Walang kapantay ang naramdaman kong tuwa nang maramdaman kong nakabalik na ako. Pagdilat ko ng aking mga mata, alam kong ako na ulit ang nasa katawan kong ito at hindi na ang letsugas na si Alexar. Nyahahaha! Sa wakas! Ako'y nagbalik! Agad akong tumayo dahil namalayan kong nakahiga pala ako sa lupa na nababalutan ng mga tuyong dahon ng kawayan. Nakita ko sa tabi ko si Prinsesa Lenora na nakaabang sa akin, na bakas ang pag-aalala sa mukha. Nagulat din siya sa aking pagtayo. "Alexar...a-ayos ka lang?" Ako naman ang nagulat nang tinawag niya akong Alexar. Napahawak tuloy ako sa mukha ko. "Prinsesa...may salamin ka ba?" "H-Ha?" "Wala ka bang dalang salamin?" "Wala..." aniyang hindi sigurado ang gagawin. "Teka...ano'ng nangyayari?" "Prinsesa! Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'to! Si Yohan

