MAGNUS’ POV
Lumipas ang isang linggo. Desperada kong kinontak ang cellphone number ni Hazel sa mga nagdaang araw at tuntunin kung saan siya nagtatago, subalit nalaman ko na agad na pala siyang nakalabas ng bansa nang hindi man lang sinasabi kahit kanino kung saan siya pupunta.
Malakas kong binasag sa pader ang cellphone ko sa isiping matagal na niyang pinaplano ang makipaghiwalay sa akin! At wala man lang akong kamalay-malay!
“Kailan pa?! Kailan mo pa ako balak iwan?!”
Nagsisigaw ako sa sa sariling kuwarto habang pinagbabasag ang kung anumang mga bagay ang naaabot ng kamay ko!
Sa loob ng pitong taon naming pagsasama, paano niya ito biglang itinapon lahat? Paano siya magpapanggap na hindi niya ako mahal pagkatapos niyang magtagumpay sa kanyang kumpanya?
Hindi ako naniniwala na hindi niya ako minahal. Lahat binigay ko kaya wala dapat siya na nasasabi! Binigay ko ang kayamanan ko, impluwensya at kapangyarihan ko para sa ikaaangat niya! Ano pa ang hinahanap niya? Dapat pa ngaa siya ay nagpapasalamat! Dapat siya ay dumedepende na sa akin ngayon! Dahil totoo namang wala siyang halaga kung wala ako.
“CARLOS!” Bulyaw ko sa loob ng kuwarto at mula sa labas ay natataranta itong pumasok.
“Yes, Boss!” Hindi na siya nagulat sa kalat na ginawa ko sa aking kuwarto dahil ito ay karaniwan sa aking mansyon.
“I-contact mo si Anthony at ipaalam mo ang sitwasyon ngayon.” Nahilot ko ang aking sintido. “Tungkol sa partnership agreement na kanyang pinag-uusapan, sabihin mo sa kanya na kailangan ko pa ng oras upang pag-isipan ito.”
Si Anthony ang kuya ni Hazel, nais niyang magsimula ng business partnership sa akin ngunit siya ang mas nangangailangan sa akin. Ngayon na ako ay nasa kritikal na relasyon sa kanyang kapatid, kinkailangnin ko siyang gamitin ngayon upang mapabalik ito sa akin.
“Yes, Boss!” Kaagad na lumabas ng kuwarto si Carlos.
Naupo ako sa kanto ng office chair ng aking opisina sa sariling mansyon saka napahilamos ng mukha.
Hindi makikinig si Hazel sa akin kung hindi ako gagawa ng hakbang. Hindi na umuubra ang panunuyo ko sa kaniya. Binigay ko na lahat sa kaniya pero mukhang hindi ko siya mapapanatili sa ganoong paraan, kaya bakit hindi ko naman subukan na may bawiin sa kaniya? Takutin siya?
Sa oras na mayroong mangyari sa kumpanya niya at ng pamilya niya, hindi ba’t muli na naman niya akong kakailanganin? Kapag nangyari ‘yon, sisiguraduhin kong makukuha ko na rin ang gusto ko.
Napatingala ako sa mataas kong kisame at malalim na nag-isip sa maaari kong maging plano sa hindi mabilang na beses.
Ang buong akala ko ay okay na. Ang akala ko ay wala nang hahadlang sa darating na relasyon naming dalawa.
Ipinaglaban ko siya sa aking mga magulang at pinatunayan ko sa kanila ang kanyang halaga at sa wakas ay pumayag na sila. Nagtrabaho ako ng husto para sa aming kinabukasan. Pero bakit niya ito ginagawa sa akin ngayon?
May ginawa ba akong mali? May pagkukulang pa ba ako?
“Boss.” Pumasok muli si Carlos sa silid. “Nasabi ko na ho kay Sir Anthony ang ipinasabi niyo at aniya gagawan niya ng paraan. Gagawin niya raw ho lahat para mabalik dito si Hazel.”
“Dapat lang.” Pinikit ko ang mga mata ko. “Dalhan mo ako ng mga bote ng alak at huwag mo na akong istorbohin pa.”
“Okay, boss.” Bumuntong-hininga siya. “Masusunod po.”
Narinig ko muli ang paglabas niya sa kuwarto at naiwan akong mag-isa.
Ang katahimikan ay nagpapamalas sa akin ng lahat ng aking ginawa sa buong buwan na ito. Puno ito ng mga alaala ng aking paghahabol kay Hazel dahil sa kanyang paglamig sa akin at hindi ko na rin siya makausap ng maayos. Lagi niya akong tinatakasan at dinadahilang busy siya sa kumpanya. Subalit hindi ko parin makakalimutan ang amoy ng panlalake na naamoy ko sa katawan niya noong araw na iyon.
Dahil walang tigil ko siyang kinukuwestiyon at hinihintay ang kanyang paliwanag, bigla na lang niya akong tinalikuran at nakikipaghiwalay.
Sa oras na mahanap ko lang talaga ang lalaking iyon… Impyerno ang bagsak niyon!
Mula sa labas ng aking bintana ay nakita ko kung gaano na kadilim ang kalangitan at mukhang malalim na ang gabi. Hinayaan kong tumakbo ang oras gaya na lamang ng mga nagdaang araw na hindi ko nakakausap, nakikita, o nakakapiling si Hazel.
Pakiramdam ko ay wala na akong ibang gustong gawin kundi ang uminom ng alak ngayong gabi. Ikinubli ko ang aking sarili sa alak habang ako ay nalulunod sa aking mga luha.
“Ano pa bang dapat kong gawin, huh, Hazel?”
Bigla ay bumalik sa alaala ko ang pulubing babae na sinabi niyang makipagtalik ako.
Nahinto ako sa pagtungga sa alak at napasabunot sa aking buhok. Totoo nga, nakalimutan ko ng tungkol sa bagay na iyon...
Hindi, dahil masyado akong abala sa paghahanap kay Hazel at pagpaplano ng pag-atake sa kanyang pamilya na hindi ko naalala ang tungkol pulubing babae.
Buo ang loob ko na pumayag sa kondisyon ni Hazel noong araw na iyon dahil naalog ako sa banta niyang tuluyang sisirain ang engagement namin. I even ordered the head maid, Grita to serve the beggar—gave herr a room, clothes, and food. Of course, I specifically invited our family’s doctor to thoroughly examine her body. Naalala ko pa na ang resulta ay mahina ang pangangatawan nito dahil sa dinanas na gutom at mga galos sa katawan.
I breathed a sigh of relief to find a beggar like her doesn’t have diseases, but Doctor Farhan said that she might’ve been a beggar not too long ago, just maybe a few weeks before I picked her up.
Nakuyom ko ang kamao ko nang para bang muli kong narinig ang boses ni Hazel nang sarkastiko niyang iutos sa aking makipagtalik sa lalaking iyon.
“Such a foul mouth full of disgusting words…” Natatawa kong binitawan ang bote ng alak at binangon ang aking sarili patayo. “Do you really think… I, Magnus Samuels, wouldn't be able to do what you ask for?”
“Argh!” Nawalan ako ng balanse at napaluhod sa tiles na sahig. Muli kong binangon ang aking sarili at nahihilong naglakad papababa ng aking kuwarto.
“S-Sleep! Sleep… with a beggar, huh?” Nilunok ko ang pagkasinok ko at kinaladkad ang sarili pababa sa napakahaba hagdanan sa kabila ng nadaramang matindang kalasingan. “As long as… Hazel doesn’t leave me…”
Where was that again? Saan ko nga ba iniutos na ilagay sa kwarto ang mabahong pulubing iyon?
Madilim na ang paligid sa loob ng mansyon, batid kong namamahinga na ang mga katulong, maging si Carlos. Subalit natatandaan ko pa ang kuwarto ng babaeng ‘yon…
“Be–Beggar’s room…” I immediately went to the dark hall behind the stairs.
Maraming bakanteng kwarto sa kada pasilyo…
“Oh! H-Here it is!” Natatawa kong natagpuan ang malaking puti na pintuan sa kaniyang kuwarto at walang anu-ano ay pinasok iyon.
Malakas na kumalabog ang pintuan nang isarado ko iyon na maging ako ay napamulat ng mga mata.
“S-Sino…?” Isang mahina at maliit na boses ang kaagad kong narinig.
Ang aking malabong mata ay diretsong tumitig sa king size bed nang paunti-unting bumangon ang isang dalaga suot ang puting pajama.
Nakapatay ang ilaw, at ang liwanag lamang mula sa lampshades ang nagbibigay sa amin ng paraan upang makakita.
Hindi ko maaninag ang kanyang natatakot na mukha, at nakikita ko lamang ang kanyang hugis ng katawan!
“S-Sino ‘yan?” Ang kanyang boses ay may nagreresonang takot.
Nakagat ko ang ibaba kong labi at nagsimulang maglakad, pinipigilan ang aking pagnanasa na mahulog.
Sleeping with a beggar is the f*****g worst, but how can it still be looks like a young lady?
“Stop trembling and let’s have sex.”