Ito na ang sandaling kailangan kong harapin si Harvey. Ngunit tila tumigil ang oras nang makaharap ko na siya. Ang ingay ng bar, ang nakakaindak na musika, ang tawanan at bulungan ng mga tao, lahat ay tila nawala. At napalitan ng nakabibinging katahimikan. Ang hangin ay tila umiinit, ang liwanag ay tila nagdilim, at ang tanging nakikita ko na lamang ay ang mukha ni Harvey, ang kanyang mga mata na puno ng emosyon na hindi ko mawari. Ang aking puso ay mabilis na tumitibok sa aking dibdib, ang aking mga kamay ay nanginginig pa rin, ngunit isang kakaibang uri ng lakas ang pumupuno sa akin. At sigurado ako, handa na ako sa mga susunod na mangyayari. At sa sandaling ito, ang kanyang mga mata, malamlam at puno ng pagod ang sumasalubong sa akin. Ang mga mata na minsan ay naglalagablab sa gali

