Mga Itinatagong Damdamin

2771 Words
Chapter 19 Parang may mga dagang naghahabulan sa dibdib ni Vanessa nang bumukas ang malaking pintuan. Ang serysong mukha ni Miguel ang agad na bumungad sa kanya. “P-pinapatawag mo raw ako,” wika niya sa mahinang boses. Nang pumunta siya kanina sa malaking kusina ni Ate Minda ay agad siyang ipinagtabuyan nito nang subukan niyang tumulong. Ayon dito ay kailangan niyang pumunta sa guess house dahil naghihintay na sa kanya si Miguel. Ang buong akala niya ay handa na siya ulit na harapin ito, matapos nang pag-uusap nila kanina. Pero parang naipit ang dila niya at hindi na makapagsalita habang nakaharap ito. “Please, come in!” bahagya pa siyang napapitlag sa biglang pagsasalita nito. Atubili siyang pumasok lalo na nang makita ang mga lalaking nakasama niya sa hapunan kagabi. Nasa kanya ang lahat ng atensiyon ng mga ito. Sa titig ng mga ito sa kanya ay para siyang bibitayin anumang oras. “Don't look at her like that!” ang malakas at nagbabantang tinig na saway ni Miguel sa mga kasama. Pero tinawanan lamang ng mga ito si Miguel. “Don't be shy, Vanessa. Mababait naman kami,” wika ni David. Huminga naman ng malalim si Vanessa at tinatagan ang sarili. Pumunta siya sa gitna at hinarap ang mga lalaking hindi pa nakikilala. Pagkatapos ay bumaling siya kay Miguel at medyo tiningnan ito ng masama. “Ano ba talaga ang kailangan n’yo sa akin? Sino ba talaga kayo?” Kinuha ni Miguel ang remote control bago bumalik sa puwesto. “Have a sit, Vanessa. Sasabihin ko sa ’yo ang lahat ng dapat mong malaman,” utos ni Miguel sa dalaga. Katulad ng palaging ginagawa ni Vanessa, kahit naiinis siya ay sumunod pa rin siya sa utos nito. Umupo siya sa pang-isahang sofa. Nakaharap iyon sa gawi ni Miguel kaya't nagkakatitigan silang dalawa. “Una sa lahat, hindi ako kalaban. Kami ay mga alagad ng batas pero nasa private kami. Ibig sabihin labas kami sa ibang tungkulin ng mga pulis. May sarili kaming agency na takbuhan ng mga kilalang tao na hindi kayang tulungan ng mga local o ng mga awtoridad sa mga kasong mabibigat. Sa madaling salita, para kaming mga secret agent. At isa sa trabaho ko ang manmanan si Madam V, na isa sa mga lider ng sindikato,” unang paliwanag Miguel. “Kailangan kong magtrabaho sa kanya upang madali akong makahanap ng mga ebedensiya.” Sarkatiskong ngumiti rito si Vanessa. “Talaga ba? Trabaho mo rin bang maging. . . Karelasyon niya at maging utusan niya?” Sa tanong iyon ni Vanessa ay napatiimbaga si Miguel. Habang ang mga kasamahan naman nito ay pinipilit na hindi matawa. “Yes! Kung kinakailangan, Vanessa! Kahit nasa hukay pa ang isang paa namin. Para sa trabahong ito lahat ay aming gagawin!” may diing wika ni Miguel. “Kahit pa maging s*x slave ako ni Madam V!” “Bakit kailangan pa akong madamay? Wala naman akong alam! Gusto ko lang magtrabaho at buhayin ang pamilya ko! Alam mo namang ako lang ang inaasahan nila!” maluha-luha na niyang sabi. “Dahil marami ka nang natutuklasan! Katulad na lang nang tungkol kay Manang Isme!” Natigilan si Vanessa sa sinabing iyon ni Miguel. “Alam mo bang patay na si Manang Isme?” “H-hindi! Huling naaalala ko noong hinabol nila ako sa kasukalan. D-dahil—” “Alam ko! At alam mo ba kung sino ang suspek ngayon?” Mabilis na binuksan ni Miguel ang malaking TV gamit ang remote control na kanina niya pa hawak. At inutusan si Vanessa na panoorin ang balitang noong isang linggo pa naibalita. Hindi makapaniwala si Vanessa sa mga nalaman at narinig mula roon. Siya ang tinuturong pumatay kay Manang Isme at ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga pulis. Wanted na siya sa buong ka-Maynilaan. Dahil sa bigat ng damdamin kaya hindi niya na mapigilan ang mapaiyak. “Hindi ako ang gumawa n’yan! Hindi ako ang pumatay kay Manang Isme!” sigaw niya habang umiiyak. Mabilis namang napalapit sa kanya si Miguel at mahigpit siyang niyakap. “Pssst. . . Alam namin. Kaya nga itinago ka muna namin dito sa isla. Delikado ang buhay mo sa syudad hanggang hindi pa nahuhuli si Madam V,” pang-aalo ni Miguel. Pero hindi na magawang makapagsalita pa ni Vanessa. Puro na lang siya atungal. Wala siyang pakialam kung may mga audience siyang nakatingin ngayon sa kanya. Ang mahalaga ay mailabas niya ang bigat sa dibdib at takot na nararamdaman. Paano pa siya ngayon babalik sa kanyang pamilya kung may patong na ang kanyang ulo at bayad na rin ang kanyang buhay? “Ang mabuti pa ay aalis na muna kami, Miguel. Kayo na lang munang dalawa ang mag-usap,” paalam ni Theo. Kaya ilang minuto lang ang nakalipas ay dalawa na lang sila ang naiwan sa guess house at masinsinan nang nag-uusap. “Paano na ang pamilya ko?” luhaan pa ring tanong ni Vanessa kay Miguel. “Ako na ang bahala sa kanila. Sisiguraduhin kong ligtas sila. Ang mahalaga ngayon ay hindi ka mahanap ng mga tauhan ni Madam V at ng mga pulis na binayaran niya para ipahanap at ipapatay ka. Nasa panganib ang buhay mo, Vanessa kaya kailangan natin ng dobleng ingat. Hindi pa kita puwedeng ilabas hangga't wala pa kaming nakukuhang mas matibay pa na ebedensiya. Hindi pa rin namin alam hanggang ngayon kung sino pa ang iba n’yang kasabwat.” “Hanggang kailan ako mananatili rito? Hindi ko ba puwedeng tawagan man lang ang pamilya ko?” “Sa ngayon huwag muna. Kapag nasiguro kong safe na silang lahat puwede ko na silang dalhin dito para magkasama na kayong magkapamilya.” Sa sobrang tuwa ni Vanessa sa narinig ay bigla siyang napayakap kay Miguel ng mahigpit na agad naman nitong ginantihan. Ilang segundo sila sa ganoong sitwasyon nang dumating si Rona. “I'm sorry to interrupt pero pinapatawag na po kayo ni Sir Theo for the verry important meeting,” putol ni Rona sa moment nilang dalawa ni Miguel. Parang napapaso tuloy siya at biglang napabitaw kay Miguel. “Five seconds, Rona,” tugon dito ni Miguel. Nanunuksong tumingin ito kay Vanessa bago tuluyang umalis. Matapos ang pag-uusap nilang dalawa nina Miguel at Vanessa ay iniwan muna siya nito dahil sa importanteng meeting, kaya bumalik na lang muna siya ulit sa tinutuluyang cottage. Kahit papaano ay nagkaroon siya ng pag-asa. Naging malinaw na rin sa kanya ang lahat. Papalapit na siya sa tinutuluyan ngunit agad siyang sinalubong ni Rona sa labas. Nanunukso ang mga ngiti at tingin nito sa kanya. “Tapos na ba kayong mag-usap ni Sir Miguel?” agad na tanong nito sa kanya. “O-oo,” nahihiya niyang tugon. Alam niyang iba ang iniisip nito. “Siya nga pala. Dito muna ako mag-e-stay sa kabilang silid. Kailangan ko kasing ipaubaya ’yung dati kong tulugan sa ibang miyembro ng Eagles.” “Oo naman. Mas maganda nga ’yon madalas na tayong makakapagkuwentuhan.” “Akala ko concern lang talaga sa ’yo si Sir Miguel dahil isa ka sa posibleng maging testigo nila. Ibang klaseng concern pala talaga ang meron siya sa ’yo,” muling panunukso ni Rona kay Vanessa. Namula naman ang mukha ni Vanessa sa sinabing ’yon ni Rona. Bigla niya kasing naalala ang pagyakap niya ng mahigpit kay Miguel kanina na siyang nasaksihan nito. “M-magkasama kasi kami sa bahay ni Madam V, noon, kaya natural na lang sa amin ang ganoon.” “May namamagitan na ba sa inyong dalawa? Halata kasi sa mga titig sa ’yo kanina ni Sir Miguel.” Sa tanong iyon ni Rona ay para siyang na hot seat. Iba ang inaasahan niyang magiging sagot nito sa kanya. “W-wala. Kasamahan lang talaga sa trabaho ang relasyon namin,” pagsisinungaling niya. Hindi niya naman puwedeng sabihin dito na may nangyari na sa kanilang dalawa ni Miguel kahit wala pa silang relasyon. Baka isipin pa nito na easy to get siya. At noong time na ’yun ay hindi niya pa kilala ang pagkatao ni Miguel. Malay niya ba kung isa pa lang alagad ng batas ito. “Ikaw naman. Maaari ko bang malaman kung sino sa mga masusuwerting lalaki kanina ang nagpapahirap ng kalooban mo ngayon?” baling niya rito para mawala sa kanya ang usapan. “Kahit sabihin ko pa sa ’yo ngayon ay wala na ring pag-asa. Huli na ang lahat para sa aming dalawa,” malungkot nitong sabi. “Wala namang imposible. Kahit huli na ang lahat. Kung para kayo sa isa't isa ay pagtatagpuin talaga kayo ng tadhana.” Malungkot na ngumiti si Rona at ibinaling sa malayo ang tingin. Sinundan niya naman kaagad ang tingin nito at nakita niya sa kabilang cottages ay naroon ang ibang kasamahan ni Miguel. Mga nagkakasiyahan ang mga ito habang nag-iinom. Hindi lang matukoy ni Vanessa kung sino sa mga lalaki ang napupusuan ng dalaga. “Ang sarap ng dagat, maligo kaya tayo?” paanyaya ni Rona. “Kakatapos ko lang maligo.” “Ok lang ’yan. Sige na samahan mo na ako!” pangungulit pa nito. “Bilang lang ang mga damit na ginagamit ko. Baka wala na akong maisuot bukas,” patuloy niya naman sa pagtanggi. “Don't worry, bibigyan kita. Magkasing katawan lang naman tayo, marami akong extra.” Hindi na nga nakatanggi pa si Vanessa sa pangungulit ni Rona. Pumasok sila sa loob ng kuwarto at nagpalit ng panligo. Pinahiram siya ni Rona ng swimsuit. Kahit hindi sanay sa ganoong kasuotan ay pinilit na lang ni Vanessa na masanay ang sarili. Mas mabuti na rin ang mag-enjoy siya paminsan-minsan, ’yong walang takot na iniisip at kaba sa dibdib, para makalimutan niya kahit saglit man lang ang banta sa kanyang buhay. “Kaya pala labis ang care na ibinibigay mo kay Vanessa, Miguel. She's really beautiful!” humahangang sambit ni Brent. Nakatanaw sila ngayon sa dalawang dalagang masayang naliligo sa dagat. Naka swimsuit lang ang mga ito at hindi maitanggi ni Miguel sa sarili ang paghanga para kay Vanessa. Kitang-kita kasi ang magandang hubog na katawan ng dalaga. “Hindi care ’yon p‘re, kundi pagmamahal!” kantiyaw naman ni David. Pero hindi nagpatinag