۞۞۞ Kung totoong paparating sa'min sina Alfiona, tiyak na mapapasabak na naman kami sa isang madugong labanan. At tila dehado kami ngayon. "Kailangan may gawin tayo!" Panghihimok ni Jin. "Hindi pwedeng tumunganga na lang tayo rito!" Tumango ako. "Kung ganun, humanda kayo. Sakali 'mang makaharap natin sila, kailangan handa tayo---" "Ngunit Coren," putol sa'kin ni Prinsesa Lenora na nag-aalala. "Kagagaling pa lamang natin sa isang labanan! Hindi natin kakayanin kung makikipaglaban na naman tayo! Alalahanin niyo kung ano'ng nangyari noong unang beses natin silang nakaharap! At kasama pa natin nun si Yohan!" May punto ang prinsesa. "Tama ka ngunit ano'ng gagawin natin? Magtatago ba tayo?" Si Alexar ang sumagot dun. "Huli na, Cerulea. Papalapit na sila. Nararamdaman ko na sila." Napating

