Leaving

2000 Words
Leaving “Baka hindi rin ako makauwi mamaya, pero itatry ko talagang umuwi. Just call me if you need something, okay?” I nodded and he kissed my forehead before leaving. Naiwan akong mag-isa sa kwarto niya. Mga alas otso na ng gabi siya umalis kanina. Pero alas dies na ay hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako pa iba-iba ng higa pero hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin ako. Hindi ko maiwasang isipin siya. Nasa bar sila ngayon ng mga kaibigan niya. Ang kinakatakot ko ay baka may makita siyang ibang babae doon. Paniguradong papaalisin na niya ako sa condo niya. Hinanda ko na naman ang sarili ko para dito. Dahil hindi ako makatulog ay inayos ko ang mga gamit ko. Nasa loob na ito ng closet niya at siya mismo ang naglagay doon. Kinuha ko iyon at binalik sa bag na dala ko. Para kapag sinabi niyang aalis ako ay kukunin ko nalang ito. Pagkatapos kong ayusin 'yon ay lumabas ako at pumunta sa kusina para uminom ng gatas. Baka sakaling makatulong para makatulog ako. I received a text from Eloise. “Nasa Pinas na ang pinakamaganda mong kaibigan,” what a right timing. Doon muna ako makikitulog sa kanila. Inubos ko ang gatas ko at nag-ayos ng sarili. It was already 11 pm. I texted Eloise that I will go in her place. Kaagad naman siyang pumayag at dadaanan nalang daw ako. Pero sinabi ko sa kanyang wala ako sa bahay ngayon kaya labis ang pagkataka niya. Sinabi ko nalang na kapag nagkita ko nalang ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Sinabi ko sa kanya ang address ng condo ni Harvey. Nakasuot ako ng jacket dahil malamig na sa labas. Bitbit ang dalawang bag ay nilisan ko ang condo ni Harvey. Wala na akong pakialam kung sabihin niyang wala akong respeto at hindi man lang nagpaalam sa kanya. Parang ang sakit kasi kapag siya mismo ang nagpaalis sa akin dito. Kaya dapat kusa nalang akong aalis para hindi naman medyo masakit sa part ko. Chineck ko talaga lahat na dapat walang bakas akong iniwan doon. Mahirap na at baka magtaka ang sunod niyang babae kapag may nakitang gamit na pambabae doon. Baka ako pa ang dahilan na mawalan siya ng babae. Inayos ko rin ang higaan niya. I waited for Eloise to arrive for thirty minutes. Nasa lobby lang ako naghintay sa kanya. When she texted me na nasa parking lot na siya ay doon palang ako lumabas. Nasa labas na siya ng kanyang sasakyan at naghihintay sa akin. Nang makita ako ay kaagad na umalingawngaw ang boses niya sa buong parti ng parking lot. Para talagang laging may dalang microphone 'to. Sobrang lakas ng boses. At hindi man lang nahiya na anong oras na at sumisigaw pa siya ng ganyan. “Florence! I missed you!” she opened her arms to hug me. Kaagad naman akong yumakap sa kanya. Nakakamiss rin pala 'tong kaibigan ko. “Pumasok ka na at alam kong marami kang dapat na ipaliwanag sa akin.” nilagay ko ang dalawang bag ko sa likod ng sasakyan niya at pumasok ako sa passenger seat. I fastened my seatbelt. “So, 'yon na nga hindi na muna kita kukumustahin at gusto ko ng malaman kung bakit ka nasa mamahaling condo na 'yan. Ipaliwanag mo agad sa akin kasi atat na atat na akong malaman lahat. Ilang linggo lang akong nawala at ito kaagad ang bubungad sa akin! Sobrang na shock ako!” mahabang litanya niya sa akin. Mabilis niya iyong sinabi pero parang hindi man lang siya naubusan ng hininga. Pinaliwanag ko muna na natanggal ako sa trabaho at inis na inis siya nang malaman ang dahilan. “At bakit ikaw pa tinanggal nila, eh, hindi naman ikaw ang may kasalanan? Ang unfair naman ng hospital na 'yon! Magreresign ako du'n at ang pangit naman pala ng ugali ng lalaking 'yon. Napakamanyak! Akala mo naman gwapo! Mukhang namang unggoy sa dami ng kanyang balahibo, pwe!” hindi ko talaga alam kung paano ko natagalan ang isang 'to. Sobrang naiinis talaga ako sa mga maingay na tao. Pero kapag siya ay okay lang. Natatawa nalang ako palagi sa kaibgayan niya. Sunod ko namang sinabi ang nangyari sa amin ni Harvey. “Gaga ka! Bumukaka ka kaagad du'n? 'Di ba sinabi ko iyong masarap talaga? Proud ako sa iyo, Florence. Okay na kahit tumanda kang dalaga dahil nakatikim ka na. Dati takot na takot pa akong baka tumanda kang dalaga ng hindi man lang nakakatikim ng ganoon. Pero gwapo ba talaga? Sana pinakita mo muna sa akin! Ang daya naman nito!” kung hindi siguro 'to nagdadrive ay kanina pa ako hinampas ng babaeng 'to. “Hindi mo na 'yon makikita kasi baka hindi na magkrus ang landas naming dalawa.” kaagad siyang hindi sumang-ayon sa sinabi ko. “No, no, no! Dapat magkita kayong dalawa! Minsan kalang mag compliment ng isang gwapo! Kapag tinatanong kita kung gwapo ang palagi sagot mo lang ay 'okay naman' kaya mas lalo akong na curious sa lalaking 'yan!” ano kayang magiging reaksiyon nito kapag nalaman niya kung gaano kayaman si Harvey. “'Di ba sabi mo Doctor siya? Inalam mo ba kung saan natatrabaho? Para naman makapunta tayo doon. Magpa appointment tayo kahit wala tayong sakit!” nang sinabi ko sa kanyang iyon ang may-ari ng malaking hospital dito sa lugar namin ay mabilis niyang tumapak sa break. Buti nalang at naka seatbelt kaming dalawa dahil kung hindi ay baka nauntog na ang ulo namin. “Seryoso ka ba? Hindi ka nagjojoke? Sobrang swerte mo naman pala kung ganoon! Worth it pala ang taong nakakuha ng ano mo! Bukambibig 'yan ng mga babaeng nakakasama ko sa bar! Sobrang hirap daw akitin 'yan. Napakaganda naman pala ng kaibigan ko at nakuha kaagad sa pasayaw-sayaw lang. Pinatira pa sa condo! Haba ng hair naman ng friend ko!” halos sapakin ko na siya sa mga sinasabi niya. Grabe talaga mang-asar 'to! Kung hindi ka sanay ay talagang maiiyak ka sa mga sinasabi niya minsan. “Kailangan nating magpa appointment du'n! Dapat magkita kayong dalawa! Asawahin mo na, beh! Hindi ko naman akalain na nag offer pa talagang maging f**k buddy mo! Tamang desisyon na hindi ka tumanggi!” huli kong sinabi sa kanya ang ginawa ng parent's ko sa akin. Galit na galit siya at kung nasa harap namin ang mga magulang ko ay paniguradong kanina pa niya sinapak. “Hindi ko alam kung bakit masaya ako na pinaalis ka nila! Basta masaya ako na nakaalis ka na sa puder nila. Malaya mo na gawin lahat ng gusto mo at hindi mo kailangang iset aside ang sarili mo. Alam kong matagal mo ng gustong umalis sa bahay na 'yon. At dapat 'wag na 'wag ka na talagang bumalik doon! Doon ka bumalik sa doctor mo! Iyon lang ang worth it na balikan! Malaki ba?” napa face palmed ako sa panghuling sinabi niya. Kahit kailan talaga hindi nito kayang magseryoso. Laging tumatawa sa kanya ang mga pasyente namin dahil sobrang daldal niya at ang daming baong jokes. Lalo na sa mga matatanda bentang-benta lahat ng jokes niya du'n. Sobrang gaan ng atmosphere kapag and'yan siya. Parang hindi mo makikitang nakasimangot ang babaeng ito. Kahit may regla nga ay hindi man lang naiinis. Ako nga kapag may regla ay parang hindi mo na ako makakausap. Nang makarating kami sa bahay nila ay sinabi niyang wala pa daw ang parents niya doon. At susunod na linggo pa raw ang balik. Sinabi rin daw nito na doon muna ako sa kanila para may kasama ang anak nila. Ang bait talaga ng parents niya sa akin. Simula nung mga bata pa kami ay tinuring na talaga nila akong parang isang anak. And I am very thankful for that. Pumasok kami sa kwarto niya at nilapag ko kaagad ang mga bag na dala ko. Humilata kaagad kaming dalawa dahil sa pagod. It's already 1 am. Nararamdaman ko na na medyo bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Kaya nagpasiya na akong matulog at ganoon din ang ginawa ni Eloise. “Good morning, sunshine ni Doc!” nagmulat ako sa biglaang pagsigaw ni Eloise. Pero kaagad na napapikit nang tumama ang araw sa mata ko. Ang aga-aga pa pero ang ingay na! Pwede talagang gawing alarm clock ang bunganga nito. “Ang aga pa, Eloise! Patulugin mo muna ako,” nakahawak na ang dalawang kamay niya sa bewang niya. “Ano'ng ang aga pa? Hoy! Alas onse na, madam! Baka gusto mong kumain muna, 'no? Bakit pagod na pagod ka? Pinagod ka talaga ni Doc, 'no?” binato ko sa kanya ang unang nahawakan ko at tumatawa naman niya iyong sinalo. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Ngayon ko lang naalala ang movie na ni recommend niya sa akin! May utang pa palang batok sa akin ang babaeng 'yon! Mamaya talaga sa'kin 'yon! Paglabas ko ay saktong nakahiga siya sa kanyang kama. Kumuha ako ng unan at tinakpan ang mukha niya. Sumisigaw siya sa akin at pilit na tinatanggal ang unan na nakatakip sa mukha niya. “Flo— ano ba?!” “Nakalimutan mo na ba ang movie na ni recommend mo sa akin! Napahiya ako dahil du'n! Walang hiya ka talaga!” nagtagumpay siyang tanggalin ang unan sa kanyang mukha at kaagad na pumunta sa pinakadulo ng kanyang kama. Tumatawa na siya ngayon. “Nag movie marathon ba kayo ni Doc? Akala ko jugjugan all the time lang ang ginawa n'yo! Hoy! Pero aminin mo, may nangyari after n'yo manood, 'no? Or baka hindi n'yo tinapos?” kaagad na namula ang mukha ko nang maalala kung ano ang nangyari nung araw na 'yon. Kakasimula palang ng movie ay may nangyari na sa amin. “So, may nangyari nga? Namumula ang mukha mo! Dapat thankful ka pa nga sa akin! Nakascore naman pala! Tsaka malay ko bang hindi mo muna sinearch ang mga reviews sa movie na 'yon. Hindi ka talaga updated sa mga ganyan? Sobrang pinag-uusapan 'yan sa social media! Jusko ka! Saan ka ba nakatira? Sa pinakamataas na bundok?” I showed her my middle finger. Hindi rin siya nagpatalo at pinakyuhan din ako. Hindi talaga magpapatalo 'to sa kahit ano. “Mag bar kaya tayo later? Nakakamiss naman, hindi ko magawa 'yan doon sa America at puro matatanda ang kasama ko. Alangan namang dalhin ko 'yong lolo at Lola ko sa bar.” napaisip ako sa sinabi niya. Wala naman kaming gagawin mamaya. Sabi rin niya na sabay na kaming maghanap ulit ng trabaho. Magreresign daw siya at gustong kasama pa rin ako sa susunod na trabaho. Kahit ganyan 'yan, sobrang clingy niyan sa akin. Ayaw na ayaw niyang malayo sa akin. Kahit nung college kami ay gustong nasa iisang section lang kami. “Ang ganda naman! Sana makita tayo ni Doc mamaya! Paniguradong maglalaway 'yon sa iyo!” I love wearing tube. So I'm wearing a tube again, tube na dress na nude ang kulay. I partnered it my with my four inches heels. Mas lalo akong tumangkad sa heels ko. Si Eloise naman ang naka suot ng white sleeveless dress na hanggang tuod, naka heels din ito. “Boys, here we come!” sigaw niya at hinila ako papasok ng bar. Alas nuebe na ng gabi kaya marami ng mga lasing at sumasayaw. Nag order kaagad si Eloise ng hard liquor. Gustong-gusto yatang malasing kaagad kaming dalawa. Nasa pangatlong shot na ako nang may namataan akong lalaki sa may vip section. May tatlo siyang kasamang lalaki. Ang tatlo ay may akbay ng mga babae habang siya ay nakatingin lang sa hawak niyang alak. Pinagdasal ko talaga na 'wag na sanang magkrus ang landas naming dalawa. Pero ngayon ay nagkita ulit kami. “Andito si Doc, Eloise,” bulong ko sa kanya at halos maibuga ang alak na iniinom niya. “Saan?” tumingin siya sa paligid bago tumingin sa akin. Nginuso ko ang direksyon ni Harvey. “Putangina! Ang gwapo niya, Florence! Lapitan natin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD