Ang Muling Pagkikita

2347 Words
Chapter 18 Kinagabihan ay muling nagising si Vanessa sa pagkakaiglip nang marinig ang ingay na nagmumula sa labas. Pagkatapos niyang tulungan kanina sa pagluluto si Ate Minda ay bumalik siya sa tinutuluyan at muling nakatulog. Ngayon nga ay nagising siya sa sobrang ingay. Lumabas siya ng kuwarto at nakita niyang gabi na pala. Hinayaan niyang liparin ng hangin ang buhok na buhaghag dala ng pagkakahiga at inusisa ang mga taong nag-iingay. Hinala niya ay mga guest iyon ng beach resort. Hinanap niya ng tingin ang pinagmulan ng ingay at iyon nga, mula sa ’di kalayuan ay nakita ni Vanessa ang kumpulan ng mga lalaki. Parang kakarating lang ng mga ito dahil may mga dala pa itong mga bagahe. Hindi niya maaninag ang mga mukha dahil nakatalikod ang mga ito mula sa kanyang kinaroroonan. Naalala niya ang mga bisitang darating. Marahil ang mga iyon na ang bisitang hinihintay nila Ate Minda. Bumalik siya sa tinutuluyan at nag-ayos ng sarili. Nagpalit din siya nang medyo pormal na kasuotan at baka ipakilala rin siya mamaya ni Rona sa mga ito. Nang masigurong maayos na ang sarili ay muli siyang lumabas at tinungo ang kusina ni Ate Minda. Naabutan niyang nag-aayos ito ng mahabang lamesa. “Kailangan mo po ba ng tulong, Ate Minda?” kaagad niyang tanong habang malapad ang pagkakangiti rito. “Tamang-tama ang pagdating mo, Vanessa. Kailangan ko talaga ng katulong sa paghahanda. Hindi kasi dumating ang isang makakasama ko rito,” wika naman ni Ate Minda na hindi nag-abalang lingunin siya dahil sa kabisihan. Agad siyang tumulong sa pag-aayos ng hapag-kainan at pagkatapos ay binigyang pansin ang mga pinggan at mga kubyertos na gagamitin. Naging abala silang dalawa ni Ate Minda kaya hindi na niya napansin ang isa-isang pagpasok ng mga kalalakihan doon. Matiim na nakatitig ang mga ito sa kanya na nanatili lamang sa isang sulok. Tila kinikilatis siya at kinikilala ng mga ito kaya hindi niya maiwasang hindi mamula. “Magandang gabi po mga sir! Tamang-tama kakatapos lang naming maghanda,” nakangiting bati at sabi ni Ate Minda sa mga bisita. “Magandang gabi naman po, Ate Minda. Siya na po ba ang bago mong assistant?” usisa ng isang lalaking matangkad at napaka-seryoso ng mukha. Pero may himig-nagbibiro ang boses “Hindi po. Bisita rin po siya rito, tinulungan niya lang po ako,” tugon naman nito. “Well, tama na ang interview. Kumain na tayo dahil nakakapagod ang maghapong pagbabyahe,” awat naman ng isa pang kasamahan nito. “Tama! Ipaubaya na lang nating kay bosing ang lahat bukas. Siya ang mas nakakaalam kung ano ang dapat gawin.” Sa totoo lang, nahihiwagaan na talaga ai Vanessa sa pinagsasabi ng mga ito. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Gusto niyang magtanong sa mga ito, pero sigurado siyang katulad rin ni Ate Minda at Rona. Tikom din ang bibig ng mga ito. “Vanessa, right?” tanong ng isa pang lalaki na nagpapitlag kay Vanessa. Nagsimula nang kumain ang mga ito. “O-oo,” nauutal niyang tugon. Nagtataka na siya kung bakit kilala rin siya ng mga ito. Samantalang ngayon nga lang sila nagkaharap. “Sabayan mo na kami sa pagkain. And feel free hindi naman kami masasamang tao.” Wala nang nagawa si Vanessa nang ipaghila siya ng upuan ng lalaking nasa tabi niya naka-puwesto. Mabuti na lang at sumabay na rin si Ate Minda sa kanila sa pagkain medyo nawala ang kanyang hiya. Habang kumakain sila ay nakikinig lamang siya sa pag-uusap ng mga ito. Tungkol sa kasal ang usapan dahil ang isa pala roon sa sampung lalaki ay ikakasal na. Hindi niya makilala ang pangalan ng mga ito dahil kung hindi pare ay bro ang tawagan ng mga ito. Kung minsan pa nga ay mga codename nila. Patapos na sila sa pagkain nang dumating naman si Rona. May kasama itong tatlong lalaki. “Sorry were late! May nangyari kasing kaguluhan sa main office,” agad na wika ni Rona. Ngumiti ito nang makita siya. “So, kumusta naman? Naayos na ba ang gulo roon?” Bumaling si Rona sa lalaki na hula ni Vanessa ay ang pinaka lider sa grupo ng mga ito. “Yes, sir! Na-resulba naman kaagad,” seryosong tugon ni Rona. Humila ito ng upuan at tumabi sa kanya. Ganun din ang tatlong kasama nito. Sa tingin ni Vanessa ay sinadya talaga ang ganoong kahabang lamesa para sa mga VIP katulad ng mga kasama niya ngayon. Dahil kahit nasa disi-otso na sila katao ay malaki pa rin ang espasyo. Kakasya pa ang sampung katao roon. “How's your day, Vanessa? baling sa kanya ni Rona. Nagsimula na itong kumuha ng mga pagkain. “Maayos naman,” tipid niyang tugon. “Good!” Makalipas lamang ang ilang minuto ay tahimik na ang lahat sa pagkain. Pero hindi pa rin mawala ang pagkailang ni Vanessa. Hanggang sa nauna na siyang matapos. Tahimik niyang tinungo ang lababo at naghugas doon ng mga kamay. Pagkatapos ay nagpaalam siya kina Ate Minda at Rona na lalabas muna. Nginitian niya lang ang isang lalaking kasama ng mga ito nang sumulyap ito sa kanya. Pakiramdam niya ay matagal na siyang kilala ng mga ito. Malakas na buntonghininga ang pinakawalan niya nang tuluyan na siyang makalabas sa malaking kusina na iyon. Hindi niya alam kung ano’ng oras na pero bilog na bilog na ang malaking buwan sa kalangitan. Ang gandang tingnan nito, lalo na't tumatama sa karagatan ang liwanag nito. Pasalampak siyang naupo sa buhangin habang nakatingala sa buwan. Naiisip niya ang pamilya. Mahigit isang linggo niya nang hindi nakakausap ang mga ito. Hindi rin siya makatawag dahil wala siyang cellphone. Labis na siyang nag-aalala sa kalagayan ng mga ito. Baka kasi nasa panganib ang buhay ng pamilya niya dahil kay Madam V. Sigurado siyang pinapahanap na siya ng ginang. “Kailangan kong makaalis dito?” bulong niya. Pero kahit saan niya ibaling ang paningin ay alam niyang mahihirapan siya. Mukhang kailangan niya pa yatang sumakay ng bangka bago makarating ng bayan. Wala siyang makitang kalsada na maaring daanan ng mga sasakyan. Puro lang sasakyang pangdagat ang nakikita niya simula pa kanina. Hindi niya lang alam kung ano ang nasa pinakadulo ng isla. “Kailangan mo ba ng kausap?” Biglang napalingon siya sa likuran nang marinig ang boses ni Rona. Tango lamang ang naisagot niya rito dahil sa pagkagulat. Sa pag-upo nito sa tabi niya ay agad niyang napansin ang dalawang boteng hawak nito. Naamoy niya rin ang hininga nitong amoy alak. “For you!” wika nito na agad ibinigay sa kanya ang isang bote ng beer. “H-hindi ako umiinom,” tanggi niya. “Hindi naman ’to nakakalasing. Flavored beer lamang ’to,” natatawang sabi pa nito. Hindi na siya nakatanggi pa at inabot ang inuming ibinibigay sa kanya ni Rona. At saka nabuksan na rin ito dahil nakabalot na lang sa tissue ang bunganga ng bote. “You know what? Mas gusto kong tumambay rito, dahil naaalis ng sariwang hangin ang mga problema ko,” panimula ni Rona. “Bakit? May problema ka rin ba?” pa-inosente niyang tanong. “Of course! Hindi lang siguro halata, dahil madalas akong nakangiti.” Ramdam ni Vanessa ang pait sa boses ni Rona. Halatang nagsasabi ito ng totoo sa kanya. “Family problem ba?” tanong niya. “Hindi! Wala naman akong pamilya. Bata pa lang ako namatay na ang mga magulang ko. Lumaki ako sa tiyahing ko pero inalipin din nila ako. Hanggang sa hindi na ako nakatiis. Lumayas ako at nagpalaboy-laboy. Napaka-suwerte ko na lang dahil napulot ako ng isang mayamang mag-asawa at pinag-aral. Pero namatay rin sila after may graduation,” mahabang pagkukuwento sa kanya ni Rona. Medyo nagulat si Vanessa sa biglaang paglahad nito sa kanya ng tungkol sa buhay nito. “Kung hindi pamilya, ano pala?” “Hindi ano, kundi sino?” pagtatama naman nito sa kanya. Kunot-noong napatitig siya sa maamong mukha ng dalaga. “Pag-ibig ba ’yan?” panghuhula ko na may halong pagdududa. “Tama ka. Ilang taon ko na rin itong dinadala sa dibdib ko, pero wala akong masabihan, Vanessa.” Ramdam ni Vanessa ang pagpipigil ni Rona na maluha habang nagsasalita. “So, bakit sa akin mo napiling sabihin?” “Hindi ko rin alam. Siguro, hindi ko na kaya pang itago. Kahit nga kay Ate Minda hindi ko ito maamin. At mukhang kaya kitang pagkatiwalaan.” “Isa ba sa mga bisitang dumating dito kanina ang tinutukoy mo?” Mahinang pagtango ang nakuhang sagot ni Vanessa mula kay Rona. Sinimulan na nitong inumin ang hawak na beer na sinundan niya naman. Hindi matapang at mapait ang beer na iyon, mukhang flavored nga lang talaga, kaya nagustuhan niya rin ang lasa. “Ano ba talaga ang ibang pakay ninyo sa akin? Bakit hindi pa ako puwedeng umuwi sa amin?” pag-iiba ko ng usapan. “Huwag kang mainip. Bukas malalaman at maiintindihan mo rin. Wala kasi ako sa posisyon para gawin ang isang bagay. May isang tao na siyang magbibigay sa ’yo ng tamang kasagutan at siyang tanging may alam ng lahat.” Hindi na kumibo pa si Vanessa at nagpatuloy na lang sa pagtungga ng inumin. Wala nga talaga siyang magagawa kundi ang maghintay na lang ng susunod pa na mga bukas. Ang mahalaga na lang sa kanya ngayon ay ang malaman kung ligtas pa ba ang pamilya niya sa kapahamakan. Kinabukasan ay ginising si Vanessa ng sikat ng araw na nagmumula sa siwang ng bintana ng kuwarto at tawag ng kalikasan. Pupungas-pungas siyang bumangon at patakbong nagtungo ng banyo. Para na kasing puputok ang kanyang pantog. Muntikan pa siyang mapakong sa pintuan nang hindi niya kaagad iyon mabuksan. Ilang minuto rin siyang nakaupo sa bowl bago nagpasiyang lumabas na. Inaantok pa siyang talaga dahil ala-una na ng madaling araw nang mapagpasiyahan nilang dalawa ni Rona na matulog na. Idagdag pa na nakatatlong bote siya kagabi, dahil nang maubos ang isang bote na inumin niya ay kumuha pa ulit si Rona. Marami pala itong baong alak. Ang sabi pa nito’y stock raw nila iyon ng ilang araw na paglalagi doon sa isla. Kaya hindi lang puyat ang natamo niya kundi pati na rin hang over. Pabalik na siya ng higaan ulit nang matigilan. Para siyang tuod at nakakita ng multo dahil sa pagkabigla nang makilala ang taong nakaupo na ngayon sa kamang hinihigaan niya. “Miguel!” gulat at nanlalaki ang mga matang sambit niya. “How are you, Vanessa? Long time no see!” nakangiting bati nito sa kanya. Pasimple siyang napalunok ng laway at hindi alam kung ano ang mararamdaman. “Bakit ka nandito? Ano’ng ginagawa mo rito? Kasabwat mo ba si Madam V? Hinahanap mo ba ako para patayin?” hintakutan niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata. Bigla ay napayakap siya sa sarili at napaatras ng konti. “Huwag kang matakot. Hindi ako kalaban, Vanessa,” mahinahong sabi naman ni Miguel. “Kung ganoon. . . Ano pala ang ginagawa mo rito?” “Take a bath first. Babalikan kita mamaya,” wika nito sabay lapit sa kanya. Huminto si Miguel sa paglapit ng ilang dipa sa kanya at mariin siya nitong tinitigan. “I miss you, Vanessa,” halos pabulong na lang nitong sambit bago siya lagpasan at lumabas na ng kuwarto. Hindi pa rin makapaniwala si Vanessa kahit ilang minuto nang wala si Miguel. Labis siyang nagulat sa biglang pagpapakita nito sa kanya at doon pa mismo sa kanyang kuwarto. Kaya mas lalo siyang naguluhan sa mga pangyayari. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan. Kung sino ang kakampi at mga kalaban. Pero kahit nasa magulong pag-iisip pa siya, hindi naman maalis-alis sa kanya ang huling sinabi ni Miguel. Na na-mimiss na siya nito. Nagdala sa kanya ng kakaibang kilig ang mga salitang iyon ni Miguel. Hindi niya mapaniwalaan kaya kinurot niya ang sarili at nang masaktan ay alam na niyang hindi lamang siya nananaginip. Ang planong pagtulog muli ay hindi na niya ginawa. Agaran siyang naligo at pagkatapos ay lumabas ng kuwarto at tinungo ang kusina ni Ate Minda. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya makakapayag na wala siyang makuhang sagot sa mga katanungan. “Mukhang seryoso ka sa misyong ito, Miguel,” usisa ni Theo habang nagkakape silang lahat ng mga kasama. Nasa guess house sila ngayon at naghihintay sa pagdating ng kanilang unang testigo sa kasong hawak ni Miguel. “What are you trying to say, Theo? Sa tinagal-tagal kong pagpapaalipin at pagpapagamit kay Madam V, ang akala mo lang ba ay nagbibiro lang ako?” medyo naiiritang sabi ni Miguel. “Wala akong sinasabi na ganyan. I mean, ang tungkol kay Vanessa ang ibig kong sabihin. Puwede mo naman siyang ipasa sa mas may karapatan talaga sa kasong ito na hindi ka madadamay. Enough na ’yung natulungan mo siya at nalaman mo na ang lahat about kay Madam V,” mahabang paliwanag naman ni Theo. He admit na medyo sumubra siya sa tanong niyang iyon kay Miguel. Well, may gusto lang kasi siyang patunayan sa totoong hinala niya. “Sa tingin mo ba, kapag ginawa ko ’yun ay hindi na ako madadamay rito? Ano man ang kahihinatnan ng misyong ito ay involved pa rin ako. Kilala n’yo naman ako, di ba? Kapag nasimulan ko na ay tatapusin ko talaga no matter what happened.” “Yes, we know that! Pero iba sa mga nakikita namin ngayon ang mga ikinikilos mo. Matagal na tayong magkasama sa propisyong ito, Miguel. At alam namin kung paano ka gumawa ng trabaho,” may panunuya namang sabat ni David. “Maybe you're in love with someone,” ang hindi namang nakatiis na si Brent. “So, pinagtutulungan ninyo ako,” nakapamaywang niyang sabi. “Bakit kasi hindi pa umamin. Alalahanin mong lahat tayo ay nakaranas ng ganyan. Wala pa nga lang lovelife,” natatawang sabi naman ni David. “Ikaw lang ’yun!” kantiyaw naman ni Brent. Kaya ang seryosong usapan nila ay nauwi na naman sa biruan at tawanan. Natigil lang sila nang may kumatok sa pintuan. “She's here! I'm warning you, guys!” pagbabanta ni Miguel sa mga kasama bago tinungo ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD