As usual, tatlong oras rin silang bumiyahe pauwi ng maynila. Hinatid rin isa isa ni Julian sila Clyde at si Grace sa kanikanilang mga bahay na kasunod ay si Ashley na misteryosong naging tahimik ng nakapasok na sila ng manila. Tahimik silang bumaba ng sasakyan ng makarating sila sa bahay ni Ashley. Napansin rin ni Julian na tulalang nakatingin si Ashley sa susi sa gate ng bahay nya. “Ah Ash, kailangan mo ba ng tulong ko?” Sinubukan ni Julian na tanggalin sya sa pagiging tulala pero nakita niyang napakagat si Ashley ng labi at huminga ng malalim. “I'm okay, Julian." “Tulala ka kasi," binigay naman ni Julian kay Ashley ang susi ng kanyang sasakyan, “Uwi na ako. Kung may kailangan ka sa sasakyan mo, tawagin mo lang ako. May nararamdaman kasi ako sa makina mo." Tumango naman si Ashley a