si Miguel sa panunukso ng mga kasama. Hindi rin naman siya mananalo sa biruan. Lalo na't may halong katotohanan ang sinasabi ng mga ito. Ang mahalaga na lang sa kanya ngayon ay makita si Vanessa na maging masaya at matulungan ito sa problemang kinakaharap. At ngayon niya rin aaminin sa sarili na mahal niya ito. Kaya hindi niya magawang ipag-sawalang bahala na lang ang lahat kahit alam niyang mahihirapan siya. Ginawa niya ang lahat para maging ligtas lang ito at hindi mahanap ni Madam V. Kaya kahit papaano gumagaan ang dibdib niya na ngayo'y nakikita niya itong tumatawa sa kabila nang kalungkutan na hindi nito nakakasama ang pamilya. Masakit na sa balat ang sikat ng araw nang umahon na sa tubig sina Rona at Vanessa. Labis siyang na-enjoy sa paglangoy. Ni hindi na nga niya napapansin ang grupo nila Miguel na kanina pa nanunuod sa kanila. Matagal niya ring pinangarap ang makaligo ulit ng dagat. Hindi na kasi siya nakakauwi ng probinsiya nila kaya labis niyang na-miss ang paglangoy. “Sabay na tayong mag-lunch,” ang nakangiting paanyaya ni Miguel. Nasa harap na ito ng cottage na ikinukupa nila ni Rona at nasa bandang gilid siya nakapuwesto paharap sa dagat, kaya kailangan niya pa itong lingunin. Nilingon niya muna si Rona na noo'y nanunukso ang mga ngiti bago tugunin si Miguel. Nang makita niyang nag thumbs up si Rona ay saka niya pa lang hinarap muli ang binata. “H-huwag na. Wala kasing kasama si Rona sa pagla-lunch,” atubiling tugon niya. “It's ok, Vanessa. Ako na lang ang sasabay kay Rona,” biglang singit naman ni Theo na kakarating lang. Muli ay ibinaling ni Vanessa ang tingin kay Rona at kita niya ang pamumula ng mukha nito. Doon niya napagsino ang lalaking tinutukoy nito na lihim nitong minamahal. Pilit siyang ngumiti sa dalawang binata at biglang may naisip siyang idea. “Sir, ikaw na ang bahala kay Rona,” nakangiti niyang sabi kay Theo bago lumapit kay Miguel. Nang papalayo na sila ni Miguel ay pasimple niyang sinulyapan ang dalawa. Nag-uusap na ang mga ito pero nakita niya ang makahulugang tingin na ipinukol sa kanya ni Rona. Gusto niyang matawa ng malakas pero pinipigilan niya ang sarili dahil baka bigla siyang masita ni Miguel. Nagtataka siya nang bigla silang lumagpas sa kusina ni Ate Minda. “Akala ko ba kakain tayo?” usisa niya. “Oo, pero hindi doon.” Hindi na lang siya kumibo. Tahimik na lang siyang sumunod kung saan man siya nito dalhin. Sa isang tahimik at malaking bahay siya nito dinala. Underground lamang iyon at wala siyang makitang gamit maliban sa isang malaking TV plot screen na nakadikit sa pader. Inilibot niya ang paningin at wala sa loob na nagsalita. “Saan tayo kakain dito?” “Follow me!” Nagpatiuna itong naglakad papalapit sa kabilang side at hindi niya inakalang kuwarto pala iyon. Ngayon niya lang din kasi napansin. Ang buong akala niya ay pader lang iyon ng bahay. Bukod kasi sa walang doorknob ito ay talagang hindi mo mahahalata. Kinuha ni Miguel ang remote control na nasa ilalim ng malaking TV at mula roon ay may pinindot ito. Mistulang elevator na dahan-dahang bumukas ang pintuan at tumambag sa kanyang paningin ang isang luxury room. “Welcome to my place, Vanessa,” nakangiting wika ni Miguel. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya papasok sa malaking kuwarto. Namangha si Vanessa sa ganda ’nun. May maluwang na sala at magandang sofa. Sa bandang dulo naman nakapuwesto ang pabilog na malaking kama. Napansin niya ang isang sliding door malapit doon, kaya curios niyang nilapitan iyon. Paghawi niya sa manipis na kurtina na kulay puti ay doon niya lang napansin ang magandang tanawin sa labas. Walang pag-aatubiling binuksan niya ang pintuan at bumulaga sa kanyang harapan ang mahabang bridge patungo sa kabilang side ng lugar. Sa ilalim ng tulay ay ang malinaw na dagat. Doon niya lang din nalaman na nasa likurang bahagi na sila. Dahil marami nang malalaking tipak na bato ang nakikita niya. Nakita niya rin ang mga cottages na nakapatong sa malalapad na bato. Talagang pinasadya ang mga iyon. Sa ilang araw niya roon ay ilang hiwalay na bahay at mga cottages na rin ang mga nakita niya. “Nagustuhan mo ba ang lugar?” tanong ni Miguel na nasa likuran lang ni Vanessa. Nakasunod din pala ito sa kanya. “Ngayon lang ako nakakita nang ganitong kagandang lugar,” namamangha pa ring wika niya. “Talagang pinasadya namin ito, katulad nang nasa ibang beach resort. Ito kasi ang hide out ng The Eagles, lalo na kung pagod kami galing trabaho at katatapos lang ng matinding misyon. Dito kasi ay mas nakakaramdam kami ng freedom at nakakawala rin ng stress. Nakakalimutan namin ang delikadong trabaho namin,” mahabang paliwanag ni Miguel. Wala namang mahagilap na sagot si Vanessa dahil talagang namamangha pa siya sa mga nakikita. Tunay ngang paraiso ang lugar na iyon, lalo na kung kasama mo pa ang taong mahal mo. Bigla siyang natigilan sa sarili. Pasimple siyang sumulyap kay Miguel na nakatitig din pala sa kanya. Hindi niya nagawang iwasan iyon, bagkus para pa siyang na-hipnotize. Hanggang sa naramdaman niya na lang ang mga labi nito sa mga labi niya. Napakapit siya bigla sa balikat nito nang dahan-dahan siyang itulak sa malaking bato na nasa likuran niya lang. Hindi siya nakapalag nang mag-umpisang gumalaw ang mga labi ni Miguel, bigla ay na-miss niya ng sobra ang mga halik nito na minsan nang nagpalimot sa kanya. Unti-unti na siyang sumasabay sa ginagawa nitong paghalik sa kanya. Hanggang sa humigpit na nga ang yakap ni Miguel sa kanya. Tumagal ng ilang minuto ang halikan nilang iyon nang biglang tumunog ang cellphone nito. Doon rin siya biglang natauhan at naitulak niya ng malakas si Miguel. Mabilis siyang naglakad pabalik ng kuwarto, ngunit agad siyang nahabol ni Miguel na nakabawi na sa kanyang pagtulak. “Vanessa, wait!” pigil nito sa kanya na hinawakan ang isang kamay niya. “Puwede ba, huwag na nating lagyan pa ng ganitong bagay ang lahat. Mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko, Miguel,” tila maiiyakan niyang sabi. “I'm sorry! Nadala lang ako.” “Nagugutom na ako,” agad na iwas ni Vanessa, dahil baka kung ano pa ang maibuka ng bibig niya. “Ok, let's go,” nakangiti namang sabi ni Miguel. Masuyo siya nitong hinawakan sa kamay at mabilis na hinila siya pabalik sa kinaroroonan. Naghihintay na pala roon kanina pa ang nagdala ng kanilang mga pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD