♤♤♤ Bata pa lang ako, sinasabi na ng mga magulang ko na espesyal ako. Isinilang kasi ako noong araw ng pagwawakas ng pamumuno ng sinasabi nilang Diyos ng Kamatayan. Isinilang din akong may kakaibang balat sa aking braso na hugis punyal, na hindi pangkaraniwan sa amin. Mabilis rin sa pangkaraniwan ang aking paglaki at pagkaroon ng isip, at kahit sampung taon pa lamang ako ay mukha na akong binata. Hindi rin ako kumikilos na parang bata. Ang paliwanag ni Ina, baka raw dahil ito sa kalahati akong Cannivalientes, ngunit marami ang nagsasabing dahil raw ito sa pagiging kawangis ko sa Dakilang Bayani. At ang pinakaespesyal raw sa akin, ay kamukha ko ang Dakilang Bayani, ang maalamat na si Yohan Caleb. Siya ang tumapos sa Diyos ng Kamatayan katuwang ang kanyang anak na si Emperador Rowan. Da

