Morning came. I woke up in the arms of someone. Pagtingala ko ay sinalubong ako ng natutulog na mukha ni Harvey. Nakayakap ito ng mahigpit sa akin at nakaunan naman ako sa mga braso niya. Sobrang himbing pa ng tulog niya kaya natakot akong gumalaw ng kahit kaunti dahil baka magising ko siya. Hindi ko na alam kung anong oras na, pero paniguradong lagpas breakfast na ito. The party will at lunch. At mukhang malilate pa kaming dalawa dahil natutulog pa ito. Alangan namang gisingin ko siya, kawawa naman. Kanina ay ilang beses akong nakaramdam ng katok sa labas ng pintuan pero hindi ko ito pinansin sa sobrang antok ko pa. Pero ngayon ay may kumakatok na naman at mas lalong lumakas at tumagal ito. Mukhang kailangan na talaga naming lumabas. Gumalaw ako ng kaunti at hinawakan ang kamay niya nasa

