Ana
Ipinakilala sa akin ni Miss Verona ang magiging gabay ko sa kabilang dimensyon. Siya si Guardian No. 8. Well, hindi ko pa alam kung anong pangalan niya o kung may pangalan ba siya tulad ng sa tao. Isa siyang napakakulit at napaka-ingay na gabay na may nakakasawang expression na “Yup!”. GRRRRR…..
Pero….. PANAGINIP LANG PALA ANG LAHAT NG IYON- Sana!. Paggising ko ng umaga, napakarami ng nangyaring kakaiba, tulad ng black uniform ko instead na puti, at pati na rin yung school namin, naging mas malaki. May kutob na talaga ako na baka…… TOTOO ANG LAHAT NG IYON AT HINDI ISANG PANAGINIP!!!
Habang naguguluhan ang isip ko, may tumapik sa likod ko na siyang ikinagulat ko. Lumingon ako at nanlaki ang mga mata sa nakita.
Ikaw si…. MARGARETA!
INTRODUCING: Margareta Dela Santos
Si Margareta ay ang bestfriend ko since kinder. Sobrang bait niya at masayahin, yun nga lang, masyado siyang mahinhin at mahiyain. Araw-araw, lagi kaming sabay na kumakain. Pati na rin sa pagbili ng pagkain sa Canteen. Madalas din kaming naggu-group study at nagsi-sleep over.
“Margareta?? Sinong Margareta?” buong pagtataka niyang tanong.
“Huh?”
“Nakalimutan mo na bang….walang A ang dulo ng pangalan ko?”
“HAAH?!”
“Ana! MARGARET LANG! M-A-R-G-A-R-E-T……MARGARET. Walang A!” paglilinaw niya.
IMPOSIBLE!!!!!
Naguguluhan na talaga akoooo! A-Ano b-bang n-nangyayari?
“Akala ko ba naman bestfriend tayo. Pero sa pangalan ko palang, nagkakamali ka pa. Hmph!” pagmamaktol niya.
At kailan ka pa nagkaroon ng ganyang ugali, Margareta??!!
MALI! Margaret ang pangalan niya??!! Pero buong buhay ko Margareta ang tawag ko sa kanya. Paano nangyari yun?
Sa mga oras na ito, gulong-gulo na talaga ang isip ko. Ano ba talagang nangyayari? Habang patuloy ako sa pag-iisip kung anong ka-weirdohan ang nangyayari, biglang may naalala ako.
“Ang existence ay ang mga detalye ng buhay ng isang tao tulad ng mga katangian, hitsura, at ang kanilang nakaraan.”
“Ana? Ana? ANAAA!!!”
“H-Huh? B-Bakit?” gulat kong tanong.
“Nakikinig ka ba?”
“Sorry. Ano nga ulit ang sinasabi mo?”
“Mukhang lutang ka ata ngayon ahh… Ang sabi ko tara na, LATE NA TAYOO. Baka nandon na si Sir William. Tara na!” pagyakag niya sa’kin.
Bigla akong hinila ni Margaret habang mabilis na tumatakbo.
“Wait lang Margaret!!!”
“Dali na bilisan na natinnn!!!”
Tumakbo kami ng sobrang bilis to the point na nabubundol na namin ang mga ka-schoolmate namin. Nakaka-stress naman ang umagang ‘to. Simula pagkagising, nagmamadali na ako. Tapos ngayon, takbooo na naman…huhuhu
“Yessss!!! Nandito na tayo sa lobby!”
“Oo nga sa wakas nakarating din.”
Nanghihina na kooo! Ang sakit na ng paa ko, huhuhu!
Madami paring mga tanong ang nasa isip ko. Habang naglalakad ako papuntang room namin sa bandang kanan, sumigaw si Margaret.
“ANA!!!” sigaw niya na may kaunting pagkainis.
“Bakit?”
“ANO KA BA???!!! LATE NA NGA TAYO, KUNG SAAN-SAAN KA PA PUPUNTA. SAN KA BA PUPUNTA?”
“Sa room natin.” sabay turo ko ng direksyon.
Lumapit si Margaret sakin at biglang kinapa ang noo ko.
“NANG-IINSULTO KA BAAA!!!!”
“Huwag kang malikot. Tinitignan ko kung mainit ka.” wika niya habang kinakapa ang noo ko.
“Huh? Pero wala naman akong sakit.”
“Oo nga, hindi ka naman mainit. Kakaiba kasi ang mga kilos mo. Sigurado ka bang ok ka? Samahan na kaya kita sa Clinic?”
“H-Huwag na! Ok lang ako!”
“Kung ganon, tara na.” sabay ngiti.
Nakakapagtaka. Ang alam ko sa right wing ng building ang room namin. Nagmumukha na akong wirdo sa harap ni Margaret. Sobrang naguguluhan na talaga ako. Sa mga oras na toh, may naalala na naman ako.
“WAAAHHHH!!! AAANNONGG GGIIINNAAGGAAWWAA MMOO??!!”
“Kumapit ka lang. Yumakap ka nang mahigpit sakin hah!”
Tama! Niyakap niya ko at nahulog kami. Ang lalaking yun…..TOTOO KAYA ANG LAHAT NG IYON??!!!
“Hulaan ko. Kaya ka pumunta doon kasi may crush ka doon noh?!” sabi niya na may mapangasar na ngiti.
“HAAAH??!!! H-HINDI….!!!!”
“Sussss……. sa susunod sasabihin mo sakin kung sino yang crush mo hah… NO SECRETSSS!!! Dahil bestfriend tayoo.” pamimilit niya.
“Wala nga akong crush”
“Dapat lang! Kawawa naman kasi si Lover Boy mo… Hihihi.”
Sino daw? Lover Boy ko? Sino naman yun?
Nakarating na kami sa room namin. Nakita ko ang sign sa taas ng pintuan, may nakalagay na 4-1 (4th Year- Class 1). Ang alam ko Class 2 kami at katabi lang namin ang Class 1 sa right wing. Pero sa ngayon, ang room namin ay nasa left wing, ang weird..
“Uyyy, buti nalang wala pa si Sir William. Ana, nakagawa ka na ng assignment sa Filipino?”
“Huh? May assignment ba?”
“Hala ka, nagkaroon ka ba ng amnesia? Tara na nga, pumasok na tayo habang wala pa si Sir para makagawa ka na. Hayaan mo, pakokopyahin kita.”
“Naku, salamat Margaret-”
“Walang anuman!” pagputol niya.
Hayyyy!!
Pumasok na kami ni Margaret sa loob ng room. Nakakapagtaka. Tuwing pumapasok ako ng school, palagi akong dinadagsa ng mga manliligaw kong lalaki. Isama pa natin yung mga babaeng gustong makipagkaibigan sa’kin. Pero simula kanina pang umaga, ni isa ay walang lumapit sa’kin. Hayyy! Ano bang nangyayari sa mga tao?
Subalit mas nagulat ako sa napansin ko. Nagbago ang mga posisiyon ng mga upuan namin sa loob ng room. Individual ang desks namin na mayroong apat na columns at limang rows. Nakakapagtaka dahil 20 lang kami sa klase instead na 30, saan kaya napapunta yung sampu kong kaklase? Napansin ko rin na may nakalagay na pangalan sa bawat desk. Naguguluhan ako kung nasaan ba ang desk ko.
“Ana! Bilis, ito na ang notebook ko. Kopyahin mo na dali!” habang tinuturo ang posisyon ng upuan ko.
Nasa pangatlong row ako sa pangatlong column. Si Margaret naman ay sa pangatlong row sa huling column. Paupo na sana ako nang biglang……
BAAAAMM!!!
May kumalampag ng table ko. Sa sobrang lakas ng pagkalampag, mistulang may dumaan na anghel sa loob ng room namin. Ang mga kaklase kong kanina lang ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan ay tumingin sa kinatatayuan ko. Tiningnan ko kung sino ang kumalampag ng lamesa ko at nagulat ako ng makita ko siya.
“Martin!!!! Ayyyyyy si Martin!!! Nandito na siya!” tili ng mga babae kong kaklase papalapit sa lalaking nagngangalang Martin.
“Good morning Martin!!” pabebeng sabi ng mga babae kong kaklase.
“Good Morning!” nakangiting bati ng lalaking nagngangalang Martin.
Teka??!! SIYA! SIYA NGA!
“Ayyyyy!” kagat-labing banggit ng mga babae.
Hindi ako makapani-paniwala. Hindi yun isang panaginip, TOTOO ang lahat ng iyon. Martin… Martin ang tunay na pangalan niya. Martin…. ang tunay na pangalan ni GUARDIAN NO. 8!!!
“Nandyan na si Sir William!!!” sigaw ng Class President namin.
Mabilis na nagtakbuhan pabalik sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase ko. Nagulat ako ng makita ko na nasa LIKOD KO LANG NAKAPUWESTO SI GUARDIAN NO. 8.
“Ana! Bilis! Kumopya kana ng assignment!!” sabay abot sa akin ng kanyang kuwaderno.
“Ah Oo, sige!”
Madali lang naman toh. Hindi sa pagmamayabang, pero magaling talaga ako sa English Subject kaya nga hangang-hanga sakin si Sir William eh.
Kinuha ko ang notebook ko sa bag, pati na rin ang ballpen sa pencil case ko. Sinimulan ko na buklatin ang notebook ni Margaret.
“Magandang umaga sa inyong lahat. Buksan ninyo ang inyong libro sa FILIPINO sa ika-tatlumpu’t pitong pahina.” utos ni Sir William.
WHAAAT? Filipino??!!! Ang akala ko English Teacher si Sir William??!! Hala! Anong gagawin ko?!! Patay na!!!!!
Habang nagmamadali si Ana sa kanyang assignment, ang hindi niya alam, tinititigan lang siya ni Martin habang tumatawa ng palihim.
Isang oras ang nakalipas, natapos na ang klase namin sa Filipino. HIRAP NA HIRAP TALAGA AKO. Mahina talaga ako sa malalalim na Tagalog Words. Habang iniisip ko ang mga nangyari ay may sumisiksik na naman sa isip ko.
“Ang mga gabay na yun ay pinagkalooban ng kapangyarihan na makababa sa lupa at makipamuhay kasama ng mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng Existence.”
“Oh siya, tara na. May ipapakilala pa ako sayo”
“Sino?”
“Sasamahan ka niya sa pamumuhay mo sa kabilang dimensyon”
“Hayssstt.. Sinabihan na kita diba. Hindi ka dapat basta-basta nanggugulat, Guardian No. 8.”
“Nga pala, siya si Ana. Siya ang taong tinutukoy ko na sasamahan mo papunta sa kabilang dimensyon”
“I-Ikaw na ba ang magiging gabay ko?”
“Yup! Nice to meet you, Ana!”
Tinitigan kong mabuti ang kaklase kong lalaking nagngangalang Martin. Tama! Siya nga si Guardian No. 8. So, Martin pala ang tunay na pangalan niya. Ibig sabihin, gumawa na siya ng existence sa aming dalawa. Tama! Naaalala ko na. Hindi nga yun isang panaginip. NASA KABILANG DIMENSYON NA NGA TALAGA AKO.
Natapos ang tatlong klase nila Ana sa ibat-ibang subjects. Ngayon, oras na ng tanghalian.
“Ana! Tara, kain na tayoo.. Gutom na koo”, paganyaya ni Margaret.
“Sige!”
Habang kinukuha ko ang lunchbox ko, biglang may humila ng kamay ko. Lumingon ako upang tignan kung sino ang taong ‘to.
