Huminga naman ng malalim si Julian bago inayos ang buhok nito at lumabas. Pinisil pisil naman niya ang pisnge nya bago bahagyang pumasok ng kusina at nakitang tinitikman ni Ashley ang luto nito. Tumingin naman si Ashley sa kanya at iwinagayway ang sandok. Lumapit naman si Julian at ibinaling ang atensyon sa kumukulong niluluto. “Ang sarap naman ng timpla mo," pagpuri ni Ashley sabay takip ng kaldero. Bumulong naman si Julian ng maikling salamat bago umupo palayo kay Ashley. Kumurot naman ang noo ni Ashley habang nakatingin kay Julian. Tumayo si Ashley at lalapitan sana ang binata ng tumayo ito agad at lumayo sa kanya. “Hoy bakit?!” bulas ni Ashley. “Bakit ano?" tanong naman ni Julian. “Bakla ka ba. Bat ayaw mo akong lumapit sayo?" “Hindi ako bakla. Ayaw ko lang lumapit ka kasi amoy

