Naguluhan ako dun sa tinuran ni Divan. Sa pagkakaalala ko kasi, kakampi nila si Berde, 'yung batang lalaking mukhang Bulaklak. At ngayon kapanalig na siya ng Emperador? "Hindi ko alam kung dati na ba siyang kakampi ng mga Pantas o kung may ginawa sila sa bata, pero inatake niya kami at sabi pa ni Emperador Xyron, si Berde daw ay inatasan niyang humuli sa'yo, Alexar!" Naiintindihan ko na. Pinilit kong tumayo at kahit papano ay naghihilom ang aking mga sugat, at ang aking mga baling buto. Hindi nga lang kasing bilis ng paghilom ng katawan ni Yohan. Kung totoo ang sinabi ni Yohan noon na si Aravella ang nagpapabilis ng paggaling ng kanyang mga sugat, siguro'y hindi na ako dapat umasang bibilis pa ang paggaling ko ngayon. "Kung ganun ay tayo na, habang sinusupil pa nila ang aming apoy!" Sab

