Pagkatapos ng program, agad naman nagpaalam sila Julian at Ashley kay Aira bago umalis ng paaralan. Pumaroon naman sila sa DC dahil sa biglang tawag ni Alex na pumunta raw si Ashley sa kompanya. Wala namang problema pero kailangan si Ashley sa kanila. Pagkahatid naman ni Julian, agad dumiretso ang binata papuntang Makati dahil sa nakaschedule na kunin ang mga gamit na hiniram ng isa nilang shop. Ilang oras rin itong nakarating dahil sa traffic na inabot ng isang oras papuntang main highway. Pagkatapos nito ni Julian, agad naman ito bumiyahe pabalik ng Mandaluyong. Pagkarating nito ng DC, agad naman niya nakitang nakatayo si Ashley sa labas malapit sa main door ng gusali habang may kasamang maputi at matangkad na nalalaki. Napagtanto rin ni Julian na ang lalaki na kasama ni Ashley ay ang

