CHAPTER 6: GUARDIAN NUMBER ONE

2009 Words
Martin   “Kagalang-galang na Kataasan, alam ko pong malaki ang tiwala ninyo sa akin, pati na rin sa iba pang mga tapat mong alagad.” wika niya kasabay ang pagyuko bilang tanda ng paggalang. Ngayon ay nakikipagusap siya sa Kataasan sa loob ng kanyang silid. “Sa kasalukuyan, silang lahat ay nasa iba’t-ibang lugar, ginaganap ang kanilang mga tungkulin. Gagawin po naming ang lahat, mahuli lang ang gabay na nasa likod ng lahat ng ito.”   Pero…   “HANGGANG KAILAN KO PO PAGTIYATIYAGAAN ANG BABAENG YUN?”   Kung alam ko lang na ganon ang ugali niya…   KAINIS! Pinaglutuan ko na nga siya. Ginawan ko rin siya ng cake, tapos ako pa ang pinaglinis niya sa mga kalat niya?   “Kataasan, ibinigay niyo po sa akin ang misyon na ‘to upang bantayan at protektahan si Ana kung sakaling maging mapait ang kapalaran niya sa kabilang dimensyon. PERO HINDI NIYA AKO UTUSAN!” buong paninindigan niyang reklamo.   Samantalang siya’y nagsasalita pa, isang napakalakas na unos ng hangin ang sa kanya’y dumating, unos na may halong bigat at pagtutol.   “N-Naiintindihan ko po, K-Kataasan.” saka sinarado ang bukas na bintana.   Tss! Pagtitiisan ko na lang siya. Matatapos din naman ‘to, balang araw.   Habang pauwi galing bahay ni Ana, nakaramdam ako ng kakaiba. Isang kakaibang init, na mararamdaman mo lamang sa kapangyarihan ng apoy, ng isang makapangyarihang gabay.   “Hayssstt!! Makapanood na nga lang muna ng TV.” Binuksan ko ang TV at lumantad sakin ang makabagbag-damdamin na panoorin.   “Ohh, Trisha!” ang tawag sa kanya ng binata. “G-Gusto kong sabihin na…” “Ano yun, Alonzo?” inosenteng tanong ng dalaga. “Na… gusto kita Trisha! Gustong-gusto kita!” pag-amin ng lalaki. “Oh Alonzo! Ako rin, mahal kita Alonzo!!” maluha-luhang sagot ng babae.   Dahan-dahang inilapit ng binata ang kanyang mukha sa mukha ng kanyang minamahal. Magkahalong emosyon ang kanilang nadarama, saya at kaba. Unti-unting ipinikit ang mga mata, at-   Hindi pa natatapos ang telenobela subalit pinatay na agad ni Martin ang telebisyon. Inilapag ang remote saka hinawi ang buhok at hinilamos ang mukha.   “O-Ok! K-Kung i-ito p-po a-ang p-plano n-niyo, K-Kataasan, g-gagawin k-ko p-po.”   WAAHHH!! KAILAN KO PO BA TALAGANG GAWIN ‘TOH??! AYYSSHH! HAYAIN NA!! SIGE, PIPILITIN KO!!! PERO… KASAMA BA YUNG H-HALIK DUN???   “BADUM! BADUM! BADUM!” maingay na pagtibok ng kanyang puso.     Ana   Unti-unti na siyang pumipikit. Ito na nga talaga siguro!!! Dahan-dahan ko na ring pinikit ang aking mga mata, dinadama ang tensyon na nagaganap sa aming dalawa. Hahalikan niya na ako nang biglang…   Nang biglang…   “GOT-CHA!” aniya.   Napamulat ako sa sinabi ni Martin. Kabiglaana’y hinila niya ako patungo sa kanyang likuran, wari’y ako’y pinoprotektahan.   “M-Martin?” pagtataka ko. “Alam kong nandyan ka. Lumabas ka na, Guardian No. 1!” sigaw niya.   G-Guardian N-No. 1?!   “Oooohhh”, ang tinig ng isang lalaki.   Nakarinig ako ng mga yapak. Biglang lumabas siya mula sa sulok sa likod ng isang poste.   “Nahuli mo ako, Guardian No. 8. Wow! Talagang magaling ka nang gabay ahh!” wika niya kay Martin na may halong pang-aalipusta.   Kung di ako nagkakamali ng pagkakarinig, tinawag ni Martin na Guardian No. 1 ang lalaking yun. Ibig sabihin, ISA RIN SIYANG GABAY!! Pumuwesto si Martin na para bang siya’y lalaban. A-Anong g-gagawin n-niya?   Nakaramdam ako ng kakaibang init. Init na medyo nakakapaso ngunit hindi ganon kasakit. Napansin ko rin ang paglitaw ng mapulang apoy na pumapalibot kay Martin.   “You’re too excited, Guardian No. 8. Wala man lang bang kumusta? Tagal din nating di nagkita ah.” nakangiting sabi ni Guardian No. 1. “Well, kung hindi kita mapipigilan, sige! Pagbibigyan kita.” Ganon din ang napansin ko kay Guardian No. 1. Kakaibang init na nagmumula sa kanya, kahit na medyo malayo siya sa kinatatayuan namin ni Martin. Pinapalibutan naman siya ng kulay kahel na apoy.   Anong klaseng init itong nangingibabaw ngayon sa rooftop? Hindi ito tulad ng init na nararamdaman ko kapag lumalapit ako sa apoy. Kakaibang init na ngayon ko lang naramdaman. Nagmumula kaya ito sa mga apoy na nakapalibot sa kanila ngayon?   “Dito ka lang Ana. Huwag kang aalis sa puwesto mo.” kasabay ng pag-isod niya upang takpan ako. “Kailangan mo nang isuko ang kapangyarihan mo, Uno. Kailangan mo nang tigilan ang panggugulo sa buhay ng mga tao. Naghahasik ka ng lagim sa mga mortal na magkasintahan!” wika niya kay Guardian No. 1.   M-Magkasintahan? Kung ganon, siya ang dahilan ng paghihiwalay at pag-aaway ng ilang magkasintahan.   “Alam mo ba ang ginagawa mo? Kinalauna’y maraming naitala na paghihiwalay ng mga mag-asawa, na nagiging dahilan ng pagkasira ng mga pamilya. Alam kong ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito. Bumalik ka na sa Nobody World at humingi ng tawad sa Kataasan, malay mo patawarin ka.” bilin niya.   Tila’y walang pakialam si Guardian No. 1 sa lahat ng sinabi ni Martin, kundi siya’y ngumiti lamang.   “Pasensiya na Otso, pero pano kung ayaw kong sumuko, anong gagawin mo?” mapangasar niyang tanong. “Kung ganon…”   Mula sa mapupulang apoy na pumapalibot kay Martin, lumitaw ang isang espada sa kanang kamay ni Martin.   “Mukhang mapipilitan akong gumamit ng dahas ahh.” pagpapatuloy niya. “Oh! Nakakatakot naman.” sarkastiko nitong sagot.   Hindi rin naman nagpatalo ang kahel na gabay. Lumitaw naman sa kanyang kanang kamay ang isang napakahabang lubid.   Talaga bang maglalaban sila dito?   “Talaga bang wala ka nang kahit kaunting paggalang sa Senior mo, Loner?” tanong nito kay Martin.   Ano daw? Loner? Anong ibig niyang sabihin?   Balewala ang sinabi ng gabay kay Martin.   “Ang mga nilalang na katulad mo, ay hindi dapat pakitaan ng kahit anomang tanda ng RESPETO AT PAGGALANG!”   Sinimulan na ni Martin ang pag-atake laban kay Guardian No. 1. Lumaban si Martin gamit ang espada niya samantala si Guardian No. 1 naman ay gamit ang kanyang lubid.   Umopensa si Martin sa pamamagitan ng paggamit ng espada at depensa naman ni Guardian No. 1 ang kanyang lubid. Iwinasiwas niya ang kanyang lubid at pinapalagapak sa kinaroroonan ni Martin. Sa kabutihang palad, nagagawa namang iwasan ni Martin ang ilang atake ng kapuwa gabay.   Nagawang putulin ni Martin ang lubid niya ngunit parang humahaba lang muli ang bahagi na pinagputulan nun. Mahigpit ang naging labanan nila na dumating sa tiyempo na nasugatan ng lubid ni Guardian No. 1 ang balikat ni Martin na naging dahilan ng paghina niya.   “Martin!!” pag-aalalang sigaw ko.   Biglang tumingin si Guardian No. 1 sa kinatatayuan ko.   “Oh, siya ba ang espesyal na babaeng iniligtas ng Hinirang?” wika niya.   Humalakhak siya nang pagkalakas-lakas.   “Hayy! Kaya pala. Ngayon, naiintindihan ko na. Pero hindi mo naman kailangan na gumamit pa ng isang babae sa plano mo para lang mapalabas ako.” natatawa niyang sabi.   Plano? K-Kung g-ganon..   Pinilit ulit ni Martin na umatake. Sa pagkakataong ito, nagawang ipulupot ni Guardian No. 1 si Martin gamit ang mahaba niyang lubid.   Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ni Martin. Tila’y may binubulong siya sa kanya.   Hindi ko alam kung ano ang binubulong niya kay Martin. Nagulat ako ng biglang tumingin si Martin sa’kin matapos bumulong si Guardian No. 1. Ako ba ang tinutukoy niya?   Pinilit ni Martin na maka-alpas sa pagkakapulupot sa kanya. Sa walang kadahilana’y biglang lumabas ang napakalakas na pulang kapangyarihan sa kanya at nagawang pagtigpas-tigpasin ang lubid na siyang ikinagulat ni Guardian No. 1.   Agad na nagsimulang umatake si Martin dala-dala ang kanyang espada. Sa pagkakataong ito, nag-aalab ang mapula at napaka-init na kapangyarihan na pumapalibot kay Martin kasabay ng pagsugod niya sa kanya.   Sinimulan na rin ni Guardian No. 1 na pagalabin ang kulay kahel na kapangyarihan niya at lalong humaba ang kanyang lubid ng doble kaysa sa orihinal nitong haba.   Sumugod si Martin papakaliwa, magtatangkang tapusin si Guardian No. 1 ngunit umatake si Guardian No. 1 gamit ang napakahaba niyang lubid. Napansin kong sinadya ni Guardian No. 1 na papuntahin si Martin papakaliwa. Walang siyang takas. Mahahagip si Martin ng mahabang lubid. Plano ito ni Guardian No. 1.   “Martin!!! Ang lubiddd!!!” sigaw ko.   Sa isang iglap lang, nagawang kumilos ni Martin ng pagkabilis-bilis mula kaliwa papakanan patungong likod ni Guardian No. 1, na sinusundan ng mapupulang linya ng liwanag. WOW! NAKAKAMANGHA ANG BILIS NIYA!!   Bumaliktad ang sitwasyon. Imbes na ang mahampas ni Guardian No. 1 ay si Martin, ang nahampas niya ay ang sahig na naging dahilan ng pagkakaroon ng bitak doon at ng napakalakas na hangin.   Mabilis na nakontrol ni Martin ang sitwasyon. Totoong mas malakas si Guardian No. 1 kapag mas mahaba ang kanyang lubid. Ngunit kung gaano kahaba ang kanyang lubid, ganon din kahirap niyang makokontrol ito. At yun ang tiyempong kinuha ni Martin, ang pagkakataong tumama ang lubid sa sahig.   “s**t! HINDI!” gulat na sigaw ni Guardian No. 1.   Ito na ang pagkakataon ni Martin. Habang nasa likod siya ni Guardian No. 1, sinaksak niya ito gamit ang kanyang espada. Bumaon ito hanggang sa tiyan ng gabay.   “HINDIII!!!” gigil na sigaw nito. “Guardian No. 1, tinatanggalan ka ng karapatan sa kapangyarihan ng pagiging gabay. Ang iyong kapangyarihan ay maibabalik sa kamay ng Kataasan at ang iyong kapangahasan sa batas ang magpaparusa sa’yo sa ilalim ng Pamunuan ng Mundo ng Kawalan, magpakailanman.” pagwawakas ni Martin ng ritwal.   Mabilis ang mga pangyayari. Nawalan ng kapangyarihan ng pagiging gabay si Guardian No. 1. Dahil dun, unti-unting naging abo ang katawan na ginamit niya at unti-unti siyang naglaho pabalik sa pinanggalingan niya, sa Kawalan.   Natapos ang laban nilang dalawa. Napaupo si Martin sa sobrang pagod.   “Martin! Ang sugat mo…” pag-aalala ko habang tumatakbo papalapit sa kanya. “Ayos lang ‘to! Mabilis lang naman gumaling ang sugat ng isang Nobody.” hinihingal niyang tugon.   Nakahinga ako ng malalim sa narinig. Mabuti’t hindi naman malala ang sugat niya.   “Bakit? Nag-aalala ka sakin noh?” pang-aasar niya. “Of course-” “Sabi na nga ba eh!” tuwang-tuwa niyang sabi. “-NOT!! HMMPPHH! BAHALA KA NGA DIYAN. MAKAALIS NA NGA!”   Naglakad na ako papalayo. Gusto ko na umuwi. Gusto ko munang magpahinga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Kailangan ko nang magmadali. Baka hindi ko na kayang tiisin pa ang emosyong kanina ko pang kinikimkim.   “Sandali!” paghawak niya sa kamay ko.   Huminga ako nang malalim saka humarap sa kanya na may galit na mukha.   “Bakit?”   Dinampot niya ang bulaklak sa sahig na nasira dahil sa naganap na labanan.   “Sorry kung…. nasira.” paghingi niya ng tawad. “W-Wala naman akong intensyon na sirain ang araw mo.” nakayuko niyang wika.   Pinagisipan kong mabuti. Tatanggapin ko ba o hindi? Sa huli, hindi ko rin naman siya matitiis. Siya ang guardian ko. Isa pa, humingi na rin naman siya ng tawad, kaya tinanggap ko na rin yung bulaklak.   Kaso…   “ARAAYY!! NAPAPADALAS NA ANG HAMPAS MO SAKIN AHH!! BAKIT MO KO HINAMPAS NG BULAKLAK?” “BULAG KA BA? BINIBIGYAN MO KO NG LANTA, PANGIT, AT SIRANG BULAKLAK? IWWW! SA TINGIN MO BA TUMATANGGAP AKO NG BASURA? TSS!” pagmamatigas ko saka tumalikod at naglakad paalis.   Lutang pa rin ang isip ko habang naglalakad. Plano? Tsk! Asa ka pa, self. Ang tanga mo naman Ana, kainis! Akala ko yun na talaga, haysss.   Teka! Bakit ko ba yun pinanghihinayangan? In fact, napakaraming lalaki ang better kaysa sa kanya. Bakit ko siya pagtitiisan? May pa-flowers ka pa, HOW FAKE!   Dahil sa nangyari kanina, nabanggit ni Guardian No. 1 ang tungkol sa Hinirang. Napaisip tuloy ako. Sino ba talaga siya? Kailan kaya ulit siya magpapakita sa’kin? Nasan kaya siya ngayon?   ISA PA YUN! HINIRANG? HE STOLE MY FIRST KISS! WAAAHH! Naiiyak ako sa tuwing naaalala yun.   TING!   Biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali kong tinignan kung sino ang nagmessage, kaso ang unang bumungad sa’kin ay 10 missed calls galing kay Margaret. At may isa siyang message.   Hoy Ana! Nasaan ka? 6:30 pm na pero wala ka pa rin sa bahay. Kanina pa kami dito sa labas ng bahay mo!   Haah?! Anong ginagawa niya dun?   Nga pala, kasama ko si Stacey ngayon. May hindi daw siya naintindihan sa lesson kanina sa English. Di ko rin kasi na-gets, paturo kami hah!   Kasama niya si Stacey? Teka, anong oras na ba?   Chineck ko sa phone ko kung anong oras na. GOSH! 6:40 na pala! Kaninang kanina pa pala sila naghihintay. Kailangan ko na magmadali.   Bumalik na ako sa locker area, kinuha ang bag, saka tumakbo ng matulin palabas ng school.   Martin   I sighed. “May ginawa ba akong mali?”   Matagal kong pinag-isipan kung saan ako nagkamali. Tama naman ang ginawa ko diba? Maayos ang naging daloy ng plano. Dahil dun, nahuli ko si Uno.   Pero…   Ano ‘tong nararamdaman ko? Mabigat ang nararamdaman ko. Parang.. may nagawa akong mali.   “Inaamin kong malakas ka nga, Martin. Isa pa, matalino ka.” bulong ni Uno. “Pero alam mo yung kulang sa’yo?” “Anong ibig sabihin mo?”   Bumuntong hininga siya at iniling-iling ang ulo.   “You’re so heartless, Otso. Paano mo nagawang isama siya sa plano mo laban sa’kin? Tsk! Tsk! Tsk!” dismayado niyang tanong. “Hindi mo ba.. napapansin?” “Ang alin?” “Tignan mo siya.”   Tinignan ko siya sa mga pagkakataong iyon. Napansin kong mukhang… malungkot siya.   “Anong gagawin mo ngayon, Otso?”   BAKIT BA ANG SENSITIVE NIYA??   Siguro nga’y nasaktan ko siya, pero hindi niya ito pinahahalata. Anong gagawin ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD