Bumagsak ang dalawang Pantas at nagsisigaw ako sa tuwa. Alam ko kasing di hamak na mas malakas na ngayon si Coren kumpara sa dati kaya natitiyak kong kaya niyang gapiin ang dalawa. Buti na lang at naalala ko pa siya. Bilang sa'kin kasi sila inalay, ako lang ang tanging may kakayahan na tawagin sila mula sa kamatayan pagkatapos silang ialay. Nagawa ko na rin ito kina Divan at Prinsesa Lenora. (Si Divan doon sa Torre de Fuego samantalang doon sa Arkhanta palang ay natawag ko na ang prinsesa ngunit dahil sa taglay niyang kapangyarihan ay dito siya napadpad sa Agua Sagrada.) Biglang lumindol sa loob ng Agua Sagrada at nagsimula nang magbagsakan ulit ang mga tipak ng yelo mula sa taas. Nakita kong hindi tinitigilan ni Coren ng atake ang mga Pantas kaya tuwang-tuwa ako habang nanonood sa kanil

