Ana
Buong araw na kakaiba si Martin. Nakita ko siya sa rooftop. Actually, hihingi sana ako sa kanya ng tawad dahil sa inasal ko kahapon. Gusto ko lang naman na makipagbiruan, kaso na-offend ko ata siya.
Naiba ang usapan nang mapansin ko ang kakaibang kilos niya. Then, sinabi niya na may gusto siya sa’kin, but eventually I discovered na plano niya lang pala yun, para mahuli si Guardian No. 1.
Pagdating kay Guardian No. 1, he looks maturely. Nalaman ko rin na siya pala ang lalaking nasa likod ng pag-aaway ng maraming magkasintahan, hayysss. Well in fairness, malakas din siya hah. Nagawa niyang sugatan ang gabay ko, so he’s a skilled guardian, sayang dahil naging suwail siya.
He mentioned earlier about the mysterious Chosen One. I’m just wondering. Simula noong dumating ako dito sa kabilang dimensyon, ni hindi pa siya nagpapakita sa’kin. Miss Verona said that nobody knows who the Chosen One is, kahit ako na niligtas niya ay hindi alam kung sino siya.
DING DONG! DING DONG! DING DONG DING DONG! DING DING DING DONG!
Paulit-ulit na pagpindot nina Margaret at Stacey.
“Ana!!!” gigil na kinakatok ni Margaret ang pintuan. “Lintek na iyan! Bakit ba ang tagal buksan ni Ana ang pinto? Kanina pa tayo dito ahh!”
“Baka wala siya sa bahay. Baka hindi niya pa nare-receive yung text mo.” wika ni Stacey.
“Hoy!!” malakas na sigaw ni Ana.
Agad lumingon ang dalawa sa kumakaway na si Ana.
“Ana!!!” nakangiting sigaw ni Margaret.
“Pasensiya na, kanina pa ba kayo?” paghingi ko ng tawad.
“Bakit naka-uniform ka pa rin? Hindi ka pa ba umuuwi galing school?” tanong ni Stacey.
“Saan ka nanggaling? May pinuntahan ka ba?” dagdag na tanong ni Margaret.
“Ahh…. ehhh…… may ginawa lang muna ako sa school k-kaya g-ginabi na ako ng uwi… hehehe.”
Hindi ko naman puwedeng sabihin na…
“Ganon ba…” tango ni Margaret.
“Teka….. sino yun?” turo ni Stacey.
“Huh? Saan?”
Lumingon ako sa tinuturo ni Stacey sa bandang kanto ng kalye. Nakakapagtaka naman. Madilim na, pero hindi pa rin bukas ang mga streetlight, hindi ko tuloy masyadong maaninag ang tinuturo niya.
Mula sa madilim na lugar na iyon, naglalakad papalapit ang isang lalaki.
Pero… parang pamilyar ang itsura niya sa’kin. Hindi ko pa rin masyadong maaninag nang maayos.
Nang makalapit siya sa’min, nagulat ako nang mamukhaan ko siya.
M-MARTIN?
“I see, I see. Now, I know!” mapangasar na ngiti ni Margaret.
Biglang lumapit si Stacey at hinatak ang kuwelyo ni Martin.
“Sabihin mo! Anong ginawa mo kay Ana?” galit niyang tanong.
“HAAHH??!! S-Stacey! T-Tigilan m-mo n-nga y-yan!”
“Kung ganon, bakit ka ginabi ng uwi, Ana? May ginawa ba ‘tong lalaking ‘to sa’yo? Hinaras ka ba niya?”
“H-Hindi! W-Wala, w-wala! B-Bitawan m-mo n-na s-siya!” pagmamakaawa ko.
Tuluyan na binitawan ni Stacey si Martin. Ngunit may pahabol pa itong malalamig na titig. Haysss! Nakakatakot naman ang Stacey ng dimensyong ‘to!
“Anong ginagawa niyo dito?” diretsong tanong ni Martin.
“Kami dapat ang magtanong sa’yo niyan.” buong pagsususpetyang sagot ni Margaret. “Obvious ba, FRIENDS KAYA KAMI! Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?” pagtataray niya.
“Huwag mong sabihing… pupuntahan mo si ANA??!!!” nanlalaking mga matang tanong ni Stacey.
A-Ano b-bang p-pinagsasabi n-niyo?
“Nagkakamali kayo. Pauwi na ako sa bahay ko.” paliwanag ni Martin.
Bahay niya? Oo nga noh! Hindi ko pa nga pala alam kung saan ang bahay ni Martin dito sa dimensyon na ‘to.
“Malapit lang yun dito. Sa bandang unahan ng 4th street.” sabay nguso ni Martin.
Malapit nga lang sa bahay ko!! Ang bahay ko kasi ay nasa bandang dulo ng 3rd street. Sa kanan lang ng street na ‘to ang 4th street. Sa susunod na may time ako, makapunta kaya. Kaso hindi puwede ngayon, magiging awkward lang dahil sa nangyari kanina.
“Eh kung sumama ka na lang kaya sa group study namin ngayon.” alok ni Stacey.
“Tama! Papayag naman si Ana. Diba Ana?” tanong naman ni Margaret.
“WHAAT?! SORRY, HINDI PUWEDE! FOR GIRLS ONLY!” pagtutol ko.
“Owws? Pero diba sabi mo BABAE NAMAN AKO?!”
“HAHH?!”
So you’re using my own spell against me, huh?
Biglang naging seryoso ang itsura ni Martin. Lumapit siya sa’kin at tinitigan ako. Tinitigan niyang mabuti ang mga mata ko at nagtanong.
“May problema ba Ana?” tanong niya.
“W-Wala…” sabay iwas tingin.
“Talaga ba? HAHAHA! Eh ba’t ka namumula?” panunukso niya.
“H-HAAAHHH?!”
PAAK!!! isang malutong na hampas ang ibinigay ko sa kanya.
“ARAAAYYY!!! ANONG BANG PROBLEMA MO!”
“WALA AKONG PROBLEMA NOH!! IKAW KAYA ANG MAY PROBLEMA!!!”
Pumasok ako ng bahay na may mabibigat na mga paa. Padabog kong sinarado ang pintuan.
“Ano bang problema niya?”
“Tsk! Tsk! Tsk! Hala ka, ghorl!” iiling-iling na wika ni Margaret.
“A-Ako?” turo ni Martin sa kaniyang sarili
“Ano bang ginawa mo? Talagang ginalit mo nang husto si Ana ahh!” wika ni Margaret habang pumapasok sa loob ng bahay ni Ana.
“Hayy! Pare-pareho talaga ang mga lalaki. Kahit kaila’y di naiintindihan ang mga babae. Wala ng ginawa kundi magpabigat sa mga babae. Kailan kaya mag-aasal tao ang mga lalaki?” dagdag ni Stacey sabay sunod sa pagpasok.
“Pabigat? Ako, pabigat? Tss! SIYA KAYA ANG PABIGAT! Hayy! Sakit sa ulo!” mapangamot-ulong sambit ni Martin.
Nagsimula na kaming mag-group study. Pinapaliwanag ngayon ni Stacey ang parte sa lesson kanina na hindi niya naintindihan.
But I’m still wondering kung sino nga ba ang Hinirang. That time na nahulog ako sa dagat, tandang-tanda ko pa, he kissed me and saved me from the unexpected death. Although siya ang nagnakaw ng precious first kiss ko, I’m still thankful to him. Kahit naman ako, ayaw kong mamatay sa ganong paraan, mamatay ng walang dangal at hustisya.
Pero mula noon, hindi na muli pa siyang nagpakita. Sinasabi nila na ang Hinirang ay nagmula sa mga tapat na guardian, pero base sa nakita ko kanina, si Guardian No. 1, isa siyang masamang guardian. Yun din siguro ang dahilan kung bakit gumawa ng plano si Martin para mahuli siya. Ugh! That damned plan! BWISET!
Napaisip ako, ilan kaya lahat ang guardians? Sobrang dami kaya nila? Isang daan? O kaya isang libo? Lahat ba sila’y may kanya-kanya ding mga astig na sandata? Tulad ng latigo ni Guardian No. 1, at espada ni Guardian No. 8?
Nakakapagtaka lang ang katotohanan na isa sa kanila ay napili na maging Hinirang. Pero sino naman kaya yun?
Tama! Ang Hinirang na yun ang FIRST KISS KO! Dapat kong malaman kung sino siya. Importante yun para sa isang babae na katulad ko. Malamang gusto rin naman ni Martin na malaman kung sino ang Hinirang.
“Ana? Anaaa? ANAAA!!!” sigaw ni Stacey.
“HAAH??!! B-bakit?” gulat kong tanong.
“Nakikinig ka ba?”
“O-Oo n-nakikinig ako. Nasan ka na nga ulit?” sabay kamot ko sa ulo.
“Hayysss…. sige uulitin ko na lang.” buntong hininga ni Stacey.
Hayssstt! Distracted ako. Hindi ako makapag-focus sa mga sinasabi ni Stacey. Kahit anong gawin ko, patuloy pa rin ang pangungulit ng isip ko.
Waaahh! Kailangan ko ng kasagutan!
“Ana, hindi naman sa pagiging pakialamera, pero mukha kasing ang lalim ng iniisip mo sa mga nakalipas na araw. Palagi kang tulala. Kakaiba rin ang mga kinikilos mo. Ok ka lang ba talaga?” may pag-aalalang tanong ni Margaret.
“O-Ok lang naman ako. Hindi niyo naman kailangang mag-alala, hehe!”
Pansin kong hindi pa rin kumbinsido sina Margaret at Stacey. Ugh! Why are they so inquisitive? Dati, madali lang silang maniwala sa mga sinasabi ko. Madali ko lang silang mauto. But know, ako yung nako-corner nila!
Woah! Alam ko na!
“I-Iniisip ko lang yung sinabi mo kanina, Stacey!” palusot kong sabi.
Nagkatinginan lang sina Margaret at Stacey. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka.
“Ano bang sinabi ko kanina?” tanong ni Stacey habang patuloy sa pagbabasa sa libro.
“Yung tungkol sa isang lalaki na sumisilip-silip nang palihim sa mga mag-jowa.”
“Huh? Sinabi ko yun? Kailan ko sinabi yun?” pagtataka niya.
“Oo, sinabi mo yun. Kinuwento mo nga yun samin ni Margaret kanina eh!” pamimilit ko.
“Wala naman akong natatandaan na may kinuwento sa’tin na ganon si Stacey.” nakakunot-noong sabi ni Margaret.
Whaaat?!
“Sigurado ka bang ok ka lang Ana? Kung gusto mo magpahinga ka na lang muna. Magpapatulong na lang ako sa kuya ko.” may pag-aalalang tanong ni Stacey.
“Ahhh! Ok lang ako. Ok na ok!”
“Nga pala! Pupunta kami ni kuya sa amusement park sa sabado. Gusto niyong sumama?” alok ni Stacey.
“WOW! Mukhang masaya yan! May mga guwapo kayang lalaki dun? Yieeee! Sasama ako!” masiglang tugon ni Margaret.
“Ako rin! Pero mas maganda sana kung magyaya tayo ng lalaki para hindi mailang yung kuya mo.” suggestion ko.
“Naku! Hindi naman yun naiilang sa mga babae kong kaklase. Actually, mas baliw nga siya kapag nakakakita ng babae eh. Pero puwede rin naman na magsama tayo ng isa pang lalaki. Pero sino kayang puwede?”
Sandaling nakabibinging katahimikan ang sumaibabaw….
“SI MARTIN!!!” sabay na sabi nina Margaret at Stacey.
“Ano??!!”
“Isama na natin si Martin!” pamimilit ni Stacey.
“H-Huwag siya! Iba na lang! Hmph!” paghindi ko.
“Sus! Pakipot kapa ghorl! Siya naman talaga ang tinutukoy mong lalaki na gusto mong isama natin sa sabado. Diba??” pang-aasar ni Margaret.
“YYYIIIIIEEEEEE!!!!! KKIIILLEEEEEGGG!!!”
“A-Ano b-ba!! T-Tumigil n-nga k-kayo!”
Kumuha ako ng unan at inihampas sa kanila.
PUFF!
“Pillow Fight pala hah!!!” hamon ni Stacey.
“AHAHAHAHHAHA!”
“Yan ang bagay sayo!” PUUFF!!
“Ito sayoo!” PUFF!
“Ayyy!!!”
“HAAHAHHA”
“Alam ko na! Kung magsleep-over na lang kaya kayo dito! Wala naman akong kasama dito eh!”
“Sige!”
Sa huli, nagdesisyon ang mga magkakaibigan na magkaroon ng Sleep Over sa bahay ni Ana. Kuwentuhan, takotan, taguan, tawanan. Pinuno ng masasayang ingay at halakhak ang bahay ni Ana.
Martin
KRING!!! KRING!!!
Kasalukuyan akong naglilinis ng bahay nang biglang may tumawag.
“Hello?”
“Otso!!! Musta na?”
Otso?! Tinawag niya akong Otso?
“Sino ‘to?” tanong ko sa kausap.
“Nakalimutan mo na agad ako? Hayy! Talaga namang umaasenso ka na sa buhay ahh! Ako ‘to, si Sais!”
Sais?!
“Oh, napatawag ka?”
“Sungit naman, bro! Tumawag agad ako nang mabalitaan ko kay Nueve na nandito ka sa dimensyong ‘to. Balita ko may espesyal na misyon ka daw..”
“Ahh! Oo, personal guardian ako ng special one.”
“Oooh, ang suwerte mo naman.”
SUWERTE?? ANONG SUWERTE DUN?? DAGDAG PASAKIT KAMO!
“Babae?”
“Oo..”
“Naks naman! Baka naman gusto mo akong ipakilala diyan sa sinasabi mong special one. Maganda ba?”
“Gusto mo bang mapatay ng Hinirang?”
“Sabi ko nga, bawal. Ito naman. Masyado ka namang masunurin sa Hinirang. Still, ang suwerte mo bro! Bihira lang yan. Ikaw pa ang pinagkatiwalaan.”
“Ahh.. Oo ang suwerte ko nga, hehe!” sarkastiko kong sagot.
ANO BANG PINAGSASASABI KO?
“Sa dami-daming guardians, ako pa ang nautusan nito. Ang suwerte ko nga naman. Hehe! Nga pala, anong existence mo ngayon dito sa dimensyon na ‘to?”
“Existence ko? Ahh, may kapatid akong babae.”
“Mas matanda o mas bata?”
“BAKIT PAPATULAN MO?!!”
“Huh? Hindi! Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan! HINDI AKO KATULAD MO!”
“Hahahaha! Nagbibiro lang naman. Mas bata siya bro. Kuya niya ako, hehehe!”
ANO??!!! HAYYY! KAWAWANG BATA… isa na naman pong kaawa-awang bata ang nabiktima ng baliw na ‘to.
“Kaso….”
“Kaso alin?”
“Kaso…. HINAHARAS NIYA AKO, HUHUHU!”
WHAAT?! NAGSISINUNGALING KA BA O HINDI??!!!
“Ang totoo, masyado siyang matapang, siga, brutal para sa isang babae! O ewan ko ba kung babae nga talaga siya. Palagi niya akong binubogbog kapag nagagalit siya. Mahilig siyang manghampas, huhuhuhu.”
Sa wakas, nakahanap ka rin ng katapat mo.
“Yan ba ang dahilan kung bakit ka tumawag?”
“Hindi.”
“Eh ano?”
“Gusto ko kasing isama ka”
“Saan?”
“Pupunta kasi kami ng kapatid ko sa amusement park sa sabado, yun ay kung free ka. Ang alam ko magsasama din siya ng mga kaklase niya.”
Gusto ko sanang sumama, kaso paano kapag may mangyaring masama kay Ana habang wala ako.
“Sige bro, pag-iisipan ko”
“ANOO?? PAG-IISIPAN MO PA??”
“May pinoprotektahan nga kasi ako…”
“Oh siya sige, tawagan mo na lang ako kapag nakapagdesisyon ka na. Save mo number ko hah!”
“Sige.”
TUT! TING! CLICK! Mga ingay na nagmumula sa cellphone ko. Agad ko namang binuksan ang dumating na text.
Otso, eh kung yayain mo kaya siya kasama natin? Malay mo mapapayag mo, edi wala ka nang isipin.
Oo nga noh! Isama ko na lang si Ana sa sabado. Pagkakataon ko na rin yun para makahingi ng tawad. Bukas ko na lang siya sasabihan.
Sa ngayon, matutulog na muna ako.
Ana
“Bye Ana! Salamat sa Sleep Over!!” sigaw ni Margaret habang isinusuot ang puting niyang sapatos.
“Kita na lang tayo mamaya sa school!!” hiyaw naman ni Stacey sabay kaway ng kamay habang nililisan ang tirahan ni Ana.
“Sige! Bye!”
Hayyy!!! STRETCH!
Maaga kaming nagising ngayong umaga. Nakakain na kami, nakapaghilamos na rin ako, mamaya na lang ako maliligo, malamig pa kasi lalo na’t Ber months na ngayon.
Sa ngayon, 5:30 pa lang ng umaga. Hayyy!! Masyado pang maaga. Inaantok pa ako. Ang daldal kasi ng dalawang yun kagabi. Isama pa ang malakas na hagok ni Stacey, haysss.
Kung matulog pa kaya ako, pero huwag na! Baka magising ako ng tanghali.
Alam ko na!! Kung pumunta muna kaya ako sa bahay ni Martin. Wala naman akong balak magtagal, sisilip lang. Titignan ko lang kung saan ang bahay niya. Hindi ko pa kasi napupuntahan yun.
Lumabas ako ng bahay ko. Naglakad sa kalamigan ng umaga patungong 4th street. Pansin kong iilan pa lang ang tao na nasa labas, att lahat sila’y maeedad na. Marahil ay oras na ng kanilang pagpasok sa trabaho.
Kasalukuyan ako ngayong nagmamasid sa kahabaan ng 4th street. Tiningnan ko ang unang bahay hanggang pangatlo. Nakakamangha! Mukhang mayayaman din ang mga nakatira dito, pero sa tingin ko wala dito ang bahay ni Martin.
Tiningnan ko ang panglimang bahay at napansin ko ang isang Tenant’s Plate na nakadikit sa dingding sa bandang taas ng doorbell. Actually, it’s an apartment, and I think it’s the same ng akin sa 3rd street.
Napansin ko rin ang naka-imprinta na pangalan, Francisco.
“At saka huwag mo na akong tawaging Guardian No. 8. May sarili akong pangalan noh! Martin Francisco, Martin ang pangalan ko.”
Tama! Ito ang apelyido ni Martin. Pero nakapatay pa ang mga ilaw sa loob ng bahay niya. Malamang tulog pa siya.
Hmph! Wala naman talaga akong intensyon na kausapin siya ngayon, lalo na sa ginawa niya kahapon. Titignan ko lang naman kung saan ang bahay niya…
Tumalikod ako at naglakad palayo. Paalis na sana ako ng biglang may nabunggo akong tao. Lumingon ako at tinignan kung sino ang taong nabunggo ko.
“Teka, ikaw si…”