۞۞۞ Yumayanig na naman ang palasyo at nagbabagsakan na ang mga salamin nito mula sa taas. Tila may kung anong umaatake rito mula sa labas kaya napilitan akong iwan muna si Yohan. Pinahiga ko siya sa gitna ng bulwagan kung saan ligtas siya mula sa nagbabagsakang mga bubog at tipak ng bato. Saka ako tumakbo palabas ng palasyo. Sa labas ay kahindik-hindik ang aking nasaksihan. Maraming malalakas na pagsabog ang nagaganap. May mga sigawan ng mga natatakot na mamamayan ang maririnig at makapal na usok ang makikita sa madilim ng kalangitan. Sinisilaban ang buong lugar! Natanaw ko ang tatlong nilalang na tiyak na may kagagawan nitong kaguluhan. Buhat-buhat pa rin ng isa si Aravella habang yung dalawa naman ay mukhang may inihahagis na kung ano sa paligid tapos biglang sasabog. Agad ko silang

