Martin
Pagkatapos ng klase namin, umalis kaagad ako ng school para pumunta sa bahay ni Ana. Plano ko na lutuan siya ng pagkain para i-welcome siya sa bagong buhay niya dito sa kabilang dimensyon. Malamang, maninibago siya sa buhay niya dito pero gusto ko sanang pasayahin siya. Bilang isang gabay niya, tungkulin ko na mapanatiling panatag ang loob niya.
Nandito na ako ngayon sa kusina niya. Kailangan kong dalian, baka parating na siya dito. Nagluto ako ng ilang pagkain at gumawa na rin ako ng cake. Nilagyan ko ito ng “Welcome to the Other World, Ana!!” na icing.
Tapos na akong magluto, naglilinis na lang ako. Hinugasan ko ang mga kagamitan na ginamit ko. Grabe, ang kalat ko talaga kapag nagluluto. Sana, masiyahan siya sa ginawa ko.
Habang naglilinis ako, may biglang tumakbo papalapit sakin.
“SUGOD!!!!”
PAAAAAAAAKKKKKKKKK!!!!!!
Nakaramdam na lang ako na may humampas sa ulo ko. Isang matigas na bagay, na talaga namang SOBRANG SAKIT!
“Araaaayyy!!!”
Sino bang BALIW ang pumasok sa bahay ni Ana?
Nang makita ko kung sinong humampas sa akin, mas lalong nag-init ang ulo ko sa nakita ko.
“ANAA!!”
“Naku… s-sorry! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya. Akala ko kung sino eh.. Sorry talaga!” paghingi niya ng tawad.
“Geeezzz! Ang sakit!!”
“Ikaw kasi!!! Ano ba kasing ginagawa mo dito?!! Inakala ko tuloy kung sinong magnanakaw ang pumasok sa bahay ko at nagtatangkang kumuha ng pagkain sa kusina ko. Hmph!”
“Pinaglutuan lang naman kita ng pagkain, baka kasi napagod ka sa unang araw mo dito.”
“Eh? Talaga?!!” wika niya na may kumikislap-kislap pa na mga mata.
“Kaso hinampas mo ako sa ulo, ikaw na nga ang pinaglutuan ehh!”
“Saktong sakto. Gutom na ako!!!” sabay upo sa upuan.
NAKIKINIG KA BANG BABAE KA??
Pagkatapos na maluto ang mga pagkain, pinaghainan ko siya ng pagkain niya.
“Wow! Ang sarap! Oooohh, hindi ko alam na masarap ka pala magluto.” aniya na may laman pang pagkain sa bibig.
Nagsalin siya ng tubig sa baso, mabilisan itong nilagok, at nagpatuloy muli sa pagkain.
“Huyy! Hinay-hinay lang. Baka ka na naman mabilaukan niyan!” alalang sabi ko.
Bigla siyang tumigil at ibinaba ang hawak-hawak na kutsara’t tinidor.
“IKAW!” pasigaw niyang sabi.
“B-Bakit?”
Ano na namang meron sa kanya? Bigla na lang siyang nasigaw. Papagalitan niya na naman ba ako? Unti-unti rin siyang namumula, may problema ba siya?
“B-Bakit?” pag-uulit ko.
“Ba’t ayaw mong kumain?”
Hoooh! Relieved!
“Tikman mo yung niluto mo, dali!” pamimilit niya.
“Wag na! Para talaga sa’yo yan!” nakangiti kong sagot.
“GRRRRWW!” ang sabi ng aking tiyan.
Sa sandali yun, katahimakan ang sumaibabaw…
“Nganga!” maikling utos niya.
“H-Huh?”
“NGANGA!!” sigaw niya.
Wala akong nagawa kundi buksan ang bibig ko. Kumuha siya ng ibang kutsara sa lamesa, kumuha ng pagkain, saka biglang isinubo sa bibig ko.
“Pride, my foot! Hahahaha!”
Nahiya tuloy ako. Pero kahit papano, masarap din pala.
“Masarap diba?”
“Oo nga noh! Ang galing ko talaga magluto! Hehehe!” pagmamayabang ko.
POKKK!
Biglang niyang ipinukpok ang kutsarang bakal sa ulo ko.
“Araayyy!! ANO BANG PROBLEMA MO??!!”
“Wala lang!” sagot niya na may mapangasar na ngiti.
KANINA, HINAMPAS AKO NG PAYONG. TAPOS NGAYON, KUTSARA NAMAN!!
Naubos na ni Ana ang inihain kong pagkain. Grabe… ang lakas niyang kumain. Pagkatapos, inilabas ko na ang pinakahuli kong surpresa..
“Wow!! Cake!!” mangha niyang tinitigan ang ginawa kong cake. “At may nakasulat pa talaga hah! Wow!! Ang special ko naman!” may nangingilid-ngilid pa na luhang sabi niya.
“Hinay-hinay lang hah! Matamis yan!” bilin ko sa kanya.
Inilayo ko muna ang cake mula sa kanya at inilapag sa lamesa. Maya-maya pa’y bigla na lang siyang umiyak.
“Anong problema?” tarantang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot, at patuloy lang siya sa pag-iyak.
“G-Gusto m-mo n-na b-bang t-tikman ‘t-tong c-cake? O-Oh ayan oh!” sabay alok sa kanya ng cake.
“Heek! So it means- heek! Talagang hindi na ako- heek! Babalik sa sarili kong mundo?” umiiyak niyang tanong.
“H-Haah? Pansamantala lang naman ang lahat ng ‘to. As soon as na-solve na ang kaso mo, at nahuli na kung sinong gabay ang nasa likod nito, makakabalik ka na ulit sa tunay mong mundo.” paliwanag ko.
Puwede ka na ulit mabuhay ng payapa,
at kalimutan ang lahat ng ito…
na parang isang panaginip lang.
Ana
“Huyy! Hinay-hinay lang. Baka ka na naman mabilaukan niyan!” alalang sabi niya.
Napahinto ako sa pagkain. Bigla na naman akong may naalala.
AHOO! AHOO!
“Ana! Anong nangyari?”
“Eh? Talaga? Baka kasi, napapanaginipan mo na ako eh. Hindi ko hahayaan na baboyin mo ako sa panaginip mo.”
“YOU PERVERTED THING! WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?!”
Gosh!! BWISEEET! Bakit ba naging ganito ang araw ko? Nakakahiya!
“IKAW!” pasigaw kong sabi.
Talagang hindi na ako nakapagtimpi. KANINANG KANINA KO PA TALAGANG GUSTO TAMPALIN ANG MOKONG NA ‘TO EH!!
Kasooo…
“B-Bakit?” tanong niya na may pag-aalala.
Ganito ba dapat ang isang gabay? Hindi niya naman kailangang mag-alala sa’kin ng sobra.
It’s just… annoying.
Bigla siyang tumayo at tila may kung anong kinukuha sa kusina. Paglabas niya, dala-dala niya ang isang cake. At may icing ito sa ibabaw, Welcome to the Other World, Ana!!
Napaisip tuloy ako. Gaano ba ako katagal dito sa dimensyon na’to? Gaano ba ako katagal mawawala sa mundo ko? Paano kung, nag-aalala na ang mga kaibigan ko? Si Papa, my Margareta bestie, my school friends and followers. WAAAAHHH!!
How can I suppose to live in other world?
Pinaliwanag ni Martin ang lahat. Sabi niya, kapag natapos na ang kaso ko, makakabalik na ulit ako sa mundo ko. Naho-home sick ako kahit na ito talaga ang bahay ko, huhu!
Anyway, let’s change the topic.
“Alam mo hindi talaga ako marunong gumawa ng cake. Minsan sobra sa alat. Minsan naman sobrang tamis. Ano kayang problema eh sinusunod ko lang naman yung procedure.” wika ko. “Pero may napansin ako sa cake mo..”
“Ano yun?” tanong niya habang kumakain ng cake. “Okay naman ang lasa ah!”
“Yes, ok ang lasa. Hindi lang kasi ako masyadong mahilig sa icing.” paliwanag ko. “Parang…”
Kumuha ako ng sobrang icing at…..IPINAHID SA MUKHA NIYA!
“... napasobra ata sa icing.”
“BWISET KA!!”
Inis niyang nilinisan ang mukha niya.
“Bwahahahahahhah!!”
Sa wakas, nakaganti rin.
“Ohh oo nga pala! Linisin mo yang kinalat mo hah!” bilin ko sa kanya.
“HAAHH!! Kakalinis ko palang! Ikaw na kaya ang nagkalat niyan!” bintang niya sa’kin.
“Oh bakit ayaw mo? Kasalanan ko bang sobra sa icing ang cake mo? Duh!”
“Bakit hindi ikaw na lang ang maglinis? Ano bang gagawin mo?”
“Magbibihis! Bakit, gusto mo sumama? Sa bagay ok lang sakin, BABAE KA NAMAN EH!!! HAHAHAHAHAHAH”
“BWISET KA!!!”
I know it’s a selfishness and a foolishness, but who cares? I’m enjoying messing around with him eh, HAHAHAHAHA!
It’s 9 o’ clock of the evening, nakapagbihis na ako ng pantulog ko. Nakapaghilamos na rin ako. Hinahanap ko ngayon yung mga beauty products ko.
Nasaan ba yung moisturizer cream ko? Wag mong sabihing, WALANG MOISTURIZER DITO???!! WAAHH! Mas lalo ko na tuloy gustong umuwi sa mundo ko.
Humiga na lang ako sa kama ko. Nagmamadali ako kaninang umaga kaya hindi ko masyadong pinansin ang kuwarto ko. Actually, it’s exactly the same sa kuwarto ko sa tunay kong mundo, maliban sa mga pictures na nakasabit at nakalagay sa side table ko.
Tinignan ko ang isa sa mga picture na nasa side table ko.
“Ang litrato naming magkakaibigan.”
Natuon ang atensyon ko kay Margaret, ang counterpart ni Margareta sa mundong ito. Magkaibang magkaiba sila ng ugali, haysss.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata, at tuluyan na nawalan ng kamalayan.
“Ohh, sinisinta kong Ana! Hiling ko’y ika’y makasama. Kung pagbibigyan mo lang sana, na makapiling ako sa tuwina.”
“Oh, Martin!”
Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga, saka lumuhod at hinalikan ang kamay ng dilag.
“Gusto kita, Ana!” buong tapang na pag-amin ng binata.
WAAAAAHH!!!
Nagising ako mula sa isang panaginip. Shet! Anong klaseng panaginip yun? Nakakadiri!
Anong bang nangyayari sa’kin? May problema ba sa’kin?
NOOOOO!! Walang ganong mangyayari! NEVER! He’s my guardian, so it’s normal for him to act like that. Just like what other guardians do.
He’s like a father who cares a lot for his daughter. Huminahon ka, self!
AT KAILAN KA PA NAGING MARUPOK, ANA!!!
In Fernando Group:
“Ma’am Liza, ito na po yung info na pinapahanap niyo”, sabay abot sa kanya ng isang document.
“Salamat!”
“Ma’am, puwede po magtanong?”
“Sige lang.” maikling sagot ng kanyang amo.
“Nakita ko po yung larawan ng batang babae na pinapahanap ninyo. K-Kakambal niyo po ba siya?”
Patuloy pa rin si Liza sa pagtingin ng dokumento.
“Bakit mo naman natanong yan?”
“Sobrang magkamukha po kasi kayo”
“Di hamak naman na mas matanda ako kaysa sa kanya.”
“Kung ganon kaano-ano niyo po siya?” determinadong tanong ng kanyang sekretarya.
“Hindi ko alam. Kaya nga pinapahanap ko siya sayo diba.”
Binasa niya ang sumunod na pahina.
“Kung ganon, Ana Fernando ang pangalan niya.”
“Fernando po?” gulat na tanong ng kanyang sekretarya.
Sino ka bang babae ka? Anong kaugnayan ko sayo? Ana Fernando?
Ana
Mabuti nalang, nagising ako nang maaga, kahit na nagkaroon ako kagabi ng isang wirdong panaginip. Hoohh!!! Ang sarap kapag hindi ka nagmamadali sa pagpasok.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papunta sa school. Habang naglalakad ay nakasalubong ko rin ang mga batang papasok din sa kanya-kanya nilang paaralan. Nakasalubong ko rin si Nanay Celerina na nagdidilig ng kanyang mga bulaklak sa harap ng kanyang bahay.
“Magandang umaga, Ana!” bati niya.
“Magandang umaga po ‘Nay!” sabay mano.
“Nasan po si Tatay Eugenio?” dagdag ko.
“Hay naku! Wag mong pansinin yung matandang iyon!”
Teka? Nag-away ba sila?
“Ooohh, aba’y pagkaganda mo ngay-on sa suot mong uniform hane!”
“Ahh, salamat po!”
“Nasabi ko na baga sa iyo? Pero para bagang hindi pa.”
“Ang alin po?”
“Na gay-an din ako baga kaganda nung kasing-edad mo ako. Naku, habulin ako ng mga gwapong lalaki sa paaralan namin.”
“Ahh opo! Hehe”
Gusto ko nang pumasok!!!!
“Sige po, pasok na po ako!”
“Sige!”
Sa wakas naka-alis din. Pinagbibigyan ko nalang matanda na kasi ehh. Ilang lakad lang, nakarating na ako sa school namin.
Nung nasa gate na ako, hinarang ako ng guard.
“ID mo?” masungit nitong tanong.
“Ah ito po!” sabay hanap sa loob ng bag ko.
WAAAAAAHHH!!!! HALA!!! NAKALIMUTAN KO!!!!! SA DAMING PUWEDE PANG KALIMUTAN YUNG ID KO PA!!
“Ahh, kuyang guard? Baka puwede mo naman akong papasukin na lang?” pagmamakaawa ko.
“ANNOO??”
“Kahit ngayon lang, manong guard. Kahit ngayong araw lang.”
“HINDI PUWEDE!! KUNG WALA KANG ID, WAG KA NA LANG PUMASOK!”
GRRRR!! KA-BUWISET! Kung gaano kabait sa’kin ang guard na yun sa tunay kong mundo, ganon naman siya kasungit sa mundong ‘to!!
Agad akong tumakbo pabalik sa bahay. Ano ba yan?!! Wala ba akong umaga dito sa dimensyon na ‘toh kung saan hindi ako nagmamadali at tumatakbo??!!! NAKAKAPAGOD!!
Nang makarating ako sa bahay, agad kong kinuha ang ID ko, inilock ang bahay, at tumakbo ulit papuntang school.
PATAY!! 6:55 na!! Wala palang silbi ang pagtulog at paggising ko ng maaga. Sa huli, ito ako ngayon, nagmamadali, tumatakbo!!!
Matapos ang ilang metro ng pagtakbo, sa wakas nakarating din sa MASUNGIT NA GUARD.
“Ito na po yung ID ko.” hinihingal kong inabot ang ID ko.
Napansin kong nakailang tingin pa siya sa ID ko at sa mukha ko. KADUDA-DUDA BA ANG KAGANDAHAN KO?? HOW DARE YOU!!
“Sige pasok na.”
“Sa wakas!”
Dumiretso na ako papuntang room namin.
“Good morning Ana….. anong nangyari sayo? Para kang hinabol ng maraming aso ah.. UYYYY, pinagiinteresan ka narin pala ng mga aso… Hindi ko alam yun ahh!” biro ni Margaret.
“Haaayyy!!!! Mas malala pa dun ang nangyari sakin.” nakasimangot kong sagot.
“Alam ko na, yung masungit na guard noh?!”
“Pano mo nalaman?”
“Halos lahat naman ng mga estudyante nasisira ang umaga dahil dun sa masungit na guard na yun.”
“Akala mo siya ang may-ari ng school. Hilahin ko yung mahabang buhok niya eh!” gigil na gigil kong sabi.
“Siya nga!”
“Eh?”
“Balita ko, malapit daw yung masungit na guard na yun sa may-ari ng Eastbridge Academy, kaya kung umakto siya parang…. siya ang may-ari.” nakairap na mga mata niyang sabi.
KAILAN PA NAGING TSISMOSA SI MARGARETA??!!
Habang nag-uusap kami ni Margaret, biglang may gumulo ng buhok ko
“ANO BA MARTIN!!” pikon kong wika.
“Huh? Martin?”
Lumingon ako sa likuran ko. Hindi pala si Martin ang gumulo ng buhok ko, kundi si STACEY.
INTRODUCING: Stacey Villanueva
Si Stacey ay kaklase ko since 4th Grade. Well transferee siya nung time na yun. Isa rin siya sa mga kaibigan ko, at siya ang pinakamayaman kong kaibigan since nagmula siya sa isang malaki at mayamang pamilya, ang mga Villanueva. Isa siyang seryoso at mahinhing babae. Hindi siya mahilig sa kalokohan at isa pa, MARAMING RING MGA LALAKI ANG NAGKAKAGUSTO SA KANYA!!!
Pero sa nakita ko kahapon, ibang-iba ang Stacey na nandito sa dimensyon na ‘to dahil….. MUNTIK NIYA NA AKONG HATAWIN NG METER STICK DAHIL INAGAW KO DAW SA KANILA SI MARTINN!!!
“Huyyy! May sasabihin ako sa inyo. Narinig ko lang ito na pinaguusapan sa lobby at sa middle floor!”
PATI BA NAMAN SI STACEY NAGING TSISMOSA NA RIN?! WALA NA BA AKONG DISENTENG KAIBIGAN?
“Ano yun?” curious na tanong ni Margaret.
“May isang lalaki na paligid-ligid daw kung saan may mga mag-jowa!” bulong ni Stacey.
“Huh?!”
“Oo! Palihim siyang tumitingin sa mga couple. Karamihan ng mga couple dito sa school, nakita nila ang lalaking yun na nakatingin sa kanila. Ang mas malala pa, pagkatapos daw nilang makita ang lalaking yun, kinabukasan, nag-aaway sila ng hindi alam kung anong dahilan ng pinag-aawayan nila”
“Eh?”
“Basta bigla na lang silang mag-aaway. At kapag hindi napagusapan ng maayos, maaaring mag-break ang magkasintahan tulad ng sa iba.”
Bigla kong naalala yung lalaking nakamasid kahapon. So, hindi siya stalker. Kaya siya nandoon, ay dahil nakamasid siya sa dalawang taong naghaharutan nung oras na yun, kila Nanay Celerina at Tatay Eugenio.
Yun din kaya ang dahilan kung bakit naiinis kanina si Nanay Celerina kay Tatay Eugenio?
“Sus! Sabi-sabi lang yun! Panakot lang yun sa mga mag-jowa noh.”
“Bakit, may boyfriend ka na ba Ana?” tanong ni Margaret.
“NANG-IINSULTO KA BA??!!!”
“Wala ka pa bang boyfriend? Sinabi ko ito sayo kasi akala ko boyfriend mo na si Martin ehh. Babalaan sana kita.”
“ANO BANG PINAGSASASABI NIYO???!!! BAKIT KAYO BA? MAY JOWA NA BA KAYO HAH?”
Hayyyy! Pero sino naman kaya ang baliw na lalaking yun? At paano niyang napag-aaway ang mga magkasintahan sa pamamagitan ng pamamasid lang? Weird..
“Ana.” malumanay na tawag ni Martin.
“Oh, Martin. Bakit?”
“May sasabihin ako sayo-”
“Nandyan na si Sir!” sigaw ng aming Class President.
Nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang upuan.
“Ahh teka Martin, anong nga ulit yung sasabihin mo?”
“Mamaya nalang.”
Ano kaya ang sasabihin ni Martin sakin? Mukha kasing seryoso siya ngayon. Nakakapanibago lang para sakin ang kinikilos niya. May problema kaya siya?
Ilang oras ang nagdaan, at ilang klase na rin ang natapos, ngunit tila tahimik pa rin si Martin. Ano kaya ang nangyari? Hindi kaya…. NAGTAMPO SIYA?? Siguro nagtatampo siya dahil siya pa ang pinaglinis ko ng kalat ko kahapon. O kaya naman siguro iniisip niya na hindi ko na-appreciate yung effort niya? O kaya dahil sa inasar ko siya na BABAE SIYA??!!! Hayyyy!!!! Nakuuu, anong gagawin ko?
Natapos ang buong araw ko na hindi kami nag-usap ni Martin. Pano yan…. napasama ko ata ang loob niya. Sa ngayon, kailangan kong mag-sorry sa kanya! Tama! Yun ang dapat kong gawin.
Kung ganon, nasan kaya siya ngayon?
Nilibot ko ang buong school pero hindi ko siya mahanap. Well, hindi pala lahat dahil hindi naman ako pumasok sa CR ng mga lalaki noh! Nandito ako ngayon sa 4th floor, naglalakad, nagmamasid-masid kung nandito ba ang guardian ko. Masyado kasing malaki ang school na toh eh. Nasan na ba siya?
Sa kakalakad ko, may nakita akong panibagong hagdan. Ang alam ko ito yung papunta sa rooftop kung saan dinala ako ni Martin. Umakyat ako sa rooftop, nagbabaka-sakaling nandito ang hinahanap ko, at di nga ako nabigo, nandito si Martin sa rooftop. Nakatayo, patingin-tingin sa kalangitan. Sadyang napakagandang tambayan ang rooftop ng school bukod sa malamig at mahangin, kitang-kita mo ang napakaraming puno at ang napakagandang kalangitan sa hapon.
Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?
“M-Martin!”
Lumingon siya paharap sa’kin. At ano toh? May dala-dala siyang, BULAKLAK?
Ngumiti siya nang makita niya ako. Yung ngiti niya, hindi yung ngiting nakakabuwiset. Kundi..
“Nahanap mo ako ahh.” nakangiti niyang sabi.
Nakakapanibago ang ngiti niya ngayon. Ahh basta! Kailangan kong mag-sorry sa kaniya..
“T-Tungkol n-nga p-pala k-kahapon, s-sorry k-kung n-napasama k-ko a-ang l-loob m-mo. H-hindi k-ko n-naman y-yun i-intensyon e-ehh. N-Nagbibiro l-lang n-naman a-ako e-eh.” nahihiya kong sabi.
Imbes na magalit at pagalitan ako, dahan-dahan lang siyang lumapit patungo sa’kin, at niyakap ako nang mahigpit.
“H-Huh?”
Bakit niya ako niyakap? Nasa bandang dulo kami ng rooftop ngayon, huwag mong sabihing…. MAGPAPAHULOG ULIT KAMI?!
“Huwag mo nang isipin yun. Ayos lang sa’kin yun.” malambing niyang sagot.
“Talaga?!” sabay kalas sa pagkakayakap.
Tumango lang siya.
“Ang totoo, may sasabihin sana ako.” wika niya.
“Huh? Ano?”
Hinawakan niya ang maiinit kong mga kamay. Nagsimula akong kabahan.
“Okay lang ba?” tanong niya.
“O-Oo, a-ano b-ba y-yung s-sasabihin m-mo?”
Huminga siya nang malalim at nagbuntong hininga.
“Gusto kita Ana!”
A-Ako? G-Gusto n-niya a-ako?
Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang malalapad niyang mga kamay. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang mga palad. Hindi na ganon kalamig tulad noong una.
Inilapit niya ng dahan-dahan ang kanyang mukha at dahan-dahang ipinagtatapat ang aming mga labi.
Anooo tohh???!!! HAHALIKAN NIYA BA AKO??
OH MY HEART! Ito na ba yung mga scenes sa napapanood kong mga Kdrama? O kaya sa mga nababasa kong novels at manga? Kinikilig akooo.
Unti-unti na siyang pumipikit. Ito na nga talaga siguro!!! Dahan-dahan ko na ring pinikit ang aking mga mata, dinadama ang tensyon na nagaganap sa aming dalawa.
Hahalikan niya na ako nang biglang…
Nang biglang…
“GOT-CHA!” aniya.