Hindi ko akalaing darating ang araw na ako mismo ang susuko sa kagustuhan ni Xyron. Na sa kabila nang pag-iwas, pagtakas, at pagkalaban ko sa kanya at sa kanyang ama ay dito rin pala babagsak ang lahat. Nagmukha akong katawa-tawa, alam ko. Ngunit iisipin ko pa ba yun ngayon? Ikinagulat ni Xyron ang aking desisyon. Ayaw niya pang maniwala, kaya hinarap niya ako agad pagkasabi ko nun. "Yohan, gising ka na!" Sigaw ni Yuna sa tuwa sa likod ko. "Wag kang papayag Yohan! Alam mong may iba pa siyang layunin sa pagbuhay niya sa Diyos ng Kamatayan!" Tumango ako kay Yuna, na napansin kong nakagapos sa pader, sa pamamagitan ng mga gintong kadena. Nilibot ng aking paningin ang silid kung nasaan kami, at pamilyar ito sa akin. Hindi bilang si Yohan, kundi bilang si Alexar. Ito ang Silid ng Kamatayan,

