CHAPTER 4: WHY AM I BLUSHING?

2152 Words
Martin   Ako si Martin Francisco. Isa akong Nobody at kabilang sa mga makakapangyarihang Gabay. Pang-walo ako sa mga ito. Misyon ko ngayon na protektahan ang isang babaeng iniligtas ng misteryosong hinirang dito sa kabilang dimensyon. Ako ang kasalukuyang gabay ni Ana Fernando.   Nakagawa na ako ng EXISTENCE para sa aming dalawa ni Ana. Ang tagal ko kayang pinag-isipan yun. Pagpasok ko sa school sa umaga, nakita ko na si Ana. Sa itsura niya palang, halatang naguguluhan na siya sa mga nangyayari.   Sinubukan kong lumapit sa desk niya para kausapin siya at kinalampag ito para matuon sa akin ang atensyon niya. Pero mukhang nakuha ko ang atensyon ng lahat. Nagsimula ng mabaliw ang mga babae sa loob ng classroom ng mapansin nila ako. Kaso biglang dumating si Sir William.   Kinausap ko siya pagkatapos ng tatlo naming klase. Dinala ko siya sa Rooftop at pinaliwanag ang lahat. Mukhang nagalit siya sa ginawa kong existences. Palabas na siya nang biglang nagbukas ang pinto at lumabas ang mga GALIT NA BABAE na may mga dalang gamit.   “BABAWIIN NAMIN SIYA SA’YO! MAGBABAYAD KA!!” sabay-sabay na sugod ng mga babae patungo kay Ana.     SNAP!!   “Huh?!” biglang tigil nila. “Eh?” “Anong ginagawa natin dito?” nagtatakang tanong ng isang babae. “Hindi ko rin alam.” sagot ng isa sa kanyang kasamahan. “At bakit may mga dala tayong ganito?”   Di maipinta ang pagtataka ng mga babae, kung bakit sila naroroon, at may dalang mga gamit. Hindi rin mawari ang itsura ni Ana sa sobrang pagtataka, kung anong nangyayari.   “Oh? Ana! Ayos ka lang ba?” tanong nila nang mapansin si Ana na nakasalampak sa sahig. “Nasaktan ka ba?” may pag-aalalang tanong ng isang babae. “Huh? Ah…eh… A-Ayos l-lang a-ako..”   Inalalayan nila si Ana sa pagtayo. Ang ilan naman ay pinagpag ang alikabok sa palda niya, at ang ilan ay inaayos ang buhok niya.   “Hindi ko napansin. Matatapos na pala ang Lunch Break!” taranta kong sabi. “Hala!!! Di pa ako kumakain!” alalang tugon nila. “Nakuuu, hinihintay na pala ako ni Margaret kanina pa.” wika naman ni Ana.   Nagsitakbuhan na pabalik ang mga babae habang kami ni Ana ay naiwan sa rooftop.   “Ang lakas naman ng loob mo na awayin ang galit na mga babaeng yun. Hindi mo ba sila nakita kung gaano katapang?” puna ko sa kanya. “Anong ginawa mo sa kanila? Binago mo ba ang existences nila?” “Wala akong binago sa mga existence nila. Actually, existences lang nating dalawa ang kaya kong baguhin. Binago ko lang ang existence ko sa isang pitik.” “IBIG SABIHIN, HINDI MO PA RIN BINABAGO ANG EXISTENCE KO?!” galit na naman niyang sabi. “Ganon ba talaga ka-apektado ang existence ko sa existence mo? Grabe, muntikan na ako kanina eh.” dagdag pa niya. “Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa’kin? Niligtas kaya kita.” “Bakit kita pasasalamatan eh tungkulin mo naman yan, diba? Tss!” sagot niya na may nakairap na mga mata.   Waaaahh!! Hanggang kailan ko ba pagtitiisan ang babaeng ‘toh? Ni hindi man lang siya marunong mag-appreciate, huhu!   “Anong existence ang ginawa mo sa sarili mo ngayon?” seryoso niyang tanong.   Napangiti ako sa pagnanais niyang makaalam.   “Isa na lang akong simpleng GWAPONG high school student ng Class 4-1 ng Eastbridge Academy. At naniniwala ako sa kasabihang, Hindi man habulin ng mga babae, may talino namang maipagmamalaki! HAHAHAHA!” taas-noo kong sagot. “Ahhh! Okay!” tugon niya na may blangkong ekspresyon at tuloy sa paglakad.   Ana   Iniligtas ako ni Martin sa mga galit na babaeng iyon sa pamamagitan ng pagbago ng existence niya. Okay na rin yun! At least, wala ng galit na mga babaeng susugod sa’kin para bugbugin ako, at pagbintangan akong INAGAW KO DAW SA KANILA ANG MARTIN NILA!! Tss!   “Isa na lang akong simpleng GWAPONG high school student ng Class 4-1 ng Eastbridge Academy. At naniniwala ako sa kasabihang, Hindi man habulin ng mga babae, may talino namang maipagmamalaki! HAHAHAHA!” “Ahhh! Okay!” maikli kong tugon.   Ayan na naman siya. Nagbubuhat na naman ng sariling bangko. Tiningnan ko siya habang naglalakad. Actually, gwapo rin naman si Martin. Plus points pa dahil mas matangkad siya sakin. At masasabi kong cool din naman siya, kahit na medyo NAKAKABWISET lang ang ilang pinagsasabi niya. Pero may logic din naman ang ilang sinasabi niya.   Ayos din naman ang pormahin niya kapag suot-suot niya ang itim naming school uniform. Bagay ito sa maputi at slim niyang katawan.   “Ana? Ana? Ana!” “Huh? B-Bakit?” tanong ko nang matauhan. “Lutang ka na naman. Ano bang iniisip mo?” “A-Ako? I-Iniisip k-ko? W-Wala!” sabay iwas kong tingin. “Bilisan na natin, para makakain na tayo.” “S-Sige.”   GAANO KATAGAL BA AKONG NAKATITIG SA KANYA??   Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa classroom namin. Agad akong pumunta sa upuan ko at kinuha ang lunchbox ko saka tumabi sa upuan ni Margaret.   “Margaret! Kain na tayoo-” “Ohh, Ana! Nandyan ka na pala! Sorry, paubos ko na pagkain ko eii. Ang tagal mo kasi. Nagugutom na kasi ako. Sorry!” paghingi niya ng tawad habang sinisimot ang kanin sa baunan niya. “Ah…eh…”   ANO BAYAN!!!!!! KUNG SI MARGARETA LANG TOH, BABATUKAN KO TALAGA TOH!   “Ok lang! Bibilisan ko nalang kumain.” ngiti kong sabi. “Teka Ana. Talaga bang ok ka lang?” tanong ni Margaret. “Huh? Oo, ayos lang naman ako.” “Kanina ko pa kasi napapansin na palagi kang lutang. Tapos ngayon naman, namumula yang mga pisngi mo. Anong meron?” diretsahan niyang tanong.   TALAGANG WALANG PRENO ANG BIBIG NG BABAENG TOHH!!   Biglang lumingon si Martin sa puwesto namin ni Margaret. Hala! Narinig niya kaya?   “Masama ba ang pakiramdam mo? Magsabi ka lang kung dadalhin kita sa clinic.” wika ni Martin. “Ahh hindi! Ok lang talaga ako.” nakangiti kong sagot.   Ilang minuto nalang at matatapos na ang lunch break namin. Pansin ko rin na pati ang mga babaeng yun, nagmamadali din sa pag-ubos ng pagkain nila. Maski nga si Martin ehh, binibilisan na rin ang pagkain.   Sa totoo lang, NAKAKA-STRESS TALAGA ANG ARAW NA TOH!!! SIMULA PA NG UMAGA, NAGMAMADALI NA KOO!!! NAGMADALING MALIGO, NAGMADALING MAGBIHIS, NAGMADALING KUMAIN, TAPOS NGAYON! HUHUHU! NGAYON NAMAN, NAGMAMADALI AKO SA PAG-UBOS NG PAGKAIN NA TOHH!!!   Naubos ko na rin ang pagkain ko, sa WAKAS!!! Agad akong uminom ng tubig upang malunok ang kaning nagsisiksikan sa bibig ko.   AHOO! AHOO!   Sa kakamadali, nabilaukan yata ako. Ubo ako nang ubo. Pero parang hindi matanggal ang kaning nakabara sa lalamunan ko. Sinubukan kong suntukin ang dibdib ko, pero wa-epek pa rin.   “Ana! Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Martin.   Bigla siyang tumayo at iniharap ako sa kanya. Sheeemmss! Ito na naman ang puso ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Ramdam ko na unti-unti na naman akong namumula.   Sa bilis ng t***k ng puso ko, biglang nawala ang bara sa lalamunan ko.   SHEEMAAAYY! BAKIT BA AKO NAMUMULA??!   Ilang minuto lang ay dumating na rin ang teacher namin sa Science, si Ma’am Violet. Ba’t parang….. ang weird ng pangalan niya?   “Good afternoon Class!” bati niya sa kanyang mga estudyante. “Good afternoon Ma’am Violet” sabay-sabay naming tugon. “Take your seats”   Ahhh, alam ko na kung bakit Violet ang pangalan ni Ma’am. Dahil… sa tingin ko…. FAVORITE COLOR NIYA ANG VIOLET!! Yung BAG niya, tapos yung BLAZER niya, then may HIGHLIGHTS pa siya sa BUHOK niya na kulay VIOLET. Pati na rin pala ang Teacher’s ID Lace niya VIOLET. Iniisip ko kung may gamit ba siya na hindi kulay VIOLET.   Dala-dala ni Ma’am ang silver niyang laptop. YEHEY!!! HINDI VIOLET. Kinuha niya ang HDMI Cable na nakakabit na sa monitor namin. Isinaksak ni Ma’am ang HDMI Cable sa laptop niya at lumabas ang display ng laptop niya sa monitor namin.   WHHAAAAT!!!! KULAY VIOLET ANG BACKGROUND NIYA!!! AT YUNG BUONG THEME AS IN COLOR VIOLEET!!!! Talaga bang pinaninindigan niya ang pangalan niyang VIOLET?   Nagsimula na maglesson si Ma’am Violet, at nagsimula narin ang mga NAKAKAANTOK KONG ORAS. Time of Siestas kaya struggling talaga. Nakakabagot ba naman ang mga klase pag hapon na. Mas gusto ko pa talaga na matulog kaysa pagtuonan ng pansin ang klase. Struggle talaga ako na gisingin ang sarili ko!! Siguro dala na rin ng nakakapagod na araw ko kaya hindi ako makapag-concentrate.   Habang nasa kasarapan ako ng pagkawala ng diwa ko, biglang may sumipa ng upuan ko mula sa likod.   “Huy! Gising!” mahinang sabi ni Martin. “Gising naman ako! Hindi mo naman kailangang sipain ang upuan ko noh!” mahina ko ring sagot.   Lalo siyang lumapit sa’kin at saka bumulong.   “Eh? Talaga? Baka kasi, napapanaginipan mo na ako eh. Hindi ko hahayaan na baboyin mo ako sa panaginip mo.” natatawa niya sabi.   Talagang hindi ako nakapagtimpi at napatayo sa sobrang inis.   “YOU PERVERTED THING! WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?!”   Napasigaw ako sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Ma’am Violet. Nagtinginan sa akin ang lahat ng mga kaklase ko.   “Ms. Ana? May problema ba?” mahinahong tanong ni Ma’am Violet. “W-Wala p-po m-ma’am. M-May I-I g-go t-to c-cr p-po?” utal kong tanong. “Sure, you may go.”   Mabilis akong tumakbo papuntang CR. Grabeee, nakakahiya! Kainis kasi yung lalaking yun ehh. This time, gising na gising na talaga ang diwa ko. Binasa ko ang mukha ko at saka bumalik sa room.   Natapos ang apat naming klase sa iba’t-ibang subjects. Sa wakas, uwian na!! Makakapagpahinga na rin ako matapos ang nakakastress na buong araw ko sa school. Hindi ko na napansin kung ano ba ang ginagawa o kung nasaan ba si Martin. Basta ako, uuwi na ako, bahala siya jan!   “Bye Ana!!!” kaway ni Margaret. “Bye!”   Alas-quatro y media na nang naglalakad ako pauwi sa bahay ko. Ngayon ko lang napansin na may mga bahay din na kaparehas sa dimensyon ko. Pero may ilan din na nabago. Nakita ko rin ang ilang bata na naglalaro sa kalsada tulad ng mga bata sa dimensyon ko.   At nakita ko rin ang isang matandang babae na naglalakad ng mag-isa sa kalye, bitbit ang napakarami niyang pinamili. Tinitigan ko siya nang mabuti at namukhaan ko kung sino siya.   “Nanay Celerina!!!” sigaw ko. “Oh Ana! Ikaw pala iha!” lingon ng matanda.   So Celerina din pala ang pangalan niya dito sa kabilang dimensyon.   “Mukhang marami-rami po ang nabili niyo ahh. Tulungan ko na po kayoo.” habang kinukuha ang mga dala-dala niya supot. “Nakoo, salamat iha! Talagang napakatulungin mong bata!” “Salamat po!” “Aba’y, pagkaganda-ganda mo rin talagang bata ka ahh. Alam mo baga noong kasing-edad mo ako hane, ganere din ako kaganda. At ako baga’y habulin din ng mga kalalakihan.” pagmamalaki ng matanda. “Ahh… Opo! Hehehe, pero ang nagwagi pa rin sa puso mo ay si Tatay Carpio.” “Ano bagang pinagsasabi mong bata ka?! Yung Carpiong yun, matagal na kaming wala. EX ko lang yun noh.” “H-Haah??!!!” “Mabuti na nga laang hindi ko pinakasalan ang lalaking yuon. At ako baga’y masaya na sa asawa ko ngay-on.”   