“G-Guardian No. 8?! A-Anong g-ginagawa m-mo?”
LUH! BAKIT KO SIYA TINAWAG NA GUARDIAN NO. 8??!!
“WAAAAHH!!! ANONG NANGYAYARI?” sigaw ng mga desperadong babae habang papalapit sa kinaroroonan ko.
“Hindi kaya sila na?” bulong ng ilan naming kaklase ngunit sapat upang marinig ng lahat.
“HINDI PUWEDE YON!!! MARTIN!!!” pagmamakaawa ng mga babae subalit pansin ang kanilang pagkainis.
Hindi niya pinansin ang mga nagsisilapitan na mga babae, kundi tinuon niya lamang ang kanyang atensyon sa akin.
“Sumama ka sa’kin.”
Hinablot niya ang kamay ko saka hinila palabas ng room.
“T-Teka l-lang..!!”
Kitang-kita ko ang mga matatalim na tingin ng mga kaklase kong babae. Nakakatakot. Paano nangyari yun? Ni kahit kailan, wala pang tao ang nagagalit sa’kin. Kahit sila ay hindi naman naging ganito sa’kin. Bakit ba nangyayari ‘to?
“NOOOO!!!! BAKIT SI ANA PA??!!! THAT b***h! MANG-AAGAW ANG BABAENG YUN!!! SUGURIN NATIN YUN!!! BILIS, SUNDAN NATIN SILA!!” sigaw ng mga babae.
Naiwan si Margaret na nakaupo sa upuan niya.
“Sino daw? Guardian No. 8?” pagtataka niya.
BITCH PALA HAH! MAMAYA KAYO SA’KIN!!
Hila-hila pa rin ako ni Guardian No. 8 hanggang sa gitna ng Lobby. Nakakahiya! Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaang tao.
“S-Saan m-mo b-ba a-ako d-dadalhin?”
Dinala niya ako sa pinakatuktok ng building, sa Rooftop at sinarado ang pintuan.
“Teka teka, bitawan mo nga koo!” pagpupumiglas ko.
“Grabe, nakakatakot din talaga ang mga babaeng yun!” habol-hinga niyang sabi sabay punas ng tumatagaktak niyang pawis sa mukha.
“Ano bang nangyayari??!! Simula umaga pagkagising ko, ang wirdo na ng lahat. May alam ka ba dito?!”
Imbis na magsalita, tinawanan niya lang ako nang tinawanan.
“ANO BANG NAKAKATAWA??!”
“Nakalimot ka ba? Diba pinaliwanag na sayo ni Miss Verona ang lahat.”
“Huh?”
Kung ganon…
“Kung ganon… totoo ang lahat ng iyon?”
“HAHAHHAHA siyempre naman. Ano bang akala mo?”
“Akala ko panaginip lang iyon.” nakasimangot kong sagot.
Muli, tumawa lang siya sa naging reaksyon ko.
“Mukhang napasarap ata ang tulog mo ahh!”
“Diba nahulog tayo sa dulo ng Kawalan?” diretsahan kong tanong sa kanya.
“Yup!”
Ito na naman yung Yup niya!
“Anong nangyari sa’kin pagkatapos nun?”
Kinamot niya ang kanyang ulo, wari’y siya’y nag-iisip pa.
“Hinimatay ka.”
“Ako?”
“Yup! Pagkatapos na makarating tayo dito, dinala na kita sa bahay mo. Tapos dahan-dahan kitang inihiga sa kama mo, nilagyan ng unan, kinumotan..” malambing niyang sabi.
“TAPOSSS????!!”
“Tapos umalis na ako.”
“Buti naman!”
“Ohohow, ano bang inaakala mong mangyari huh? Tsk! Tsk! Tsk!….. HOW DIRTY YOUR MIND IS, ANA!!!” iiling-iling niyang wika.
“ANO BANG PINAGSASASABI MO?? AT SINONG NAGSABING PUWEDE KANG PUMASOK NANG BASTA-BASTA SA BAHAY KO??”
“Hindi ba puwede? Mula ngayon, ako na ang guardian mo. Ako ang gagabay sa’yo. Tapos hindi ako puwedeng pumasok sa bahay mo? Paano ko magagawa nang maayos ang trabaho ko?” mahabang paliwanag niya.
Kung sa bagay, may punto siya hah. May talino din pala itong mokong na’to.
“Dapat pala, ibinagsak na lang kita sa labas ng bahay mo.”
“Hoy! Privacy lang naman ang hinihingi ko. Siyempre, puwede ka namang pumasok sa bahay ko, WAG LANG SA KUWARTO!”
“Okay okay! Naiintindihan ko.”
Teka, may sasabihin ako eh. Ano nga ulit yun?
“Oo nga pala. BAKIT GANON ANG GINAWA MONG EXISTENCE SA’KIN??!!”
“Ayaw mo yun?”
“FYI Mr. No. 8, isa akong sikat na estudyante sa school namin. Maraming tao ang gustong makipagkaibigan sa’kin. Isa pa, araw-araw palagi akong nakakatanggap ng mga regalo sa mga kaklase ko at mula sa ibang section. TAPOS NGAYON, SUSUGURIN AKO NG MGA SELOSANG BABAE DAHIL LANG SA’YO??!” irita kong wika.
“Ayaw mo yun? Habulin ang guardian mo?”
PAAAAAKKKKK!!!!
Yes, matagal-tagal ding hindi uminit ang kamay ko. Sa wakas, nakasampal ulit, HAHAHAHA!
“ARAAAYYY!!!” sabay himas sa kanyang namumulang pisngi.
“BAGUHIN MO YUN, GUARDIAN NO. 8!!!”
“Oo na, babaguhin ko na! Ang bayolente mo naman. At saka huwag mo na akong tawaging Guardian No. 8. May sarili akong pangalan noh! Martin Francisco, Martin ang pangalan ko.” pagpapakilala niya.
“Ahh! Martin pala ang pangalan mo.”
Tumalikod ako at naglakad papalayo sa kanya. Palabas na sana ako ng rooftop, subalit biglang bumukas ang pintuan ng rooftop.
Lumabas ang mga galit na galit na mga babae, na may dala-dalang mga gamit. Ang ilan ay may dalang patpat, ang iba naman ay meter stick at ruler, libro, walis tambo, at ang isa ay may dalang plastic na upuan.
“HOY BABAE KA!!! ANG KAPAL NG MUKHA MO!!!” galit na sabi ng isang babae.
“A-Ako?” turo ko sa sarili ko.
“OO IKAW NGA!!! MANG-AAGAW!” sagot naman ng babaeng nasa kanan.
“Mang-aagaw? A-Ako?”
“OO, INAGAW MO SAMIN SI MARTIN! MALANDI KA!”
Tss! Ako? Malandi? AWATIN NIYO KOOO!! NANGGIGIGIL AKOO!
Nginitian ko lang ang bawat salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.
“Pangahas na dila! Paanong inagaw? Bakit? Meron bang kayo?” matapang kong sagot.
Kitang-kita ko ang pagngangalit ng kanilang mga ngipin dahil sa mga binitawan kong salita.
“Aww! Nakakaawa naman kayo. Bakit? Sa dami niyong iyan, sino ba sa inyo ang tunay na girlfriend ni Martin? Diba wala. Then pareho-pareho din pala kayong MANG-AAGAW. Ba’t di niyo bugbugin ang mga sarili niyo? Pwee!”
Talagang nanggigil nang mainam ang mga babae. Ang isa sa kanila ay tinulak nang malakas si Ana, na naging dahilan upang mapaupo siya sa sahig.
“BABAWIIN NAMIN SIYA SA’YO! MAGBABAYAD KA!!” sabay-sabay na sugod ng mga babae.