Pumayag ako sa inaalok ni Ginoong Lakan na makipagtulungan sa kanila. At ang gagawin namin ay hanapin si Yuna Avia, na isa raw Shaman. Kaibigan din siya ng aking mga magulang at sinasabing malaki raw ang maitutulong niya sa akin. Ngunit hindi madali ang gagawin naming paghahanap sa kanya. Labintatlong taon na siyang nawawala, mula nang ang mga Bathalang Sandata ang mamuno sa buong kalupaan. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya. Ngunit kumbinsido si Ginoong Lakan na bihag ito ng Diyos ng Kamatayan at maaaring pinangangalagaan ng isa sa mga Bathalang Sandata. Kaya ang tanging paraan upang mabawi siya ay mapatumba namin ang isa sa mga Bathalang Sandata. "Ngunit paano kung patay na siya?" Hindi ko maiwasang itanong dahil kay tagal niya na pa lang hindi nakikita. "Kung totoong pin

