Chapter 84. Sugat

3138 Words

◎◎◎ Nangyari na ang bagay na matagal ko nang hinihintay na maganap. Naialay na ang apat na Alay, na sa tulong ni Serafina ay nagawa kong gawin. Akala ko ay matatagalan pa bago ito maganap dahil ako mismo ay hinadlangan na itong mangyari isang beses. Noong unang makaharap ni Yohan si Aldion, ginawa ko ang lahat upang hindi maramdaman ni Yohan na nasa harapan na niya ang isa sa mga Alay, dahil ayoko pang maglaho si Yohan. Sa isang banda ay gusto ko pa siyang manatili dahil hindi pa sila nagkakaayos ni Aravella at alam ko talagang hindi pa iyon ang tamang oras. Ngunit oo, noong una ay iba ang aking dahilan kung bakit ko nais na bumalik sa aking katawan. Nais ko lamang noon na makabalik kay Aravella. Gusto ko lamang noon na makagawa ng paraan upang hindi kami magkahiwalay, dahil lubos ang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD