"Tulungan mo ako, Yohan!" Yun ang sigaw ng babaeng Centurion na sinasakal ngayon ni Xyron. Natigilan ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko kanina. Takte, kilala niya ako. At...at 'yung paraan nang pagbigkas niya ng pangalan ko... Iisa lang naman ang tumatawag sa'kin nang ganun... "Ikaw ba talaga si Aravella?" Tanong ko. Kailangan ko kasing makasiguro eh. "H-Hindi k-ko...alam...." sagot niya na nagpupumiglas laban kay Xyron. "Hindi ko maalala..." Pinagmasdan ko siyang maigi. Ibang-iba ang anyo niya mula sa kilala kong anyo ni Aravella. Mula sa katawan, mukha, hanggang sa kasuotan, ibang-iba ang nilalang na ito kay Aravella. Si Aravella ay may natatanging yumi at ganda na nakakahalina, ngunit ang isang ito ay may wangis na matigas---'yung tipong mukhang matapang at maangas. Gan

