CHAPTER: 4

1163 Words
“Joms, bakit ang dilim sa bahay n’yo? Naputulan ba kayo ng kuryente?” tanong sa akin ni Tinay na nagpakaba sa akin ng sobra. Mabilis kong inilapag ang mga dala ko malayo pa lang sa pintuan ng bahay. Nilakihan ko ang aking bawat pag hakbang hanggang makapasok ako sa loob ng bahay. Si Lola, nakahiga ang naabutan ko. Mabuti na lang, maliwanag ang buwan at ang ilaw ng poste na nasa harap ng aming kubo. Mabilis ko pinasan sa aking likod si Lola at mabuti na lang, may mga tambay sa labas. Kinuha ng isa si Lola at naka-alalay ako sa baba ng hagdan. Pagdating namin sa tulay, nag para kami kaagad ng tricycle, pero walang humihinto. Kuya't nagsimula na akong maiyak sa takot. Takot na baka mawala si Lola Anita at maiwan akong mag-isa. Kaya habang pasan ko ang matanda sa aking likod, hinahaplos naman ni Tinay ang braso ko para pakalmahin ako sa pag-iyak. *Bep! Bep! Beeeeeeb!* Napaningon ako sa tunog ng busina ng sasakyan. Pag-angat ko ng aking mukha, si Manong na suki pala. “Pasok na, Ma’am!” sigaw nito sa akin. Kaya't mabilis akong humakbang at binuksan naman kaagad ni Tinay ang pinto ng sasakyan. Pagpasok namin sa loob napalingon ang matanda sa aming pwesto, “Sa hospital po, Manong,” sabi ko sa matanda. Ilang minuto lang, nakarating kami kaagad sa hospital at si Manong na kaagad ang nagbuhat kay Lola. Pasalamat ako, dahil kaagad naman kami inasikaso ng mga Doktor. Pabalik-balik ako sa labas ng salamin na pinto. Hinihintay ko na lumabas ang isa sa mga Doktor sa loob para sabihin na okay lang si Lola. Pero oras na ang lumipas, wala pa rin sila. Hanggang sa ang isa ay lumabas, kasama ng isang nurse. “Good evening, Ma’am. Infirn ko lang po kayo, pakibasa na rin. Kailangan ng pirma ng pamilya, lalagyan namin ng life support si Lola na isasagawa na ngayon din,” tumango lang ako at hindi na nagbasa, kaagad ako lumagda ng lumagda. Habang nakaupo ako dito sa waiting area, biglang pumasok sa isip ko, bakit walang ni sentimo na hinihingi ang hospital sa akin? Nasa pribado kami ngayon at alam ko na pang mayaman lang dito. “Doktor, kamusta po si Lola?” tanong ko sa lalaking Doktor na naghubad na ng kanyang facemask at bumuntong hininga muna bago magsalita. "Patient Lola Arleta is in critical condition, necessitating immediate surgical intervention. Complications arising from her pre-existing gastroesophageal reflux disease (GERD) have resulted in esophageal inflammation and intestinal obstruction, requiring prompt removal. Additionally, her elevated blood pressure demands close monitoring. The cerebral hemorrhage has further exacerbated her critical state." Sabi ng Doktor habang ako, nakatitig sa papel na naglalaman ng impormasyon ni Lola Anita. Pasyente: Lola Arleta Edad: 53 anyos Kondisyon: Kritikal Diagnosis: 1. Gastroesophageal reflux disease (GERD) 2. Esophageal inflammation 3. Intestinal obstruction 4. Hypertension 5. Cerebral hemorrhage Rekomendasyon: Agarang operasyon. Para maiwasan ang mas malala pa na komplikasyon. Marami pa ang nakasulat na parang hindi na absorb ng utak ko. Tango lang ako ng tango sa Doktor habang nagsasalita ito. Hanggang magpaalam na ito na may rounds pa daw. Pwede naman daw pumasok na sa loob, magsuot lang ng binigay sa akin ang hospital gown, facemask at headcover. Nanginginig ang aking katawan habang humakbang ako palapit kay Lola. Impit ako na napahagulgol ng makita ko ang itsura nito ngayon. Ang laki ng tubo na nakasalpak sa bibig nito. Ang daming nakakabit sa katawan ng matanda kaya't nakakatakot itong lapitan, dahil baka may masagi lang ako, matapos ang buhay nito. “Lola, ano ba ang nangyari? Bakit may nararamdaman ka pa pala na iba, hindi mo man lang sinabi sa akin? Alam mo ba na ayaw ko ng mabuhay kapag wala ka na.” Umiiyak at madamdamin na kausap ko sa matanda. Hindi ko maiwasan na hindi magtampo. Dahil lahat naman kaya kong gawin para sa kanya. Pumasok ang mga Doktor at nagpaalam na magsasagawa daw sila ng mga test para sa agaran na operasyon ni Lola. Gumilid ako habang kinakabahan at nagdarasal sa aking isip na sana, maging okay ang lahat. Mabuti paglabas ko, bumalik pala si Tinay. May dala itong damit ko na pamalit at tubig. Kakamot-kamot pa ito ng ulo na nakangiti. “Wala akong pera Joms, kaya tubig lang galing sa bahay ninyo ang dala ko. Kinain ko na din ang kanin, sa kaldero ninyo dahil baka mapanis. Ito lang dala ko, pwede na yan pantawid gutom,” nahihiya na inabot nito ang dalawang tinapay. Napangiti ako na nagpasalamat sa babae habang binubuksan ko ang plastik at kumagat na ako kaagad, dahil sa gutom na gutom na rin ako. “Tinay, anong oras pasok mo bukas sa work? Ay, mamaya na pala.” tanong ko dito na mukhang nag-iisip. “Wala pa ngang tumatawag sa akin, mukhang wala naman kasiguraduhan ‘yun,” sagot nito na tinanguan ko. “Bantayan mo si Lola, bayaran kita dalawang daan,” sabi ko dito na tumango kaagad. “Hindi na, basta chibog lang kahit kape at tinapay, soya na! Hindi naman kayo iba sa akin,” sabi nito na niyakap ko. Kababata ko si Tinay at kahit batugan ito, mabait naman. Buraot lang talaga, dahil syempre kapos din sila sa buhay. “Ikaw muna ang bahala dito, mag-aasikaso muna ako ng paninda ko. Malapit na din mag-umaga. Babalik ako dito mamayang gabi na, kapag may kailangan tawagan mo ako, may telepono d’yan,” bilin ko dito na ipinakita ang kanyang cellphone. “Taray! Touch screen, saan galing ‘yan?” tanong ko dito na ngumisi. “Cyber s*x, sagot nito na ikinalaki ng aking mga mata. Tinitigan ko ito ng may pagdududa, pero nanatili itong walang imik. Kaya kumpirmado na totoo ang kanyang sinabi. Talamak ang online s*x sa lugar namin, may computer shop doon na illegal ang ibang aktibidades. Siguro, doon pumasok si Tinay. Umalis na ako sa hospital at sumakay lang ako ng jeep, pabalik sa bahay. Malapit lang naman na pwede din lakarin, kaso mainit na. Nag ligpit lang ako at pumunta na rin ako sa palengke. Sardinas lang ulam ko ng tanghalian at pagkatapos, naligo na ako. Bitbit ang dalawang timba, sumampa ako sa hagdan at nag lakad patungo sa aking pwesto. “Ma’am,” pagbati sa akin ni Manong na ipinagtataka ko, dahil maaga ito ngayon. “Wala pa akong tinda, kadarating ko lang dito. Salamat pala sa pagpapasakay, mabuti dumating kayo kaagad. Wala kasi kaming masakyan ng nakaraan.” Tumango-tango lang ang matanda. Sabay dukot ng maliit na papel sa kanyang bulsa at inabot sa akin. “Calling card yan ng Boss ko, kailangan niya ng personal assistant. Kung gusto mo, mag apply ka. Mataas magpasahod ‘yun, sigurado ako na matutustusan mo na ang mga pangangailangan ng Lola mo,” sabi ng matanda na nagpaalam na aalis na. Tulala lang ako habang nakatingin sa papel. Iniisip ko kung namamasukan na lang ako, total naman, kailangan ko talaga ng regular na pagkakakitaan ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD