Parang nanalo ako sa lotto nang sabihin niya iyon. Sa wakas ay andito na kami! Para itong rest house sa dagat. Dalawang palapag ito. Nauna siyang bumaba sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha niya ang mga gamit naming dalawa. Bitbit niya lang sa isang kamay niya ang mga gamit namin. Habang ang isang kamay naman niya ay humawak kaagad sa kamay ko. Pagpasok namin ay marami ng tao sa loob. Probably most of the visitors here are in the medical field. Parang gusto ko tuloy magtago sa likod ni Harvey. Parang I don't belong here naman. Parang padamihan ng achievements ang okasyong ito. Kung puro palpak ang ginagawa mo sa buhay ay dapat tumahimik nalang. Marami kaagad ang lumingon sa amin nang pumasok kami. And of course, it is Harvey Zayne Bermudez, marami kaagad ang bumati sa kanya. Ngum

