rin kaya nagdesisyon na kami na umuwi. Nauna na akong umalis, marami pa kasing assignments akong tatapusin eh. Habang naglalakad ako sa kahabaan ng 3rd street pauwi, biglang may tumapik sa’kin.
“Guardian No. 9?”
“Hello!” nakangiti niyang bati.
Woaah! Ang ganda niya! Shemss, babae pa ba ako?
“Remind lang kita na hindi ka pa nga pala nakakapagpasa sa’kin ng report mo sa Science.”
“Hala, ganon po ba? Sorry po. Magpapasa kaagad ako.” paghingi ko ng pasensiya.
“Hahaha! Take your time. Well, sa lahat naman ng mga estudyante ko, ikaw ang binigyan ko ng additional time frame, alam ko naman na espesyal ka eh.” papuri niya.
“Espesyal po ba talaga ako?”
“Sobra! Biruin mo sa dami-daming puwedeng piliin ng Hinirang, ikaw ang napili niya. Bihira lang kaya ang halik ng Hinirang, ang suwerte mo!” sabay siko sa tagiliran ko.
Dahil sa mga sinabi ni Guardian No. 9, napahawak ako sa labi ko.
“Oo nga, hinalikan niya nga pala ako.”
“Nino? Ni Otso?” sabay hagikhik.
“HAAHH??!!”
Tama naman! Hinalikan niya ako, pero hindi sa labi, kundi sa noo!
“Ang tinutukoy ko ay ang Hinirang.” paliwanag ko.
“Ahhh, akala ko si Otso.” nakangiti niyang sabi. “By the way, kumusta kayo ni Otso?”
“Panong kumusta? Ayos lang naman kami! Madalas kaming nag-aaway, pero naaayos naman.”
“Ganon ba..”
Matagal na natahimik si Guardian No. 9. Ilang lakad pa, nakarating na kami sa apartment ko.
“Dito na po ako!” pagpapaalam ko.
“Okay! Sana maging malalim pa ang samahan niyo!” nakangiti niyang wika.
“Huh? Ano po?”
“Wala!” sabay tawa niya.
“Sige po papasok na po ako!” paalam ko.
“Sige alis na ko!! Bye!”
Sinarado ko na ang pintuan. Ano daw? Anong ibig sabihin niya na maging mas malalim pa ang samahan namin? Weird… Hayyy! Hayain na nga! Nakakapagod lang kapag inisip ko pa yun.
Dumiretso na ako sa kusina at nagluto ng pagkain.
In Fernando Group:
“Gusto niyo gala tayo sa sabado?” anyaya ng isa sa mga empleyado.
“Sige sige gala tayo!” pagpayag ng isa.
“Eh saan naman tayo pupunta?” tanong naman ng iba.
“Kung sa amusement park kaya?!”
“Sige sige masaya dun! Balita ko may mga bagong ride dun.”
“Huyy! Sama din ako!”
Alas siyete na ng gabi. Lumabas ang CEO mula sa kanyang opisina, suot-suot ang kanyang coat at dala-dala ang kanyang bag. Marahil ito’y uuwi na nang marinig ang ingay sa aisle.
“Anong meron?” tanong niya.
“Good evening po, Ma’am Liza.” sabay yuko bilang tanda ng paggalang.
“Gagala po kasi kami sa sabado tutal holiday naman po.” sagot ng isa sa mga empleyado.
“Saan kayo pupunta?” tanong ni Liza.
“Sa amusement park po.”
Nag-isip nang ilang sandali si Liza at saka sumagot.
“Sasama ako.”
“Talaga po? Sige po Ma’am! Mas marami, mas masaya!”
“Yess! Excited na kooo!”
“Ako din!”