Chapter 3: Confusions

2601 Words
Nang makapasok si Julian sa bahay, agad naman siyang binangga ng dalawang guwardya ng bahay na ipinagtaka ni Julian. "Wag po kayong mag alala, kasama po ako nong dalawang bata na pumasok lang," pag kukumbinsi ni Julian sa dalawang lalaki. "Hindi parin po kayo makakapasok kasi wala kayong koneksyon sa amo namin," ani ng isa sa mga guard. Napakamot nalang si Julian ng ulo. "Pakisabe nalang po hintayin nila ako rito pagkatapos nila saa loob. Aalis lang po ako." "Sige po sir," tumango si Julian at agad umalis. Paikot ikot lamang ito sa labas ng kalsada ng biglang may dumaan na mga grupo ng kabataan na may mga lasing at malakas ang tawa. "Bro, sama ka sa amin!" Tawag ng isang binata kay Julian na agad siyang inakbayan. Tumawa ang ilang mga dalaga at mga kasama nito. Inalis ni Julian ang kamay ng binata at ngumiti. "Pasensya na mga bata. Hindi ako makakasama sa inyo," pag mamabuti ni Julian sa mag babarkada. Ang halatang lasing na binata ay pilit parin sa paghawak at pagpipilit kay Julian na ikinagalit nito. "Sabing ayaw kong sumama sa inyo." "Josh, hayaan na natin si kuya. Umalis na tayo," Saad ng isang dalaga ngunit ayaw parin bumuklas ang lasing na binata. Napamunimuni si Julian bago niya ito suntukin ang binata na ikinagulat ng apat na mag babarkada. Napadapa ang binata nahalos hindi na makatayo dahil sa kalasingan at dahil narin sa suntok ni Julian. "Bastos kang bata ka. Hindi mo alam kung paano rumispeto." galit na saad ni Julian habang ang magbabarkada ay tinulungang makatayo ang lasing nilang kaibigan. "Pagpasensiyahan niyo na po yung kaibigan naman. Lasing lang po talaga." Pag mamakaawa ng isa sa mga dalaga. Agad na umalis ang mag kakaibigan na dala dala ang lasing nilang kaibigan. Nagpakawala ng malalim na hininga naman si Julian hinawakan ang ilong nito. "Ang bata bata pa, umiinom na ng maaga." Bigla niyang naalala ang nangyari ng ito ay nasa panahon pa niya bago paman siya nadala sa kasalukuyan. Biglang narining ni Julian ang pagtawag ng mga guard sa kanya at kasibay niyon ay ang paglabas ng dalawang anak ni Ren sa gate na may dala dalang plastik. Tumakbo si Julian para maabotan ang naglalakad na magkapatid na hindi siya nilingon kahit isang beses. "Ang susungit ng mga anak mo Ren!" bulong ni Julian sa sarili na naglalakad sa likod ng magkapatid. Nang makauwi ang tatlo sa bahay ni Ren, agad namann nakita ni Julian si Ren na nakatunganga sa labas ng kanilang bahay. "Oh, bakit ka nakatunganga?" "Hindi ko lang talaga ma damdam na nandito ka na parang magic yung nangyari sayo," ani ni Ren. "Gusto ko lang sabihin na totoo ako, okay. At Ren, angsusungit ng anak mo, lalong lalo na yang matanda." pabulong na ani ni Julian na takot marinig ng nakakatandang anak ni Ren. "Ganyan talaga yan simula nang iniwan kami ng nanay nila. Mabuti nalang nandiyan yang bunso ko para bantayan yang ate nya." Hindi nawala ang lunggkot sa tuno ni Ren at alam naman ni Julian ang nararamdaman ng kaibigan nito. "So anong nangyari?" tanong ni Julian. "Sumama sa iba. Matagal na kaming hiwalay. Siguro mga pitong taon na. Simple lang kase ako noon kaya siguro sumama sa lalaki niya at iniwan ang mga bata sa akin-" pinutol agad ni Ren ang sasabihin niya nang makakita ito ng biglaang paglitaw ng pula na ilaw sa langit. Ipinikit pikit niya ang mga mata kung tama pa ang nakita nito sa taas. "Oh, ano na naman ang nangyayari sayo?" nagtatakang tanong ni Julian. "May nakita kasi ako pero parang imposible naman yun." Kumuha ng sulyap si Julian sa taas na nagdidilim na langit ngunit wala itong nakita. Napatingin si Julian kay Ren ng masama ng makita ang kaibigan na sinusulyapan siya na parang hinuhusgahan siya nito. "Oh ano na naman?" "Sigurado ka bang hindi ka alien?" biglaang pagtanong ni Ren na napatawa bigla si Julian. "Hay nako. Ano bang nangyayari sayo Ren. Epekto na ba yan ng pagtatanda mo?" Napataw si Julian. "Wala lang. Ang dami mo kasing dada tungkol sakin. Pero bukas na bukas, hahanap ako ng trabaho as a janitor para naman may pera ako diba," ani ni Julian. "Sigurado ka ba na janitor lang. Baka may plano ka pang iba?" tanong ni Ren. "Janitor lang siguro. Hindi ko kasi bihasa ang pagtakbo ng ekonomiya ngayon. Sigurado ako maraming nang nagbago." Pagkatapos ng dalawang pagdesisyunang kumain, pinuntahan agad ni Ren ang dalawang anak dahil alam nitong kailangan ng dalawa ang atensyon ng tatay nila at hindi na rin lalong maging masungit si Rana kay Julian. Nang makapasok si Julian sa dating silid ng bunso ni Ren, agad itong lumapit sa kama at kinuha ang selpon mula sa bulsa. "Parang nangyari na to ha?" tanong ni Julian sa sarili. Ipinikit nalang ni Julian ang mga mata niya at ulang oras siyang hindi natuluyan ng nakatulog. ... Kinabukasan, nang makarating si Julian sa gilid ng highway, agad siyang nagtanong kung saan saan at kung sino sino ngunit wala siyang may napala. Pinilit rin ito kanina ni Ren na maghanap malapit sa nenegosyohan ni Ren ngunit ayaw na niya itong gambalain nag kaibigan kaya wala siyang nagawa kundi mag hanap hanap mag isa. "Saan ba dito ang may trabaho. Kahit taga linis nalang ako ng banyo." pangangamot ni Julian sa ulo habang pawis na pawis ito dahil sa sikat ng araw. Nang nag lakad lakad ito ng ilang metro, nakita niya ang isang pamilyar na gusali na ipinagtaka niya. Agad niya itong nilapitan at tiningnan ang napakataas na gusali. "Diba dito ako binangga nong ilang araw?" nilingon lingon ni Julian ang lugar ngunit may lumapit na guard sa kanya. "Anong kailangan mo?" tanong ng guard. "Nag hahanap po ako ng trabaho, pwede po bang mag trabaho bilang janitor? Kung pwede lang po eh kung wala naman po edi aalis nalang po ako." nagmamabuting saad ni Julian. Tumingin ang guwardiya sa relo nito sa pupulsuhan at tumango kay Julian na ikinagulat ng binata. "Pumasok kalang ng kunti at may pinto diyan, bumaba ka tyaka tanungin mo diyan si aling Rosa at sabihin mong nag aaplay ka na maging janitor. Pero wag kang papasok sa taas, may mga artista diyan na naka tambay, baka pagalitan ka." sabi ng guwardiya. Tumango naman si Julian at agad tumakbo papasok ng building. Nang makapasok si Julian sa loob, agad itong binangga ng mga tagabantay na mga babae at agad itong tinanong kung anong ginagawa niya sa loob. Agad naman si Julian napikon ng sinabi ng mga babae na walang extra na trabaho ang pagiging janitor sa isang kompanya na pinag tatrabahohan nila. “Wala pong inutos ang boss namin na mag hanap ng tagalinis. Gusto mong mag trabaho, sa iba ka nalang pumunta, istrikto kase tong kompanyang to kung kumuha ng trabahador para matiyak nilang maligtas yung mga artista nila dito.” saad ng isa sa tatlong babae na bumangga kay Julian. Papaalis na sana ito ng may pumasok na isang babae na ikinagulat ni Julian. Muntikan na kasi silang bumangga sa isa't isa. “Len, nasa loob pa ba si Claire?” tanong ng babae. “Opo, last ko po siyang nakita nasa cafeteria.” sagot ng babae na tinatawag na Len. “Oh sino to?” pagtutukoy ng babae kay Julian. Parang biglang bumalik si Julian sa sarili na ikinakamot ng ulo niya. “Nag hahanap po yan ng trabaho. Janitor po yan inaaplayan niya pero pinagsabihan namin siya na hindi na available ang trabaho na janitor.” pag papaliwanag ng ni Len. “Ay kawawa naman si Manong.” Napatingin agad si Julian sa babae at ngumiti. “Ah, wag po kayong mag alala. Marami naman trabaho diyan sa tabi tabi,” nakangiting saad ni Julian habang tingin ng tingin sa babae. Ngumiti pabalik ang babae at tumango. “Alright, I'm leaving.” saad niya at agad umalis. Nang makaalis ang babae, agad namang nilapitan ni Julian si Len na iniwan na ng dalawa niyang kasama. “Sino yon?” tanong ni Julian. “Ah yon? Si Ashley yon, isang freelance photographer na kinuha ng CEO ng kompanyang to. Ang bata bata pa eh pero masikapin na. Nakakaproud diba?” saad ni Len. “Ashley?” patanong ni Julian. “Freelance photographer?" Dagdag na tanong ni Julian. “Sige alis na ako. Ikaw good luck nalang sa pag hahanap mo ng trabaho,” ngumiti si Julian at agad lumabas. Nang makarating ito sa labas, agad naman niya nakita ang guard na nakausap niya kanina. Binigyan niya ito ng peking ngiti ng mag tagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti naman ang guard at bumalik papasok ng guard house. “Manloloko pala tong guard nato. Eh dapat sa kanya patalsikin tsaka ipalit ako sa kanya,” pagmamayabang nito Julian ngunit ito ay binulong niya lamang sa sarili. Maraming umalok ng sakay ang mga tricycle driver sa kanya ng sakay ngunit ayaw nito ni Julian tanggapin dahil sa gusto niyang ipunin ang mga pera na binibigay ni Ren sa kanya. Nang maglakad lakad ito ng malayo, marami rin napansin si Julian na nagbago sa lugar lalong lalo na ang lugar na malapit sa high school na kanyang pinag aralan. “Hays saan na ako mag hahanap nito, natatamad na ako.” pamumuktol na saad ni Julian habang pahid ng pahid sa kanyang pawis. Pumaroon si Julian sa isang tindahan dahil sa desisyon niyang magpahinga. Nang makaupo ito, biglang pumasok sa isip ang planong manlimus na lamang para magkapera ngunit tumawa nalang si Julian. Habang pawis na pawis ito, hindi niya inasahan na makita ang bote ng soft drinks sa liob ng tindahan at napalunok nalang ito bigla. Ngunit sa kagustohan na wag gastusin ang pera, ibinaling ni si Julian ang atensyon sa mga sasakyan na nasa kalsada. Sa kahabaan ng panood niya, bigla itong tumayo at agad kinuha ang pera sa bulsa. “Hays hindi ko na kaya," saad ni Julian. ... Papalapit si Julian sa bahay nila Ren ng makasalubong niya ang bus na sinasaktan ng mga anak nito, agad naman niyang nakita sina Rana at Aira na bumaba galing ng bus. Nang nagkasalubong si Rana at Julian, agad naman siya nitong pinairapan ng dalaga. “Ilan taon naba tong ate mo? Parang bata kung kumilos eh.” pabulong na tanong ni Julian kay Aira na bunsong kapatid ni Rana. “Eighteen po.” sagot ni Aira. “Kala ko kase fifteen eh. Tingnan mo ang liit liit niya ang sungit pa. Teka saan papa nyo?” ani ni Julian. “Nandon pa po sa shop niya. Bibihis muna po ako.” saad ni Aira at agad umalis papasok ng bahay nila. At dahil hindi pa pumapaan ang araw, napagisipan ni Julian na bumalik sa isang maliit na bahay na ginisingan niya noon. Ilang lakad lang niya ito at narating din niya ang lumang bahay na iyon. Nilibot ni Julian ang mga mata niya sa bahay at nilapitan ang kalapit bahay nito. “Ale ale, sino pong may ari nitong bahay?” patanong na saad ni Julian sa babae na nakatayo malapit sa mga halaman nito. “Ah yan, pamilya ng mga Gerrero may ari niyan. Matagal na nila tong inabandona naka lock narin lahat ng mga pinto diyan, nakakatakot nga eh,” sagot ng babae na agad ikinakurot ng ulo ni Julian. “Teka, paano ako nakalabas non kung lock ang pinto sa labas. Tapos non bumalik ako naka lock na?” tanong ni Julian sa sarili. “Ah sige salamat po,” sabi ni Julian. “Wait kung hinahanap mo sila malapit lang dito yung bahay nila ngayon. Dito lang sila sa barangay nakatira,” dagdag na paalala ng babae. Nagpasalamt uli si Julian at agad umalis. Tahimik lang ito sa paglalakad niya habang iniisip ang lahat nag pangyayari na hindi inaasahan ni Julian na mangyari sa kanya. Umuwi agad si Julian at pinagdesisyonan na magsaing ngunit nakapagsaing napala ang bunso na si Aira kaya ipinagluto nilang niya ito ng manok. “Kuya Jul, saan po ba kayo galing? Magkaibigan ba kayo ni papa?” mga tanong ni Aira kay Julian. Habang humihiwa ito, napangiti si Julian sa kacutetan ng bata. “Nagbabakasyon lang ako rito sa maynila. Oo kaibigan ko tatay mo.” nakangiting saad ni Julian. Hindi niya sinabi ang totoo sa bata dahil alam namna niya na hindi paniniwalaan. “Sa totoo lang po kung bakit ganyan si ate eh kakabreak lang yan ng boyfriend niya pero sa akin lang niya sinumbung dahil baka pagalitan siya ni Papa.” pabulong na ani ni Aira. “Ganon pala ha. Pero dapat wala kayong may tinatago sa papa nyo especially si ate mo,” tumango si Aira na ikinangiti ni Julian. Ipinagpatuloy na niya ito ang pagluluto at bigla ni Julian nakita ang nakasimangot na si Rana na lumabas ng silid nito. Sumulyap si Julian kay Aira ngunit napatingin ito palayo sa kanya na parang takot ang bisto ng ate nito na sinabi niya ang totoo kay Julian. “Ai, may kilala ka ba rito na mga Gerrero?” tanong ni Julian, “Nag tanong tanong ako don sa kabilang kanto at sinabi nila na malapit raw dito yung tinitirahan ng mga Gerrero ngayon,” dag dag ni Julian. “Ah opo may kilala po akong Gerrero. Kung bahay na pinuntahan natin kahapon, yun po yung bahay nila.” sagot ni Aira na nag secellphone. “Sila raw yung may ari ng lumang bahay don sa kabila malapit sa bahay na may malaking garden.” “Opo, sina ate Ashley po at yung pamilya nila,” Ibinalang agad ni Aira ang atensyon sa selpon nito. Naputol ang kanilang pag uusap ng lumapit si Rana sa kanilang puwesto at agad kinuha ang bunsong kapatid nito. Ibinalik nalang ni Julian ang atensyon sa niluluto niya kesa naman alalahanin niya ang broken heart at moody na anak ng kaibigan nito. Biglang naalala ni Juliang si Ren at agad niyang kinuha ang selpon nito at pinadalhan kaibigan ng mensahe. Ilang minuto rin ang lumipas at Nakatanggap rin siya ng message galing kay Ren. Nag usap ang mag kaibigan tungkol sa hindi na kahanap ng trabaho si Julian at sa unti unting pag asenso ng negosyo ni Ren. 'Baka gabihin ako Jul, paki bantay nalang nga mga bata diyan ha?' ang huling text ni Juliang bago siya at ang dalawang bata ay naghapunan na. “Gagabihin raw ang papa nyo. Matulog kayo ng maaga okay?” saad ni Julian na parang tatay ng dalawa. Tumango naman ang dalawa na ikinagulat ni Julian lalong lalo na kay Rana. Nang matapos silang maghaponan, agad namang inagaw ni Juliang ang mga gawaing bahay mula sa dalawang bata at agad pinaggawa ito. Ilang oras rin silang nanood ng telebisyon bago ang tatlong ay nagdesisyong matulog. Sa kahabaan ng tulog ni Julian, bigla itong nagising ng marinig ang pagbukas ng mayor na pinto. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang silid at sinilip ang labas ng salas. Nagpakawala si Juliang ng malalim na hininga ng makita ang pagod nitong kaibigan. Sinulyapan niya muna ang orasan bago lumabas at nilapitan ang kaibigan. ”Oy gising ka pa?” tanong ni Ren habang hinuhubad ang sapatos nito. “Ah nagising lang ako ng marinig kong bumukas yung pinto tsaka lumabas ako agad dito," sagot ni Julian habang pinapanood ang kaibigan. “Kamusta yung mga bata? Okay ba sila kanina dito sayo?” dag dag na tanong ni Ren na halatang pagod na pagod galing sa pagtatrabaho. “Ok naman sila. Ikaw dapat magpahinga kana don at matulog. Matanda kana Ren, dapat iniingatan mo yang katawan mo.” nag alalang sabi ni Julian. “Hays salamat talaga Jul,” ani ni Ren na agad humiga sa supa. Hindi na ito nasabihan ni Julian ng marinig ang malakas na pag tunog ng kaibigan na bakas na bakas ang pagod sa kanyang itsura. Kinunan nalang ito ni Julian ng kumot at inilagay kay Ren upang hindi ito lamigin. Nang masiguro ni Julian na komportable ang kaibigan, bumalik ito agad sa silid niya at ipinagpatuloy ang pag tutulog nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD