♤ ♤ ♤ Kumalat na ang mga Lacrimium na mula sa Emperador sa sahig. Gumulong pa nga ang iba patungo sa'min. "Ano na ang gagawin natin? Talaga bang papatayin natin ang Emperador?" May pag-aalangan sa tono ko dahil nakaramdam ako ng awa sa emperador. "Naglaho na ang kanyang mga Sandata," sagot ni Yuan na lumapit na sa Emperador. "At makakakuha na rin tayo ngayon ng dugo niya. Magmadali ka, puntahan mo na ang Centurion." "Sige," sagot ko at lumabas na ako ng silid. Hindi na ako mapakali dahil kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko sa nangyayari pero kailangan ko rin itong gawin. Pagdating ko sa silid ng Centurion, naabutan ko siyang umiiyak. "Ano ang ginawa niyo sa anak ko? Ano? Sabihin mo!" Sumisigaw na siya sa akin at hindi na ako makatingin sa kanya. Lumapit ako kahit na alam kong maa

