Chapter 2: Accepting the Truth

1702 Words
Umiiyak na nakayuko si Julian habang nakaupo sa lapida ng kaniyang ina. Lahat ng impormasyon na ikinuwento ni Ren sa kaniya ay parang unti-unting dinudurog ang kalooban niya. Naka-tungangang naawa si Ren sa gilid habang pinapanood ang kaibigan nito. Kahit ilang taon na ang nakalipas para kay Ren, alam niyang iba ito kay Julian. Ngunit hindi paren ito makapaniwala na bumalik ang kaibigan at higit sa lahat, hindi ito tumanda. "Ganito pala ang mawalan ng magulang?" tanong ni Julian sa sarili. "Ang sakit." Ilang oras rin silang nakatambay sa sementeryo na inabutan na ng dapit-hapon. Agad namang niyaya ni Ren ang nag dadalamhating kaibigan nito na umuwi na at sumangayon naman si Julian sa pag-aanyaya ng kaibigan nito. Habang pauwi ang dalawa, minuto minuto ay tinitingnan ni Ren si Julian na bakas paren ang kalungkutan sa kaniyang mukha. Hinayaan naman ito ni Ren hanggang sa maka uwi ang dalawa sa bahay ni Ren. "Paano ba 'yan wala ka namang matutuluyan, dito ka nalang tumira sa amin. Isa pa kami lang namin ng dalawang anak ko rito," pag aanyaya ni Ren. "Hindi ako makapaniwala na may anak kana pala," patawang saad ni Julian. Pumasok na ang dalawa sa bahay ni Ren at nakasalubong ang dalawang anak ni Ren na nanonood ng telebisyon. "Oh nakapaghapunan na ba kayo?" tanong ni Ren habang tinatanggal ang jacket nito. "Oo pa tapos na po," sagot ng bunsong anak ni Ren. "Ren matanong ko lang. Saan na ba si Rey?" tanong ni Julian habang sumunod kay Ren papuntang kusina. "Yung magaling mong kaibigan nandoon sa kulungan. Mag-aapat na taon na siya doon dahil sa pagdodroga nya." "Hays, sabi na nga ba. Ganito yung magigiing future niya," saad ni Julian. Ang dalawa ay nag simula ng kumain ng hapunan at agad namang nag pumilit si Julian na mag-huhugas ng plato. "Anak, pwede ka bang matulog kay ate mo? Dito na kasi matutulog si tiyo mo Julian," tanong ni Ren sa bunsong anak nito. Sumulyap ang bata kay Julian bago ito tumango at ngumiti sa tatay nito. "Matulog na kayo. Rana, dalhin mo na kapatid mo at matulog na," Pautos na sambit ni Ren. Ang dalawang magkapatid ay agad namang pumasok sa silid ni Rana na agad napangiti si Ren sa nakita nito. "Ano na ngayon ang plano mo?" tanong ni Ren na umupo sa salas kasama si Julian. "Hihintayin ko nalang sigurong mamatay ako rito. Siguro kung mangyari yon, makakabalik ako sa panahon natin. Imposible namang maghahanap ako ng mangkukulam para ibalik ako don," malungkot na wika ni Julian habang ang likod ng ulo nito ay nakasandal sa sandalan ng stipa. "Dito ka nalang tumira hangga't wala pang may nangyayari sayo, at dahil kaibigan kita, syempre libre na yung pagtitira mo dito." Isinara ni Julian ang mga mata nito at ipinatong ang dalawang paa nito sa maliit na lamesa at nagsimula matulog. "Doon ka sa kwarto ng anak ko matulog. Maraming lamok rito," saad ni Ren. "Ok na ako rito. Isa pa pagod na ako," mahinahong sambit ni Julian habang nakasara ang mga mata. "Oh sige, papasok na ako," ngumiti si Ren bago nito iniwan si Julian sa salas. Kinaumagahan ay maag pa silang gumising. "Jul, gising na aalis na kami ng mga bata may pasok pa kasi sila. Ako may negosyo ako syempre ayo kong malugi. Sige bilis na bangon na diyan," mahinahong ginising ni Ren ang kaibigan nito na nakanganga pa sa pagtulog. Huwag kang mag alala, ako nang bahala sa bahay mo." Nangangatok na sabi ni Julian. Napawala ng malalim na hininga si Ren bago ito tumango. "O sige, aalis na kami. Huwag kang pumunta sa labas baka mawala ka. May pagkain dyan sa lamesa kumain ka," utos ni Ren at dali daling dinampot ang susi ng sasakyan. "Oo naman," sagot ni Julian. Nang umalis si Ren kasama ng kanyang mga anak, napabukas si Julian ng mata at napabuntong hininga. Ngayon niya lang napagtanto na nasa hinaharap na panahon siya nadala ng hindi maintindihang dahilan. Napabangon bigla si Julian ng may marinig na musika galing sa kusina. Dahan dahan siyang naglakad patungong kusina at nakita ang isang bagay na umiilaw na dahilan na ito'y kumanta. "Diba ito yung weird na cellphone?" tanong ni Julian sa sarili. Dahan dahan niyang dinampot ang cellphone at hinawakan ng biglang namatay ang music. "May keyboard pa to noon eh." Sa sobrang libang ni Julian sa bagay, may napindot ito bigla at may nag umpisang gumalaw na parang mga langgam sa screen. May kulay green, yellow, blue at marami pang kulay ang naka ladlad sa screen ng cellphone. "Candy Crush?" Pagbasa ni Julian sa screen. Marami siyang napindot at ilang minuto pa ang nakalipas, makikita mo si Julian na masayang masaya habang may nilalaro sa cellphone. Hindi niya alam nakalagpas na siya ng agahan. Matapos ang ilang oras, biglang nakaramdam si Julian ng gutom ngunit ito ay kanyang binaniwala at ipinagpatuloy ang paglalaro ng Candy Crush. Natigil lamang si Julian nang may narinig na katok sa mayor na pinto. Padabog niyang nilapitan ang pinto at binilisan ang pagbukas. Isang dalaga ang bumungad sa kanya na may hawak na malaking mangkok. "Si Tito Ren po nandiyan ba?" tanong ng dalaga. "Wala siya rito at bakit mo naman siya hinahanap?" masungit na tanong ni Julian. Galit si Julian sa dalaga dahil inabala niya ito sa kanyang nilalaro at iyon ang dahilan kung bakit ang sungit niya. "Gusto ko lang sana ibigay tong nilagang baboy. Ipinapabigay ni papa kay tiyo Ren–" agad naputol ang dalaga ng biglang kinuha ni Julian ang mangkok at agad isinara ang pinto na ikinagulat ng dalaga. Sa loob ng bahay, agad namang dinala ni Julian ang pagkain sa kusina at ipinagpatuloy ang laro habang kumakain. Buong araw, parang yung cellphone pa ang binalingan niya ng atensyon kesa sa kanayang sarili. Hindi na nga siya nakapagligo, hindi rin siya nakapagumagahan. Pero syempre ito ay hindi pinansin ni Julian at nagpatuloy sa paglaro ng Candy Crush. Ilang oras rin ang nakalipas at nang dumating ang mag ama. Agad namang pumasok ang mga bata sa kwarto para bumihis at naiwan si Ren at Julian sa Salas. Nilapitan ni Ren ang kaibigan na nakahiga sa supa habang nanonood ng telebisyon. "Oh, kamusta ka buong araw. Anong ginawa mo?" tanong ni Ren at napabuntong hininga si Julian. "May nakita akong selpon sa kusina. Iyo ba yon? Ang ganda ng mga laro grabe, lalong lao na yung laro na may mga candies." Masayang sambit ni Julian. "Naiwan ko pala selpon ko? Hindi ko na malayan." Ibinigay ni Ren ang dala dalang plastik kay Julian na ipinagtaka ng kaibigan nito. "Ano yan?" tanong ni Julian habang tinuturo ang plastik. "Binilhan kita ng mga gamit mo pati narin mga damit. Since hindi pa natin alam kung anong dahilan bakit ka nandito ngayon kase nakapagtataka naman eh," wika ni Ren. "Salamat, tol. Ang bait mo talaga eh noh?" Nakangiting sambit ni Julian. "Makatawag na tol parang hindi ako matanda ah." Napatawa na lamang si Julian sa kaibigan nito. "Mag ka edad parin tayo pero iba nga lang yung oras." Tumingin si Julian sa plastik at sumulyap pabalik kay Ren. "Ren, gusto ko sanang magtrabaho kahit yung pinakamaliit lang basta may trabaho ako." "Julian, mahirap na ngayon maghanap nh trabaho dito sa maynila. Ang maimumungkahi ko lang sayo eh yung trabahong janitor. Gusto mo ba?" Tiningnan ni Julian si Ren ng maigi bago ito ngumiti. "Oo naman. Basta makatulong lang ako sa gastusin dito sa bahay mo," Sagot ni Julian. "Hay nako Julian, wag mong alalahanin yang mga gastusin. May malaking negosyo ako ng mga sasakyan kaya wag mo nang abalahin yung sarili mo. Ang importante, ay ma isalba mo yung sarili mo sa ka weirdohan ng panahon. Eh baka karma na nga to sa pagiging babaero mo noon eh," napairap si Julian sa sagot ni Ren. Tumayo ito at niyakap ang kaibigan. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon kung wala ka tol." Mahinahong saad ni Julian. "Napaka dramadong taong to. Kala mo wala kaming pinagsamahan noon ah." Bumuklas si Julian sa pagyakap at sinuntok ng mahina ang kaibigan nito. "Nagpapasalamat lang ako." Naputol bigla ang usapan ng dalawa ng lumabas ang dalawang anak ni Ren na nakabihis. "Saan kayo pupunta?" Tanong ni Ren sa mga anak. "Madilim na ah," dagdag nito. "Kila Ate Ashley po. Nag chat po na pumunta raw kami sa kanila at doon na raw maghahapunan." Pagpapaliwanag nang nakatatandang anak ni Ren. "Mag ingat kayo Rana. Batayan mo si Aira ha?" Pautos na saad ni Ren sa anak. "Opo," sagot ni Rana. "Sasamahan ko nalang sila. Siguro naman malapit lang yan diba. Para naman masanay na ako sa lugar na to." pahiwatig ni Julian na agad tumingin sa kay Ren. "Oo nga. At pakibantay nalang sa kanila Jul." Tumango si Julian at umalis na ang tatlo palabas ng bahay. Habang nag lalakad, napg isipan ni Julian na kausapin ang magkaptid. "So, ilang taon na kayo?" pagputol ni Julian sa makabibinging tamimik nga awra nila. "Twelve po ako," Sagot ng bunsong babae habang nakangiti. "Eh ikaw naman?" tanong ni Julian sabay turo sa nakatatandang anak. Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Ay masungit," pabulong na saad ni Julian sa sarili. Ilang minuto pa ay nagsalita ang dalaga at tinadtad si Julian ng mga tanong. "Bakit nandito ka sa bahay namin? Piniperahan mo ba si papa? Bakla ka ba?" Nagulat naman si Julian sa mga tanong ng dalaga. "Hoy dahan dahan ka ha. Hindi ako bakla at hindi ko piniperahan ang papa niyo. Isa pa kaibigan ko ang tatay niyo noong bata pa kami." pagdedepensiya ni Julian. "Paano kayo naging magkaibigan ni Papa eh ang layo ng edad niyo. Ano yon kaibigan mo na si papa nung sanggol ka pa lang?" Sarkastikong sagot ni Rana na agad siya tiningnan ni Julian ng masama. "Okay, hindi mo kasi naiintidihan. Maraming bagay na hindi mo alam." Huminga nga malalim si Julian dahil sa napipikon ito sa kay Rana. Hindi na nag salita si Rana at naglakad ng tahimik. Napairap si Julian sa dalaga at hinayaan na itong maglakad. Ilang lakad ay nakarating sila sa malaking bahay na ang disensyo ay malayong malayo sa mga nakita ni Julian. Napamangha ito sa bahay na hindi niya namalayan na pumasok na ang magkaptid sa loob ng puting bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD