Lumipas ang magdamag na paikot-ikot lang ako sa higaan. Hindi ako nakatulog ng maayos, dahil hindi ako sanay sa tahimik na kapaligiran. Siguro, matinding adjustment pa ang pagdadaanan ko, para makatulog ako dito ng mahimbing.
Sanay kasi ako sa maingay na bunganga ng mga kapitbahay kahit gabing-gabi na, nagbubunganga pa. May nagwawala na lasing o may nag-away na mag-asawa. Mga tambutso ng sasakyan na kung tawagin ko, eroplanong pang lupa dahil sa sobrang ingay.
Dito kasi ay tahimik, dahil nga naka soundproof ang silid. Pagbukas ko naman ng bintana kanina, sariwang hangin ang humalik sa aking mukha. Hindi polusyon ng usok ng mga sasakyan, siga na basura ng kapitbahay o usok ng sigarilyo ng mga tambay.
Matapos ko mag muni-muni, nagpasya na akong bumaba. Nag-asikaso ako ng pagkain na dadalhin ko sa hospital, para kay Tinay. Inaasahan ko na, na may laman ang refrigerator, dahil nga ang buong bahay ay kumpleto na.
May kasambahay na nagtanong pa sa akin kagabi kung ano ang lulutuin, meaning may pagkain na hilaw. Pero hindi ko inaasahan na dalawa pala ang refrigerator dito, at pareho pa na two doors. Namamangha ako ng makita ko ang loob matapos ko buksan.
Hindi ko namalayan na sumisinghot na ako ng parang tubig na sipon, dahil sa umiyak na pala ako. Yumuko ako at binuksan ang mga cabinet. Punong-puno ng mga de lata at mga kung ano-ano pang pagkain.
Maging ang taas na cabinet ay puno ng mga pagkain at talo pa ang supermarket sa ganda ng pagkakasalansan. Dati halos wala kaming makain, ngayon ay meron na. Pinunasan ko ang aking basa na pisngi, dahil sa tears of joy.
“Ma'am! Good morning po! Kami na po dyan, ano po ang lulutuin namin para sa almusal?” tanong ni Cindy, ang aking kasambahay.
“Kahit ano na lang Ate, pagkain natin lahat ang iluto mo. Wag sobra-sobra huh? Dahil gusto ko po, laging bagong luto ang pagkain. Magdadala din ako para sa kaibigan ko,” paliwanag ko sa kasambahay.
Iniwan ko na ang babae na agad nag asikaso ng kakainin namin at muli akong pumasok sa loob ng aking silid. Ganito pala kasarap maging mayaman. Hindi na masakit ang likod pag gising, dahil malambot ang higaan. Dati kasi, sa palengke lang ang higaan namin. Banig na may manipis na foam. Pag gising namin, medyo ramdam pa namin ang hindi pantay na sahig.
Napangiti ako ng sumilip na ang liwanag ng haring araw. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako ng malalim.
“Salamat Ama. Ang mga pinagdarasal ko lang dati, ngayon ay tinatamasa ko na. Isa na lang po, pagalingin mo na po si Lola Anita, gisingin mo na po siya, pakiusap. Gusto ko maranasan niya ang ganito ka komportable na buhay.”
Kausap ko sa Ama na lumikha. Dahil namimiss ko na si Lola, ang tanging tao na nagmamahal sa akin. Matapos ko magdasal, naligo na ako. Nag-ayos ng aking sarili at namili ako ng damit sa walk-in closet na sa palagay ko, maganda ang lapat sa akin.
Papasok muna ako sa trabaho at mamayang five ng hapon, diretso na ako sa hospital. Dadalawin ko si Lola at si Tinay.
I'm wearing formal office attire, a dress topped with a coat. The dress is above the knee length, showcasing my lovely and smooth thighs and legs. I've applied light makeup for a natural look. Sinuot ko na ang stilleto shoes na kulay red, may tatlong pulgada na taas at dinampot ko ang mamahalin ko na bag.
Hinagod ko ng tingin ang aking kabuohan at napangiti ako. Mukha na akong expensive. May alahas ako na suot, relo at nagulat din ako na may ATM sa ibabaw ng vanity mirror. Kaya't dinampot ko ito. Nakalagay na rin ang password na pwede ko daw baguhin.
Isang tingin pa sa aking sarili at nag spray na ako ng pabango, matapos ko masigurado na maganda na ang aking itsura. Mabagal akong humakbang pababa sa hagdan na may carpet. Medyo sanay naman ako magsuot ng mataas, dahil na rin kay Lola noon.
Mahilig siya sa ukay at matataas na takong na gamit sa paa. Sabi pa niya dati, kapag mataas ang takong, mataas na tao din ang magkakagusto sayo, kapag flat daw, ordinaryo. Lagi rin kami naglilinis ng kuko, dahil ito daw ang unang tinitingnan ng tao.
“Wow! Ang ganda mo talaga Ma’am Jomelyn,” papuri sa akin ni Nina habang nagma-mop ng sahig.
“Salamat. Nakapagluto na ba si Ate Cindy?” tanong ko dito.
“Kanina pa po Ma’am,” magalang na sagot naman nito.
Diretso ako sa kusina, nandoon na pala si Acer at nagkakape. Ang gwapo ng lalaki na ‘to at wala sa itsura na mahirap. Pwede nga ito maging model kung tutuusin.
“Kape tayo, Ma’am!” sabi nito sabay taas ng mug.
Tumango lang ako at nagpasalamat. Kumuha ako ng pagkain at mabilis lang akong kumain. Gustuhin ko man na maraming kainin, ayaw ko naman tumaba. Baka hindi na ako ma renew sa trabaho kapag naging lumba-lumba na ako.
“Tara na Acer?” tanong ko sa lalaki na nakaupo sa labas at naninigarilyo.
Tapos na rin kasi ako kumain. Nauna lang ito matapos kaya't hinintay ako sa labas. Inabot nito ang dala ko na eco bag kung saan nakalagay ang baon ko at dadalhin ko kay Tinay.
“Salamat,” sabi ko sa lalaki na tumango lang bilang sagot.
Siguro kung sasakay ng jeep, malapit lang ang pagitan ng village at ng building na papasukan ko. Siguro ay halagang dose pesos lang ito sa jeepney fare.
“Good morning, Ma’am!” pagbati ng gwardya sa akin matapos ko isuot ang aking ID na inabot lang kanina ni Acer.
Grabe din talaga. Parang nakahanda na lahat at pirma ko na lang ang kailangan sa lahat ng biyaya na ito. Hanggang ngayon, parang nananaginip pa rin ako. Hinatid ako ni Acer hanggang sa loob ng elevator at sa tapat ng opisina ng aking boss.
Nagpaalam na ito kaagad, kaya't nagpasalamat na ako at inabot ang aking mga dala, na bitbit kanina ng lalaki. Kumatok lang ako ng dalawang ulit at pinihit ko na ang seradora ng pinto at tinulak para mabuksan.
Tahimik sa loob at mukhang wala pang tao. Wala pa si Don Enrique. Kaya't nag-alis muna ako ng alikabok, nagpunas at inayos ang mga papel na nakakalat.
“Good morning Miss Viray! Ang linis naman ng opisina ko. Salamat, mukhang sisipagan ako ngayon magtrabaho!” Si Don Enrique na papasok pa lang.
“Maaga po kasi ako dumating, wala akong magawa kaya naglinis na ako,”
“Sabihin mo, sipsip ka lang! Epal lang.”
Napalingin ako sa likod ng matanda. May kasama pala itong babae na mukhang model ng avon. Labas kasi ang strap ng bra nito at gilid. Mukhang trying hard na seducer.
“Excuse me Miss, may sinasabi ka ba?” mahinahon na tanong ko dito. Pero deep inside, gusto ko ng baliin ang leeg nito.
“Wala! Ako pala si Jessa, secretary ni Don Enrique.” Pagpapakilala nito sa kanyang sarili na inilahad pa ang kanyang kamay.
Wala akong choice kundi makipagkamay dito at pisilin ng malakas ang palad nito. Humihigop ang babae matapos ko bitawan. Patago na napangiti ako at tinaasan ko ito ng kilay. Mabuti na lang at sa mga papel agad nakadako ang attention ng matanda.
“Coffe please, Jessa. Ikaw Miss Viray?” tanong ng matanda na hindi man lang lumingin sa amin.
“Nag kape na po ako. Salamat na lang,” sagot ko sa matanda.
Umalis na din si Jessa na nagdadabog. Mukhang may attetude ang isang ‘yon. Let see kung uubra sa akin.
“Don Enrique, ano po pala ang trabaho ko?” tanong ko dito na ibinaba na ang kanyang hawak na mga papel at tinitigan ako sa mukha.
Sinuyod nito ng tingin ang kabuohan ko sabay creepy na ngumiti. Medyo napangiwi ako, sana lang ay hindi ako type ng matandang ito. Praying and hoping ako sa bagay na ‘yon.
“Pag-iisipan ko pa, sa ngayon dito ka lang. Magpunas ka lang, mag internet doob sa cubic mo. Ganun lang,” sagot nito sa akin gamit ang seryoso na mukha.
“E bakit sasahuran pa ninyo ako? Wala naman pala akong gagawin dito?” tanong ko naman.
“Ikaw ang kasama ko sa mga meetings, mga party, sa lahat ng pupuntahan ko outside this building. Mamaya kakausapin ka ng doctor, dahil ikaw ang nakatoka sa aking blood pressure at sa kung anong oras ang pag-inom ko ng gamot, mga pagkain ko at marami pang bagay.”
Napanganga ako sa sinabi ng matanda. Personal yaya ang pagkakaintindi ko sa aking trabaho ngayon.
“Yaya mo po ako?” seryoso na tanong ko dito na tawa ng malakas ang naging sagot.
Natigil ang pagtawa ng matanda ng dumating si Jessa at dala ang kape. Napakamot na lang ako sa aking ulo na humakbang palayo sa dalawa, dahil may discussion na ito ng gagawin nila buong araw. Habang ako, mukhang kuyakoy lang maghapon.