Chapter 82. Alamat

3176 Words

Nakita kong unti-unting bumukas ang tarangkahan ng barko ng mga Pantas. Umuusok pa sa paligid ng barko na animo'y biglang lumamig ang buong paligid. Pero dahil nasa gitna kami ng gubat ay nagmukha iyong makapal na hamog. "Ayan na sila!" Sabi ni Mamba na hindi maitago ang pagkasabik sa kanyang mukha. "Dumating nga sila!" "Sinabi ko naman sa inyo," tugon ni Yu sa mga kasamahan niya, "na si Yohan Caleb lamang ay sapat na." "Oo naman!" Hirit ko din, ngunit kinakabahan na rin ako sa pagsulpot ng barko nina Xyron Turon. "Talaga namang ako lang ay sapat na!" "Siraulo ka ba, Yohan?" Singhal naman sa'kin ni Aldion. "Nagagawa mo pang mang-asar sa gitna ng panganib na ito?" "Bakit, may iba pa ba akong magagawa?" Tumawa nang malakas doon si Mamba. "Tama ka, Yohan Caleb! Wala ka ng ibang magagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD