"Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Crispin Juicy Chicken Joy pagkasakay ko sa Tutubi. Kahit takip-silim na'y umalis pa rin kami ng Arkhanta sakay ang sasakyang panghimpapawid na mula sa aking ama. "Magtutungo tayo sa Emeron," sagot ko. Nais ko kasing kausapin si Coren nang masinsinan. Hindi ko na isinama sina Divan at Prinsesa Lenora dahil matatagalan pa kami kung isasama ko pa ang dalawa. Hindi naman kami nagtagal sa biyahe. Itinulog ko lang kasi ang buong biyahe lalo pa at kailangan kong maidlip nang pakonti-konti upang makabawi ng aking lakas. Sa totoo lang kasi ay iniinda ko pa rin ang sakit ng katawan ko na tinamo ko mula sa mga sugat ko doon sa naging bakbakan namin sa Agua Sagrada. Ngayon lang din kasi ako nakaramdam nang ganitong sakit sa tanang kagwapuhan ko. "Master, narito na

