Chapter 85. Dugo

3413 Words

◎◎◎ Hindi ko akalaing mahihirapan akong makatakas mula sa mga gintong kadena na nilagay sa'kin ng batang Emperador. Medyo nakakahiya ito para sa isang tulad kong isang Alkemista lalo pa't isang Pantas lamang ang Emperador na mas mababa ang katayuan sa akin. "Lapastangan ka kung sino ka mang gumagawa nito sa'kin!" Sigaw naman ni Aldion sa kawalan dahil hindi pa rin siya makakilos dahil kay Argon. "Kapag makawala ako rito, ikaw ang uunahin kong utasan ng hininga!" Ako naman, sinubukan kong gamitin ulit ang aking Armageddon, ngunit itinigil ko rin iyon agad dahil nasaktan ko si Aldion nang tumama ito sa kanya. "Ano na ang gagawin natin?" Usisa sa'kin ni Aldion. "Teka, mag-iisip ako..." sagot ko naman. Hindi ko akalaing kahit ang sinamo kong Sandata ay walang magagawa laban sa isang hamak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD