“Yes, bakit andito ka?” sinubukan ko namang 'wag maging mataray pero hindi ko pa talaga kaya. Sobrang umiinit na talaga ang ulo ko sa kanya, ewan ko, sa lahat na. Hindi ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko ngayon. Ganito talaga ako kapag may regla, at narinig ko sa iba na ganito rin daw sila kapag meron sila. Naiinis sa hindi malamang dahilan. Parang mga buntis. “This is our room, so have the right to come here?” mas lalong kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Halos ibato ko na ang unan na hawak ko. Nakakainis siya! Sarap niyang ibalibag! Du'n siya sa Stacy niya. 'Wag niya akong guluhin dito. Gustong kong magpahinga at matulog ng matiwasay. “Doon ka matulog kay Stacy!” sigaw ko sa kanya. Namamangha niya akong tiningnan sa biglaang pagsigaw ko. Napahawak naman ako sa puson ko nang

