Ang pagkikitang muli
Halos kapitan ko na lahat ng pwede kong kapitan para lang hindi kami mapunta sa banda nila ni Harvey. Alam ko kasi ang kayang gawin ng kaibigan ko. At paniguradong mapapahiya talaga ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi naman kami tuluyang pumunta doon. Pero isang lingon lang ni Harvey ay paniguradong makikita na ako. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Inaya akong sumayaw ni Eloise pero halos hindi na ako gumalaw at gusto nalang magtago sa kanya. Pero dahil maliit siya ay lumalabas pa rin talaga ang ulo ko. May lumapit na dalawang lalaki sa amin. Eloise winked at me and glanced at tother man. Pumunta naman sa harap ko ang isang lalaki. Nagsimula na silang sumayaw ni Eloise at halos maghalikan na. The guy in front of me offered me a drink. Tinanggap ko naman ito at ngumiti sa kanya. Mabuti naman at medyo natatakpan na ako. Sumayaw kaming dalawa, I put my arms around his neck.
“What's your name?” medyo gwapo naman ang lalaking 'to. Matangkad pero mas matangkad pa rin sa kanya si Harvey. Malaki rin ang katawan pero mas malaki ang katawan ni Harvey sa kanya.
“I'm Florence, how about you?”
“I am John,” he put his hands around my waist. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Sumayaw kami nang sumayaw at hindi ko namalayang nagkapalit ang pwesto naming dalawa. Ang likod ko ay nakaharap na sa banda nila ni Harvey. Mas lalo akong dumikit sa lalaki para takpan ang mukha ko. Hindi naman umangal ang lalaki at mas hinigpitan ang hawak sa bewang ko. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at nilingon ko ang direksyon nila na labas kong pinagsisihan. Kaagad na nagtugma ang mga titig naming dalawa. For sure nakilala na niya ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at agad na nagpaalam na lalaki na pupunta ako ng cr. Mabilis ang paglalakad ko hanggang makarating ako sa loob ng comfort room. Pumasok ako sa isang cubicle at umihi doon. Naramdaman kong bumukas ang pintuan at may pumasok. Binalewala ko lang iyon at nagpatuloy sa pag-ihi. Nang palabas na sana ako nang may malaking katawan na humarang sa harapan ko. Pag tingala ko ay sumalubong sa akin ang galit na galit na tingin ni Harvey. s*******n niya akong pinasok sa loob at kahit anong palag ko ay wala akong magawa.
“Harvey!” sigaw ko sa kanya nang malock niya ang pintuan. He pinned me on the wall. Nasa taas ko ang dalawang kamay ko at mahigpit niyang hinahawakan.
“Why did you leave me?” nagsusumigaw ng galit ang kanyang mga mata. Bigla akong natakot at hindi makapagsalita sa itsura niya ngayon. Pero pinilit ko pa ring magsalita at labanan ang mga tingin niya.
“Ginawa ko lang ang dapat kong gawin, Harvey. Hindi mo na kailangang paalisin ako du'n dahil kusa na akong umalis. Hindi ba dapat nagpapasalamat ka pa sa akin?” mas lalo siyang nagalit sa narinig ko.
“What the hell are you talking about? Umalis lang ako para uminom kasama ang mga kaibigan ko. Tapos pag-uwi ko wala ka na doon.” nagtatakang paliwanag niya sa akin.
“Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa, Harvey. Alam ko namang flavor of the day mo lang ako. Makakakita ka pa ng mas magaling sa akin. Tsaka, nakuha mo na naman ako. Kaya ano pa ang kailangan mo sa akin?”
“Hindi ako tulad ng iba na paiba-iba ng babae. This is also my first time offering someone to be my f**k buddy.” hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. First time having a f**k buddy? What a lie!
“Ikaw lang rin ang babaeng unang dinala ko sa condo ko. Let's fix this, hmm? Come home to me.” mariin niya akong tinitigan. Mga ilang segundo pa kaming naglabanan ng titig. Wala gustong magpatalo. Namumungay na ang mga mata niya.
“I am so mad right now. Gustong-gusto kong durugin ang pagmumukha ng lalaking kasayaw mo kanina.” bumilis ang t***k ng puso ko sa mga sinabi niya. Is he f*****g jealous?
“Florence!” napaigtad ako nang may padabog na bumukas ng pinto ng cr at sumigaw. Alam kong ang lasing kong kaibigan 'yan. Parang mas malakas pa ang boses sa music sa bar.
“Asan na ba ang babaeng 'yon, ang tagal namang umihi mukhang nilamon na ng kubeta. I signaled Harvey to keep quiet. Aasarin lang ako lalo nun kapag nakita niya na nasa iisang cubicle kami ni Harvey.
“Florence!” halos sapakin ko si Harvey nang buksan niya ang pintuan at hinila ako.
“Ay, si poging doctor pala 'to! Hindi ko na pala hinahanap ang kaibigan ko. Bumalik na ulit kayo doon sa loob. Continue what you are doing! Isipin n'yo nalang na hangin lang ako dito.” namumungay na ang kanyang mga mata at mukhang lasing na lasing na.
“Eloise! Tumigil ka nga!” sigaw ko sa kanya at hinawakan siya sa braso. Baka kung ano-ano na ang lumabas sa bibig ng babaeng 'to. Mapapahiya ako nito lalo kay Harvey.
“Tama nga ang sinabi ng kaibigan ko na gwapo ka! Ibabalik ko na sa 'yo ang kaibigan ko. Dalhin mo na rin pauwi mamaya. Alam ko namang gustong-gusto rin niyang sumama sa 'yo. Malandi rin 'yan, eh. Pero sa kama mo lang saktan, ha? 'Pag sinaktan mo talaga ang puso niyan ako talaga ang makakalaban mo! Kahit dream work place ko 'yang hospital mo makakatikim ka pa rin ng sapak sa akin. Naiintindahan mo, Doc?” dinuro-duro niya pa si Harvey at pinakita ang kamoa niya. Sobrang liit pa niya at paniguradong isang hawi lang ni Harvey sa kanya ay matutumba na siya. Sobrang tapang akala mo naman malaki siya.
“'Wag mong pansinin ang sinasabi niya, ganyan lang talaga 'to pag lasing!” kinakabahang paliwanag ko. Sumilay naman ang ngisi sa kanyang mga labi.
“Anong lasing? Hindi ako malalasing ng ganoon kadali, Florence! Totoo 'yong sinasabi ko, Doc. Sabi niya sa 'kin, sobrang gwapo mo raw, tapos sobrang laki raw ng ano mo, katawan mo. Mag-aapply din kami sa hospital mo, Doc! Alam mo ba muntikan ng marape ng isang doctor 'yang si Florence doon sa dating pinagtatrabahuan namin. Pero siya pa talaga ang pinaalis sa trabaho. Akala mo naman maganda ang hospital nila. At pangit din nun, Doc! Mukhang unggoy na ewan ang pagmumukha.” dumilim ang tingin ni Harvey sa mga narinig at tila hindi ito nagustuhan. Gustong-gusto ko na talagang takpan ang bibig ng isang 'to! Ang daming lumalabas sa bibig.
“Lumabas na tayo,” aya ko sa kanilang dalawa para hindi na makapagsalita pa ang kaibigan ko. Hinila ko ito at naunang maglakad, nakasunod lang si Harvey sa aming dalawa. Kinukurot ko na ang ang bewang ni Eloise dahil sumisigaw na ito at sumasayaw. Grabe talaga ang trip ng isang 'to!
“Ang gwapo niya talaga! Sobrang swerte mo du'n! Akitin mo ulit, baka gusto ka ulit itira sa condo. Gora na, 'wag mong hayaang makawala 'yan sa 'yo!” tinulak niya ako kay Harvey at buti nalang ay nasalo ako kung hindi mababali talaga ang likod ko sa semento. Letche talaga 'tong si Eloise! Parang hindi kaibigan!
“D'yan na muna 'yan sa 'yo! Magsasaya na muna ako,” paalam niya sa amin at nakihalo na sa maraming tao. Namataan kong papunta na sa akin ang lalaking kasayaw ko kanina. Pero napatigil ito nang ilagay ni Harvey ang kamay niya sa bewang ko. Parang sinasabing sa kanya ako. Umatras ang lalaki at tumalikod. Mukhang natakot yata kay Harvey.
Hinila ako ni Harvey papunta sa kinauupuan niya kanina. Andoon pa rin ang mga kaibigan niya kasama ang tatlong babae, napatigil ito sa paghahalikan nang makita kaming dalawa. Amaze na amaze silang tumingin sa aming dalawa. Lalong-lalo na sa kamay ni Harvey na nasa bewang ko.
“Woah, namamalikmata ba ako?” sabi ng lalaking medyo maraming hikaw.
“Akala ko ba magbabanyo kalang?” tanong naman ng lalaking sobrang puti.
“That's our man there!” sabi ng lalaking kulay pula ang buhok.
“This is Florence, and they are friends,” tamad niyang sabi at pinaupo ako. Umupo rin siya sa tabi ko at kaagad na umakbay sa akin. Habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa hita ko. Tila binabakuran ako.
“Grabe bakod na bakod, p're, ah?” ngumisi ang lalaking may kulay pula na buhok. Tinaasan lang siya ng kilay ni Harvey at hindi sinagot. Bagkus ay bumaling sa akin si Harvey at tinanong ako.
“Anong oras kayo uuwi? Ihahatid ko na kayo ng kaibigan mo.” sakto at hindi kami nagdala ng sasakyan ni Eloise. Ayaw na ayaw kasi naming nagdadrive kapag lasing kami. Bahala nang maglakad kaming umuwi. Tumingin ako sa wrist watch ko. Its already 1 am.
“Hindi ko pa alam, baka mamaya pa, hihintayin ko muna si Eloise.” tumango siya sa sinabi ko at kumuha ng isang basong alak. Straight niya itong ininom at wala man lang akong nakitang pait na reaksyon sa kanyang mukha.
Nakaupo lang kaming dalawa du'n, minsan ay nag-uusap. Hinihintay nalang naming mapagid si Eloise at pumunta sa amin para mag-ayang umuwi. Ang mga kaibigan naman niya ay nauna ng umuwi dala ang mga babae nito. Nakasandal na siya balikat ko at paminsan-minsan ay dumadampi ang mga labi sa leeg ko.
“Uwi na tayo!” humilata si Eloise sa upuan kaya kaagad akong napatayo para puntahan siya.
“Tumayo ka na d'yan at uuwi na tayo!” sigaw ko sa kanya at hinila siya patayo. Dahil maliit lang siya ay kayang-kaya ko siyang hilahin. Inakbay ko sa balikat ko ang isang kamay niya. Umalalay din sa kabila si Harvey.
Pagkalabas namin ay pinaupo ko muna siya dahil kinuha pa ni Harvey ang sasakyan niya. Nang pumarada na ang sasakyan niya sa harap ko ay itinayo ko muli si Eloise. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan niya at tinulungan ako. Nilagay namin siya sa backseat at nilagyan ng seatbelt.
“Gusto ko pa ng alak, Florence! Balik tayo doon! Gusto ko pang sumayaw nang sumayaw doon!” hindi ko siya pinansin. Pinagbuksan niya ako at pumasok kaagad ako sa loob.
“Uuwi na ba talaga tayo? Ang daya n'yo naman! Dapat may kasama rin akong umuwi! Babalik ako du'n, dadalhin ko pauwi si Ryan! Talo naman ako dito. Paniguradong madidiligan mamaya si Florence! How about me naman? Ang tagal ko ng walang dilig! Gusto ko ng madiligan!” halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nakakahiya na talaga ang lumalabas sa bibig ng isang 'to! Kung pwede ko lang takpan ng scatch tape 'to ay kanina ko pa ginawa. Nahihiya akong tumingin kay Harvey.
“Pasensya kana, ah? Ganyan talaga 'yan 'pag lasing. 'Wag mo nalang pansinin.” he smiled ànd nodded at me.
Laking pasalamat ko nang sa wakas ay tumahimik na si Eloise. Mabuti naman at payapa kaming babyahe. Pagod na pagod na rin siguro ito dahil sa pinaggagawa niya kanina. Baka kung gising ito ay kung ano-ano na naman ang sasabihin kay Harvey.
“Address?” sinabi ko sa kanya ang address ni Eloise.
“Matulog ka muna, gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo.” tumango ako sa sinabi niya at pinikit ang mga mata ko. Mabilis lang din akong nakatulog dahil sa pagod.
“We are here,” mahinang tinapik ni Harvey ang balikat ko para magising ako. Nagmulat ako at sumalubong sa akin ang magandang mga mata niya. Napaayos ako ng upo at hinawakan ang labi ko, baka kasi may laway ako. Good thing wala naman.
Nag doorbell ako sa bahay nila at tinawag ang driver nila. Kinuha nila si Eloise at sinabi kong ilagay sa kwarto niya. Hindi ko na inaya pa si Harvey na pumasok sa loob dahil hindi ko naman bahay 'to. Kahit nakakahiya.
“Ano. . . bahay kasi ni Eloise 'to.” nahihiyang sabi ko sa kanya.
“Its okay, aalis na rin ako. I will just text you if nasa condo na ako.” tumango ako sa kanya.