Habang nakaupo kami ni Acer sa loob ng fast food kung saan kumain ang kambal, nagpaalam si Hayden na gagamit ng banyo. Big boy na daw ito at ayaw magpa-sama. Natatanaw ko naman ang aking anak mula sa salamin, pero si Acer hindi nakapagpigil na sinundan ang anak ko. Para kaming bata na nag sa sign language ng makita ko si Hayden at Harvey na nag-uusap. Napatayo pa ako mula sa pagkakaupo ng makita ko na pumasok ang dalawa sa banyo, habang si Acer, mukhang mas kinakabahan pa kaysa sa akin. Napatayo na ako at lumapit sa aking kaibigan. “Nakita ba ng mga bata si Harvey kanina?” tanong ko sa aking kaibigan na alanganin na umiling. “Sa palagay ko hindi, dahil pumasok kaagad ang kambal at nagsisimula na sila kumain ng salubungin ko si Harvey kanina sa pintuan. Sa palagay ko, sinusundan kami n

