“Ash, hindi na ako babalik dyan. Kung sakaling may time pa ako eh may chance na babalik ako dyan," saad ni Grace sa selpon. Biglaan nalang kaseng tumawag si Grace se cellphone na kinamusta si Ashley at hindi nag tagal, nag-uwi ang kanilang usapan sa hindi pagkaintindihan. Anong magagawa ni Ashley, namiss nya ang kaibigan nito. “Pero Grace, alam naman natin na—" “Ash please, okay alam ko naman kung anong nararamdaman ni Katherine. Tanggap ko na. Gusto ko lang naman muna na lumayo at magpakasaya. Please mahal kita Ash pero hayaan mo muna ako dito," wika ni Grace. Napahinga naman ng malalim si Ashley, “Sige, pero balik ka kaagad kung kinakailangan ha. Alam mo namimiss ko na kayo." Napahinga ng malalim si Ashley nang mapatay na ang tawag. Sumandal ito sa backrest ng sofa sabay pikit ng

