MAGNUS’ POV
"HINDI mo 'to magagawa sa akin! Hindi mo ako puwedeng iwanan nang ganito, Hazel!"
Paano niya nagawa ito?! Minahal ko siya nang buong-buo tapos iiwan lang ako?! Binigay ko ang lahat ng meron ako! Kaya bakit hindi siya makuntento?!
"Magnus, nakakahiya ka," sabi niya na puno ng disgusto.
Kumagat ako sa aking ibabang labi at hinawakan ang kanyang pulso. "Hazel--"
"Nasa gitna tayo ng kalsada, pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Mahiya ka naman." Dagdag pa niya.
Nanginginig ang aking mga kamay na nakakapit sa kaniya. Alam kong sa oras na bitawan ko siya ay tuluyan na niya akong iiwan. Hindi ko papayagan 'yon!
"Ganun ba?! They're nothing but lowly nuisance!"
"Tsk! Kung kumalat ang mga salita ng ganito, hindi mo ba alam kung paano maaapektuhan niyon ang reputasyon nating dalawa?!" matining na boses na sigaw niya pabalik sa akin.
“Sa tingin mo ba may pakialam ako?! Ano pang saysay ng lahat ng sinasabi ng mga tao kung mawawala ka rin lang sa ‘kin?!"
Puwersahan niyang hinatak ang pulsuhan niya. "Masyado ka nang obsessed sa akin, Magnus!"
Nalukot ang mukha ko sa halo-halong emosyon. "At sino ang may kasalanan nito?! Ikaw ang nang-akit sa akin! Ikaw ang nangako na magsasama tayo habang-buhay! Kilala mo ang pagkatao ko, pero pinatos mo parin ako! I know you're a goddamn gold digger but I still welcomed you in my life, Hazel!"
Bumalangkas ang pagkagulat sa mukha niya. "Alam mo pero nagwalang-bahala ka?" Biglang naging disgusto ang kanyang ekspresyon. "Ganyan na lang ba kaliit ang tingin mo sa sarili mo at hindi mo nirerespeto?"
"Yan ay dahil mahal kita!" nagtagis ang bagang ko. Ano pa bang hindi niya maitindihan? Bakit kasalanan ko pa na tinanggap ko siya sa buhay ko kahit alam kong may iba siyang intensyon? Dahil kahit papaano, naramdaman ko naman ang tunay na pagmamahal niya sa akin!
Matagal niya akong tinitigan nang masama. Ang noong matamis niyang pagtingin sa akin ay matagal nang nabura at matagal ko na ring nararamdaman ang labis na panlalamig niya. Parang kinukurot ang puso ko nang paulit-ulit. Walang tigil ang pagtaas-baba ng aking dibdib na para bang ganoon na lang kahirap huminga!
"Haah..." Para siyang napapagod na humawi sa kaniyang itim na buhok. "Napaka-annoying mo talaga, Magnus!"
Napaintag ako, ngunit hindi natinag. Hinabol ko ang kamay niya sa pangalawang pagkakataon.
"Hazel, sabihin mo---ano pa bang dapat kong gawin para 'di mo ako iwan?"
Napaikot siya ng mga mata. Napahilamos siya ng mukha at tila ba nag-isip pa ng malalim. Sa ganoong simpleng ginawa niya ay nabuhayan ako ng pag-asa.
Sunod-sunod akong napalunok at pinanood siyang maglinga-linga ng paningin sa paligid. Saka ko lang napagtanto na marami na ngang tao ang nakapalibot sa amin. Sa huling pagkakatanda ko ay nasa likod lang kami ng mall. Subalit dahil panay ang takbo niya at habol ko ay napunta na kami sa mataong lugar.
"Okay, I got it." Umaliwalas ang mukha niya at may nakalolokong ngising bumaling sa akin.
Nagliwanag naman ang mukha ko at hinimas ang kanyang kaliwang pisngi. "Tell me, Hazel... what can I do for you?"
Panandalian akong kumalma nang matamis siyang ngumiti sa akin. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko siya hahayaang iwan ako. Siya lang ang taong natatangi at may kakahayang palambutin ang puso ko.
Oo, ako ay nahuhumaling sa kanya.
"Tingnan mo 'yung pulubi doon." Tumuro siya sa aming gilid, sa hindi kalayuan.
Para akong aso na agad sinundan ng tingin ang turo-turo niya. May isang pulubi na nakahiga sa maruming karton, katabi ang pulutong-pulutong na basurahan.
??
"Nakikita mo ba siya?"
"Oo." Tumango ako ng dalawang beses. Pero bakit? Gusto ba niya na tulungan ko siya? Alam niyang ayaw ko sa mga pulubi at mga walang kwentang tao. Pero kung iyon ang gusto niya, gagawin ko--
"Makipagtalik ka sa kanya."
Tumigil ang aking hininga sa sinabi niya. Nanigas ako sa kinatatayuan. Nanlakaking mga mata ko siyang tinitigan. Para akong nabingi at nakaramdam ng pagkahilo.
"H-Hazel--"
"Narinig mo ako, Magnus. Makipagtalik. Ka. Sa. Kanya." Mabagal at pinandidiinan niya pang pagklaro.
Nanuyo ang aking lalamunan. G-Gusto niya na makipagtalik... ako sa isang pulubi?
"Anong problema? Mukha kang pumutla. Ibig bang sabihin hindi mo kayang gawin?" Mapangloko niya pang tanong.
Hindi ako makasagot. Naninigas parin ako at hindi makagalaw. Binawi niya ang kanyang kamay at muling humawi sa kanyang buhok.
"Kung ganoon, hindi mo na ako mapipigilang makipaghiwalay sa'yo. ibi-break ko na ang ating engagement contract at sasabihin ko kay Tito--"
“I-I’ll do it..." Bumaon sa mga palad ko ang mahahaba kong kuko. "G-Gagawin ko ang sinasabi mo."
Yukong-yuko ang aking ulo na hindi na kaya pang tumingin sa mga mata niya matapos bitawan ang mga salitang iyon.
"Tsk!" Singhal niya at narinig ko ang bahagyang pagtawa. "Alam kong hindi mo kayang gawin 'yan, Magnus. Pakawalan mo na ako at ayusin mo ang sarili mo. Kumuha ka ng psychiatrist o kung ano man para ayusin ang pag-iisip mo! Kapag nabuwag na ang ating engagement--"
"S-Sabi ko gagawin ko!" Buong lakas kong sigaw, galit na galit na tumitig sa mga mata niya na kinanginig pa niya bigla sa takot.
Halos magpantay ang dalawa niyang kilay sa pagsasalubong at pumangit ang kanyang ekspresyon sa mukha. "Fine! Kung gagawin mo, puwes kumuha ka ng pruweba na ginawa mo nga kasama ang pulubing iyan sa kama! Aalis muna ako ng bansa ng dalawang buwan, Magnus. Ihanda mo ang sarili mo kapag bumalik ako. Doon lang ako magpapasya kung pakakasalan kita o hindi!"
Tinalikuran niya ako at napagmasdan ko na lang ang mga sandals niyang naglalakad palayo sa akin hanggang sa makasakay ito ng mamahalin niyang sasakyan.
"Boss." Si Carlos, ang aking right-hand-man na tahimik na nanonood lang kanina sa isang tabi, ay lumapit sa akin ngayon. "Ayos ka lang ba, Boss?"
Naglilyab ang dibdib ko sa galit, halos umusok ang ilong ko. Muli kong tiningnan ang kinalalagyan ng babaeng pulubi na nakahimlay sa gilid ng kalsada, at saka puno ng sama ng loob na nagmartsa patungo roon.
"Boss!"
Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay naamoy ko na ang napakabahong amoy na karaniwan kong pinandidirian. Nakakasuklam talaga ang mga taong mahihirap at pulubi!
Naghalo ang amoy ng basura at baho ng katawan ng babae na umaalingasaw sa lugar. Hindi lang iyon, may naaamoy din akong amoy ng dugo.
Patay na kaya ang isang ito?
Sinipa ko ang ulo niya. “Lowly thing, wake up."
Nagnginging siya sa sakit! Napikon ako at napaanas. "Sabi ko, bumangon ka!!" Sinipa ko siya ng tatlong beses.
"Uy Boss, 'wag! Baka mapatay mo siya!" Inawat pa ako ni Carlos. Pero tinulak ko siya at sinabunutan ang maruruming buhok ng babaeng pulubi para ipataas ang ulo sa akin.
May itim at marumi siyang mukha, unti-unti niyang binuksan ang mga mata.
Brown eyes?
"P-Pagkain..." Nakikipagbulungan siya at yumayakap sa kanyang tiyan na tila may tiniis na sakit.
"You lowly thing, I'll feed you from now. You shall receive everything you desire. In return, you'll have to attend to me and serve your purpose. Do you understand?"
Mukhang hindi siya nakakaunawa o nakakarinig man lang sa kalagayan niya ngayon. Patuloy lamang siyang humihingi ng pagkain.
Sa kalagayan niya ngayon, parang mamamatay na siya kung hindi siya makakain. Tuyong-tuyo rin ang kanyang mga labi at tanging puro balat na lamang sa katawan wala ng laman.
"Boss, baka hindi siya nakakaintindi ng Ingles." sabi pa ni Carlos.
"Hmm..." Pulubi nga siya.
“Halika na, kunin mo ang isang ito. Kailangan kong dalhin siya sa mansyon."
"Opo, Boss!"
May nanlilisik kong binitawan ang babaeng pulubi saka naglakad papalayo patungo sa aking sasakyan.
Sa tingin mo ba, aatras ako sa hamon mo, Hazel? Tsk. Mukhang hindi mo pa ako lubusang kilala talaga.