So, sa mundong ito, hindi si Tatay Carpio ang napangasawa niya. Sa kuwentuhan namin, hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa bahay ni Nanay.   “Eugenio!!! Mahal ko!!! Ako nga’y pagbuksan po ng pintuan, at si Ana’y ngalay na.”   Sino daw? Eugenio?   “Papunta na mahal!!” wika ng kanyang asawa.   Mahal??!! IWWW! Ilang segundo’y binuksan na ni Tatay Eugenio ang pintuan.   “Akin na ang mga dalahin mo. Oh Ana, nandyan ka pala!”   Iniabot ko kay Tatay Eugenio ang mga pinamili ni Nanay Celerina.   “Ah opo, T-Tatay Eugenio.”   Makisabay ka nalang self!   “Salamat Ana hah!” banggit ni Nanay Celerina. “Walang anuman po!” nakangiti kong sagot. “Aruyyy… napagod ba ang mahal ko?” sabay hipo-hipo sa braso at balikat ni Nanay. “Ok lang ako mahal! Alam ko naman na mamasahiin mo ako mamayang gabi ehh!” may lambing niyang sabi.   Ano ba namang mga matatandang toh? Ang HAHAROOTTHH!! Mga GURANG na eh, kala mo mga TEENAGER pa kung mag-HARUTAN!! Makaalis na nga!   Lumingon ako sa bandang halamanan sa kabilang kalye. Napansin ko kasing parang may nakasilip sa amin. Hindi ko alam kung ang kagandahan ko ba ang tinitignan niya. Stalker ba siya? Ewan ko ba.   Naglakad na lang ako ulit pauwi. Buti nalang walang masyadong nabago sa mga kalye dito sa kabilang dimensyon. Napaisip ako kung saan ba ngayon tumutuloy si Guardian No. 8. Naka-apartment din kaya siya? Kailan ko kaya makikita ang bahay niya dito?   Habang iniisip ang mga bagay na yun, may sumagi na naman sa isip ko.   “Masama ba ang pakiramdam mo? Magsabi ka lang kung dadalhin kita sa clinic.” “Ana! Anong nangyari?”   Ano bang nangyayari sakin??!!! Nababaliw na ba ako? Ramdam ko na naman ang pamumula ng pisngi ko. KAINIS!   Sa kakalakad ko ay nakarating na ako sa bahay ko. Habang nagtatanggal ng sapatos, may narinig akong ingay. Ingay ng plato, kutsara, kaldero…. hindi kaya….. MAY PULUBING PUMASOK SA BAHAY KO AT NAGHAHANAP NG PAGKAIN??!!   Dahang dahan akong pumasok at pumunta sa pintuan ng kusina. Napansin ko rin na bukas ang ilaw sa kusina. Kinuha ko ang mahabang payong mula sa bag ko na ihahampas ko sa taong nasa kusina ko.   Ok! Kaya mo toh Self. Kahit ngayon lang, maging matapang ka!   1……2….3.. GOOO!!!!!   “SUGOD!!!!!”   PAAAAAAKKKKKKKKKKK!!!!!!!!   Naku hindi!!! Anong ginagawa niya dito? Akala ko si…   In Fernando Group:   “Ma’am Liza! Ito na po yung file na pinapakuha niyo” habang inaabot ang isang flash drive. “Sige. Salamat. Ako na ang bahala. Puwede ka na umuwi.” “Ok po Ma’am”   Isinaksak ni Liza ang flash drive sa laptop na ibinigay sa kanya. Binuksan niya ang file na nakalagay doon. Lumabas doon ang info tungkol sa Eastbridge Academy, ang school nila Ana. Lumabas din ang iba’t-ibang larawan at mga detalye ng mga guro at mga estudyante na nag-aaral sa Eastbridge pati na rin ang mga footage ng school. Sa kakatingin niya, nakita niya ang larawan ni Ana sa isang class picture.   “Ang babaeng ito..” wika niya.   Tinawagan niya muli ang secretary niya.   “Yes po Ma’am?”   “May ipapahanap ako sayo bukas. Pumunta ka ng maaga sa office ko.”   “Ok po Ma’am!”   Tumingin siya sa salamin saka nagsalita. “Bakit siya’y….. may kaparehas na mukha tulad ng sa akin? Anong meron sa kanya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD