Pasulyap sulyap na naglalakad sina Julian at Aira dahil sa planong puntahan ang bahay ng pamilya ng mga Gerrero na iniisip pa ni Julian mula kagabe. At dahil sabado at walang pasok, hinayaan na ni ito ni Aira samahan ang kuya niya Julian. Nang marating ng dalawa ang kabilang kanto, napatigil ang dalawa dahil sa paghila ni Julian kay Aira sa balikat.
"Bakit po kuya? May problema ba?" tanong ni Aira.
"Sigurado ka bang hindi tayo papagalitan?" patanong na saad ni Julian habang sinusulyapan ang bahay ng mga Gerrero na tinutukoy ni Aira.
"Kilala po kami ni ate Ash, sigurado po ako na hindi tayo papagalitan," saad ni Aira at dahan dahang tumango si Julian. Napahinga ito ng malalim bago niya tinanong ulit si Aira.
"Sige tara, pero ikaw yung bahala sa akin ha," Tumango si Aira na nakangiti at agad naman nilang nilapitan ang bahay.
Papalapit silang dalawa ng biglang may lumabas sa gate na agad namang kinabahan si Julian. Hinila ni Aira sa Julian papalapit sa babae na lumabas ng gate at naka ngiti ito na kinakausap ang babae.
"Ate saan po kayo pupunta?" tanong ni Aira sa babae.
"May importante akong lakad ngayon Ai. Kung gusto mung pumasok, nandiyan naman si Felix sa loob kung gusto mong makipaglaro," Bumaling ang atensyon ng babae kay Julian at agad naman itong nahiya sa dalaga at napatingin sa kanyang sapatos.
"Oh ikaw? Diba ikaw yung lalaki kahapon. Kamust na paghahanap mo ng trabaho? Taga rito ka pala?" Kumuha ng tingin si Julian sa babae at agad namang nanlaki ang mga mata niya.
"Ikaw si Ashley? Ashley Gerrero, right?" masayang tanong ni Julian. Napatingin nalang si Aira sa dalawang nag uusap.
"Ah yes ako nga. Paano mo ako nakilala and what do you want from me?" tanong ni Ashley.
"Gusto ko lang sana malaman kung hindi niyo na ba ginagamit yung bahay niyo sa kabilang kanto. Yung lumang bahay," Napatango si Ashley ng dahan dahan habang iniintindi ang mga sinasabi ni Julian.
"Matagal na yung iniwan ni Papa. Binebenta nga namin yan pero wala talagang may gustong bilhin yan kaya hinahayaan nalang namin diyan,' saad ni Ashley. "Sige aalis na ako may lakad pa kasi ako eh," Dagdag ni Ashley na agad sumakay sa kanyang sasakyan at umalis.
"Yun pala sina ate Ashley niyo?" tanong ni Julian. Tumango si Aira at agad namang niyaya si Julian na umuwi na. Habang papauwi ang dalawa, naguusap lamang ito ng mga nakakatawa hangang sa makarating sila sa kabilang kanto.
"Ano po kasi yung intensyon niyo sa lumang bahay nila Ate Ashley? Kilala niyo bo ba sila?" nag tatakang tinanong ni Ashley si Julian. Napabuntong hininga na lamang ang binata. "Wala, may gusto lang ako sa bahay na yun pero wag mo na isipin yun."
"Hindi pa nga ako nakahanap ng trabaho. Marami pa akong dapat malaman tungkol sa pagpunta ko rito," saad ni Julian sa sarili.
"Pero sa totoo lang ha, ang ganda ni ate mo Ashley," biglaang sabi ni Julian na agad nanlaki ang mga mata ni Aira habang tiningnan siya ng masaya, "Wala ka na dong chance, maraming manliligaw yun tsaka ikaw, bihis bihis ka muna kuya. Para ka kasing lolo ko kung pomorma eh," patawang saad ni Aira. Bigla nalang naalala ni Julian ang taong pinanggalingan niya.
"Teka saan nga kasi pumunta ate mo? Akala ko broken yun?" Huminga ng malalim si Aira habang papasok sa gate ng kanilang bahay. Hindi na nila napansin na narating na nila ang bahay habang nag uusap.
"Lumabas ata kasama mga barkada niya. Ewan ko ba kung anong oras yun uuwi. Pero promise kuya pinigilan ko siya pero ayaw niya parin. Ewan ko nalang kung anong sasabihin ni Papa if ever malaman niya mga pinaggagawa ni ate," Alam ni Julian ang nararamdaman ni Aira dahil nakita na niya iyon sa kapatid niyang si Kyle noong nagbabarkada at nagbibisyo siya noon.
"Normal lang yan sa pagiging teenager. Naranasan ko na yan pero dapat mo talagang bantayan ate mo alam mo naman, kahit noon pa walang ingat talaga mga kabataan."
Pumasok agad si Aira sa silid ng kanyang ate at mabilisang bumihis at sa Julian naman ay napag-isipang linisin ang ikalawang sasakyan ni Ren. Habang nasa kalagitnaan ng pag lilinis niya, dumating si Aira sa tabi nito at ipinagpatuloy na nila ang pag-uusap. Maraming binanggit si Aira tungkol sa kapatid nito at sa mga pangyayari sa kanyang paaralang ganon rin kay Julian na tungkol sa pagkakaibigan nila ni Ren. Gumawa gawa nalang si Julian ng kwento na nakilala niya si Ren sa probinsya nila at agad silang naging magkaibigan.
Biglang bumaling ang kanilang pinag-uusap kay Aira na hinid nila alam, hatsing ito ng hatsing sa pinuntahan niyang trabaho.
"Are you alright Ash? Kanina pa yan ha?" tanong ng isang lalaki kay Ashley.
"Ewan ko nga eh." sagot ni Ashley.
"Ikaw siguro yung topic ng mga manliligaw mo eh," Napairap si Ashley sa kaibigan at agad ikinatawa ng lalaki.
"Alam mo Dave, gusto ko na talagang pumunta kay Papa sa Thailand pero alam mo na, aanhin ko rito yung bahay namin. Iiwan ko nalang dahil selfish ako? No, definitely no."
Kinuha ni Ashley ang mga kamera nito mula sa kanyang bag at binuksan ang mga ito isa isa. "Okay choose whatever you want and kung may napili kana, tawagin mo lang ako. You can open all of my cameras and don't hesitate to use something from them," saad ni Ashley bago ito naglakad papalayo pero bigla itong tinawag bigla ng kaibigan nito na si Dave.
"Do I have to choose the things that was already on your list?" dahang dahang tanong ni Dave. Napairap naman si Ashley bago nilapitan ang kaibigan at tumawa.
"Hay nako Dave, malamang hindi. Napili na yan ng iba kong client and I have to finish editing some of them and inform them on time," Tiningnan ni Ashley isa isa ang mga camera niya at nilagay ang isang camera pabalik sa bag niya dahil namatay ito bigla.
"Kung ma lowbatt sila pakicharge nalang please. Ingatan mo yang mga anak ko ha. Bilhan nalang kitang mga snacks after ko makabalik galing kina Mrs. Ramos," napatigil si Ashley sa pag sara ng kanyang bag ng napasin niyang tingin ng tingin ang kaibigan nito sa kanya.
"What? Are you okay? May dumi ba mukaha ko?" mga tanong ni Ashley na agad namang napa-iling ang binata.
"Mamayang gabi, can we go out, I mean pwede ka bang sumama sakin para mag dinner but don't worry, samama naman si Clyde satin at si Grace," sinubukan ni Dave na hindi maging masama ang tuno nito habang sinasalaysay kay Ashley ang gusto niyang mangyari mamayang gabi. Halata naman kung anong intensyon niya sa dalaga.
"Of course, we've been friends for years at may nerve ka pang mahiya sakin. Dude naman, sige game ako diyan, tas after tayo kumain punta tayo mall para mag laro lang ha," masayang saad ni Ashley na agad namang napangiti si Dave sa kaibigan.
"Sige ba."
"Alright, aalis na ako. Baka magalit sakin yung client ko eh," minabilis ni Ashley ang paglakad papuntang parking lot at agad sumakay once narating na niya ang lugar ng sasakyan nito.
...
Hapon na ng makauwi si Ren mula sa negosyo nito na agad niyang napasin ang bunso nitong anak na nakaupo sa balkonahe nila kasama si Julian na para bang may sinusulat ang dalawa. Dahan dahan niya itong nilapitan at biglang natuwa sa nakita.
"Aba, anong nakain mo anak at ginawa mo ang project mo ngayon? Akala ko dadalhin mo naman yan kay ate mo Ashley," napanguso ang anak at agad nilapitan ang tatay nito at niyakap.
"Wala lang po. Gusto po kasi akong tulungan ni kuya Julian kaya ginawa nalang po namin," Nang tiningnan ni Ren ang kaibigan nito, ngumingiti ito na parang bata na ikinatawa ni Ren.
"Hays, mabuti naman kung ganon. Si ate mo nasaan?" tanong ni Ren ar biglang kinabahan si Aira sa tanong ng ama nito. Sumulyap siya kat Julian ngunit umiling lamang ito.
"Lumabas po ata kasama sila ate Cris," saad ni Aira.
"Ah sige bibihis muna ako," pumasok naman si Ren sa loob at ipinagpatuloy nilang dalawa ang ginagawang project ni Aira na scrapbook.
Ilang minuto rin nila itong napuno ang sampung papel na may lamang mga makukulay na papel at kung ano bang nga desinyo. Nakaluto na rin si Ren ng kanilang hapunan at sabay narin sa sinaing ni Julian. Makalipas ang ilang oras at natapos na ng tatlo ang hapunan at lahat ng mga gawain ngunit hindi parin nakakauwi si Rana na ipinag-alala ni Ren.
"Hays, saan na yung bata na yon?" nag-aalalang tanong ni Ren habang nasa balkonahe ito kasama ang dalawa.
"Siguro mauna kanang matulog Ren, kami nalang maghihintay kay Rana," bulong ni Julian kay Ren. Tumingin si Ren sa kanyang orasan sa kanyang pulsuhan.
"Alas deis na," Bulong ni Ren sa sarili.
Kumuha ng sulyap si Julian kay Aira at bakas sa mukha ng bata ang pag-alala sa kanyang ate. "Hahanapin ko nalang siguro siya para hindi na kayo mag-alala," agad namang binigay ni Ren ang susi ng sasakyan nito kay Julian pero nagtaka ito bigla.
"Alam mo pa ba mga daan dito? Marami na kasing dinagdag at binago sa mga daan dito Jul," sabi ni Ren.
"Susubukan ko lang."
Dahil sa lamig, pumasok na si Ren sa loob ngunit nagpaiwan si Aira na ipinagtaka ni Julian. "Pumasok kana."
"Gusto ko pong sumama," saad ni Aira.
"Gabi na. Isa pa baka pagalitan ka ni papa mo. Pumasok ka nalang at bantayan mo si papa mo at hintayin mo naalng kami. Promis ko sayo hahanapin ko ate mo, okay?" nagdadalawang isip si Aira ngunit nagparaya na ito dahil baka mag alala lalo si Ren sa kanila.
Umalis na agad si Julian dala ang sasakyan ni Ren naparang lasing ito kung mag maniho.
"Okay. Malapit na siguro highway dito."
Marami ring itong pinasukang sulok at narating rin niya ang papalabas sa highway. Unang pumasok sa ulo ni Julian ay ang mga inuman na alam niya madalas puntahan ng mga kabataan pag broken. Nasa isip parin ni rin kasi ang pagiging binata dahil panahon lang ang umiba sa buhay ni Julian.
Una niyang nakita ang gusali na umiilaw at agad niya itong pinasok ngunit wala doon ang dalaga. Bumalik agad si Julian sa sasakyan at nagulat ito ng tumunog ng napakalakas ang pamilyar na musika. Nang may ideya si Julian kung ano iyon, hinanap niya agad ang selpon ni Ren at nakita niya ito sa ilalim ng upuan. Nakita niya ang pangalan ni Rana sa screen ng cellphone. Napakurot si Julian ng ulo dahil hindi niya alam kung paano iyon sagotin.
"Slide?" tanong no Julian sa sarili habang binabasa ang nasa screen. Sinunod naman niya ito at biglang may napakalakas na tunog na nanggagaling sa selpon na halatang nasa kabilang linya na si Rana.
"Rana?"
"Hello po tito! Kayo po ba to tito?!" buses ng babae ang sumigaw mula sa linya.
"Ah kaibigan niya ito," sagot ni Julian.
"Ah tito hindi po kita marinig ng maayos. Nandito po kami sa 80's bar something po," sigaw ng babae sa telepono ngunit naputol na lamang ito dahil sa hindi malaman lamang kung anong dahilan. Ang pangalan ng inuman ay halos hindi mabura sa isip na Juliang habang nagmamaniho itong pinuntahan. Mabuti na lamang ay pinuntahan nina Rana ang isa sa mga luman inuman sa boong syudad.
Ipinark ni Juliana ng sasakyan sa labas at agad itong pinasok ang gusali. Nakita agad ni Julian ang dalaga na natutulog sa counter habang nakaupo ang siguradong kaibigan nito habang hinihimas ang likod nito. Nilapitan naman ni Julian ang dalawa na agad siyang tinanong ng babae na kasama ni Rana.
"Ako yung sundo niya. Pwede ko na siyang iuwi," bulong ni Julian sa babae.
"Sino po ba kayo kuya? Ineexpect ko si tito Ren pero ilaw yung dumating," hindi naman ni Julian ang maingay na dalaga at agad niyang kinuha si Rana sa pagkakaupo.
"Ah teka saan mo yan dadalhin yang kaibigan ko. Masasapak talaga kita. Hoy bitawan mo yan sabi!" Nagulat na lamang si Julian ng biglang hinila ng babae ang kanyang buhok kaya niya nabitawan bigla si Rana na nahulog ito.
“Ayy hindi ko siya sasaktan or kikidnapin. Ako yung pinapasundo ni Tito mo Ren dahil pagod na yon kaya kalma ka lang, safe tong best friend mo sakin,” saad ni Julian na napipikon at agad naman niyang pinabangon si Rana at inalalayan palabas.
“Wait teka kuya sasama ako!” sigaw ng kaibigan ni Rana habang tumatakbo papunta sa sasakyan na dinala ni Julian. Isinakay naman ni Julian ang lasing na si Rana sa passenger seat at agad sinara. Narinig niyang pumasok ang best friend ni Rana sa likuran ngunit hinayaan naman niya ito at agad ng pumasok ang nagsimulang mag maniho.
“Anong oras kayo nag simulang uminom,” pagsisimula ni Julian.
“Ngayon lang pong hapon kuya,” napansin ni Julian ang kakaibang tuno ng dalaga na para bang natatakot ito.
“Hays maniwala ka o sa hindi, ako yung inutusan ni Tito mo Ren na magsundo sa best friend mo kasi gabi na. Hindi ako r****t or kidnapper okay?” pagpapaliwanag ni Juliang upang maliwanagan ang halatang kabang kaba na dalaga.
Tahimik silang umuwi sa bahay nila Ren at agad namang inalalayan nila Julian at ang best friend ni Rana na dalhin si Rana sa silid nito. Lumapit ng dahan dahan si Aira sa kanilang puwesto at bumulong na natutulog na ang tatay nito.
Nang malagay na nila ito sa higaan, agad naman silang lumabas na biglang inalok ng sakay ni Julian ang best friend ni Rana pauwi dahil nakakahiya naman ito para kay Julian na hindi niya binigyan ng pagiging gentleman.
“Hatid na kita,” saad ni Julian.
“Ay sige po kuya maraming salamat po,” nakangiting sagot ng dalaga. Umalis na silang dalawa na panay turo ng kaibigan ni Rana ang daan papunta sa kanilang bahay, ilan ring minuto sila bumiyahe at narating rin nila ang dilaw na bahay. Bumaba naman ang dalaga at agad nagpaalam.
Umalis si Julian na kumukurap ang mga mata nito dahil sa antok, habang papauwi ito, nakita niyang mapumapara sa gitna ng kalsada. Hindi niya sana ito papansinin ngunit nakita niya ang pamilyar na mukha at agad niyang tinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bumaba si Julian sa sasakyan at patakbong nilapitan si Ashley habang kaway ito ng kaway.
“Oh, napano sasakyan mo?" Tanong ni Julian habang tinitingnan niya ang nakabukas nitong makina.
“Ewan ko nga eh. Pwede mo ba akong tulungan?” nahihiyang tanong ni Ashley. Tumango naman si Julian at agad nilapitan ang makina na gabay ang ilaw ng street light sa pag tingin nito.
“Hindi ka siguro pumalit ng oil mo kaya na apektuhan yung makina ng sasakyan. Dapat kasi pinapalitan mo yun every year para hindi maging luma,” paliwanag ni Julian habang hinahawakan ang takip ng makina.
“Sige ipakukuha ko nalang yan sa tow truck pero pwede bang pasakay pauwi?" Hindi nagsayang si Julian ng segundo at agad niyang pinasakay si Ashley.
“Actually hindi sakin to eh,” saad ni Julian na nagmamaniho.
“Ah oo pamilyar nga eh. Kay tito Ren ba to?”
“Oo. Hiniram ko dahil sinundo ko yung panganay niyang anak galing inuman at hinatid ko rin kaibigan niya pa pauwi,” tumango naman si Ashley habang tinatanaw ang labas ng bintana.
“Mabait yan si Rana pero sadyang na adik lang talaga yon sa boyfriend niya,” biglang sabi ni Ashley.
“Bakit? Alam mo ba kung anong nangyayari?” tanong ni Julian.
“Alright. Ganito kasi yon, kinuwento sakin ni Ran na parati raw humingi ng pera yung boyfriend niya pero yun pala hindi niya alam adik pala yun. Babaero rin yung bata na yon eh.”
“Oo nga. Napansin ko rin mga kabataan ngayon. Lalong lumala at naging two times sama sa mga kabataan noon,” saad ni Julian.
“Yeah I noticed,” ani ni Ashley na tumatango. Tumigil bigla ang sasakyan sa harapan ng bahay nila Ashley at bumaba agad ang dalaga.
“Oh wait. Diba interested ka sa lumang bahay namin?” tanong ni Ashley. Tumango naman si Julian.
“I can set a meeting tommorow night between us here at my house kasi busy ako kung umaga. Pumunta ka lang rito sa bahay between six or seven ng gabi. Balak talaga namin yan ibenta–” agad namang pinutol ni Julian si Ashley.
“Wait wala akong balak bilhin yun,” nahihiyang tumatawa si Julian habang nakahawak ito sa may batok niya.
“So what do you want?”
“Gusto ko lang sana magpaalam na pasukin yung bahay,” napakurot nalang si Julian ng ulo dahil sa hiya sa dalaga.
“Okay. Ako nalang pupunta sayo. Wait saan ka ba nakatira?” tanong ni Ashley.
“Nakatira ako ngayon kila kuya Ren kasi ah... kamag-anak nila ako,” mabilisang sagot ni Julian. Kahit nag sinungaling ito, dapat talaga hindi malaman ng iba kung ano ang mga katotohan kay Julian.
“Alright. Pupunta ako don and by the way, thanks for the ride. Pakikamusta nalang sila tito Ren at ang dalawang bata,” pasigaw na saad ni Ashley habang papasok ito sa loob.
Hindi na malayan ni Julian na nakangiti parin ito kahit wala na a kanyang paningin ang dalawa. Agad naman niya isinara ang bintana at umalis