Bitch “Bermudez, my dad wants to see you,” lumapit sa amin ang lalaking sumalubong sa amin kanina. Si Cerdon ang birthday celebrant. May hawak pa rin itong wine glass sa kamay. Pero halatang lasing na ito dahil sa mapupungay niyang mga mata. “'Wag mong sabihing susunod ka dahil kanina mo pa 'yan sinasabi sa amin.” tumingin sa akin si Harvey at tiningnan kung tapos na akong kumain. Patapos na rin naman ako, pero may kaunti pang natira. Pero ang dami ng gustong kumausap sa kanya at mukhang kanina pa niya ako hinihintay na matapos kumain para mapuntahan na namin. Mabuti nalang at binilisan ko at natapos kaagad ako. May kaunti pang natira, pero kailangan ko ng iwan iyon. “Pwede namang ako na muna ang mag entertain sa napakagandang babae na kasama mo,” he chuckled. Hindi siya pinansin ni H

