“Doc! Pasensya na po, nakatulog ako. Kamusta po lagay ng pasyente ko?” Naalimpungatan na sabi ni Tinay sa akin. “Gaga! Ako ‘to, si Joms!” natatawa na sabi ko sa babae na nanlaki ang mga mata at sinuyod ako ng tingin, mula taas pababa. At pabalik muli sa aking mukha. “Tang*na! Nanalo ka sa lotto?” tanong pa nito na inilingan ko. “Long story! May dala akong pagkain, kumain ka na ba?” tanong ko dito na nilihis ko kaagad ang usapan sa akin. “Hindi pa! Nandiyan ang rasyon sa akin, inaantok kasi ako. Kagabi kasi, gumalaw ang isang daliri ni Lola Anita, habang pinupunasan ko siya,” kwento ni Tinay na sumisinghot at umiiyak. “Alam mo Joms, napamahal na rin kayo sa akin. Kaya kagabi, nagtatalon ako sa tuwa. Para akong nababaliw sa kaligayahan sa nangyari. Kahit papano, may pagbabago. Lagi

