Dahil sa ingay na narinig ni Julian mula sa kusina, nagising nalang ito bigla at napamura ng pabulong ng makita ang oras sa relo nito. Napakamot nalang sya ng ulo sabay suot ng damit nya na nasa cabinet. Natutulog kase itong nakahubad sa pantaas. “Five palang. Ang aga naman ng ingay ngayon na to dito," bulong ni Julian nang makalabas na ito ng kwarto. Agad niya pinaandar ang ilaw ng kusina at nakitang tinaob ng puti na may kunti kahil na kulay ng pusa ang kaserola na nakapatong sa pinakataas ng kabinet. Nakita rin ni Julian ang patay na butiki sa sahig. Napahinga si Julian ng malalim sabay gulo ng buhok nito. Pagkatapos naibalik ni Julian ang kaserola, pumunta ito ng sala at pinandar ang TV. Napag-isipan nya kaseng ang aga naman ata para mag sahing kaya higa muna ito pampalipas oras.

