Habang nasa loob kami ng sasakyan, kinakabahan ako ng sobra sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Halos dalawang oras ng byahe, bago kami nakarating sa hotel, kung saan gaganapin ang sabi ng matanda kanina, businessman night. Pagbukas pa lang ng driver sa pinto ng sasakyan, napatakip na ako ng aking mata dahil sa flash ng camera. Nauna bumaba ang matanda at pinagbuksan pa ako ng pinto sa kabila. Nauna itong mag lakad papasok habang ako, nakasunod dito. Kumakaway ang matanda at nakangiti na kinukuhanan ng larawan at ang iba ay nagrerequest pa ng isang ngiti. Napanganga ako sa itsura ng hotel. May mga elegante na chandelier, marble na sahig at mga bulaklak na dekorasyon. Pagpasok namin sa loob, sinalubong kami ng usherette. Hinatid kami sa lamesa na nakalaan para sa amin. Hindi pa man

