Lunes ng umaga sa tambayan magkasama si Enan at Greg, ang dalawang binata may pinagmamasdang mag syota sa malayo na nag aaway. “Bakit mo ginamit lipstick ko?” bulong ni Enan. “Lipstick lang ang damot damot mo, ako naman bumili niyan para sa iyo ha” sagot ni Greg.
“Ang point e, ginamit mo” diin ni Enan. “Fine, kung ayaw mo mag share di bibili nalang ako ng sarili kong lipstick” sabat ni Greg at nagbungisngisan na yung dalawa. “Geez, lalake ka, bakit ka naglipstick?” tanong ni Enan. “Oh..ah..wala lungs” landi ni Greg kaya naghalakhakan na yung dalawa.
“Idol kayo ba ni Cristine nag aaway din?” tanong ni Greg. “Di ko masabi kung nag away pero nung Sabado medyo” sagot ni Enan. “Ano naman pinag awayan niyo?” tanong ni Greg. “Dude, parang di mo naman ako kilala e. Idol pa tawag mo sa akin tapos hindi mo alam ano pinag awayan namin? Natural babae, hello!” banat ni Enan.
“Gago ka talaga, ang swerte mo na nga nagloloko ka pa. Siraulo ka, mga katulad natin minsan lang mabibigyan ng chance na ganyan” sabi ni Greg. “My dear Gori, hindi ako nagloloko. Kasalanan ko ba kung irresistible ako? Ha? Mapipigilan ko ang milyones na babae na nagkakagusto sa akin?”
“You will never understand until you become me my friend” landi ni Enan kaya natawa si Greg. “So hindi ka nagloko?” tanong niya. “Natural, grabe ka naman. I love her” sabi ni Enan sabay bigla siyang kinilig kaya tinawanan siya ng kanyang kaibigan.
“Pucha buti ka pa may sinasabihan ka ng ganyan” sabi ni Greg. “Darating din araw mo my friend. Trust me ang sarap sabihin lalo na pag totoo. Tapos ang sarap din pakinggan kahit hindi totoo” sabi ni Enan.
“Ano? Hindi ka mahal talaga ni Cristine?” tanong ni Greg. “Ha? Siraulo, wala ako sinabing ganyan. Sinasabi ko lang na masarap pakinggan yon diba, pero mas masarap kung ikaw magsabi. Ah basta hindi mo maiintindihan” sabi ni Enan.
“May tanong ako sa iyo pare, let us say kayo ni Cherry, you two seem okay now diba?” tanong ni Enan. “Oo, pero as friends nalang talaga kami” sabi ni Greg. “Hush, may point ba na muntik mo na sinabi na I love you sa kanya?” tanong ni Enan. “Huy ang bilis naman, diba dadaan muna sa like?” tanong ni Greg.
“Oh forgive me kasi nasanay na ako sa mga fans ko na I love you agad sinasabi sa akin. So kahit matagal na kayo magfriends, uunahin mo pa sabihin I like you?” tanong ni Enan. “Ah so you mean as in matagal na kami magkakilala? Actually pare kahit as friends nalang kami di ko parin maiwasan mahulog sa kanya e” sabi ni Greg.
“I know what you feel pare trust me. Yung alam mo na di talaga pwede pero ayaw makinig ng puso mo no? Kahit tanggap mo na friends kayo pero deep inside e habang tumatagal nahuhulog ka lalo sa kanya ano?” sabi ni Enan. “Oo nga pare, minsan nga parang gusto mo na lumayo kasi alam ko ako din lang masasaktan e” sabi ni Greg.
“Buti ka pa pwede ka mag back out anytime” bulong ni Enan. “Hoy ano sinabi mo?” tanong ni Greg. “Wala, sabi ko ramdam kita pare. Pero my friend, let us say tumagal tapos di mo na matiis, maari bang madulas ka at mapa I love you ka sa kanya? Nandon na yung like e, so may chance ba na madulas ka at masabi mo na talaga nararamdaman mo sa kanya?” tanong ni Enan.
“Like siguro pero pare aaminin mo papunta na doon e. Di ko alam kung makakaya ko, natatakot din ako madulas kasi baka pag nasabi ko magbago na ang lahat. Baka ayaw niya na ako kaibigan so siguro iwas ako sa pagsabi non” sabi ni Greg.
“Di ko alam ano sasabihin ko pre, tara libre kita banana cue” sabi ni Enan. “Gago!” sigaw ni Greg kaya tumawa ng malakas si Enan. Dumating si Clarisse at Shan kaya naintriga sila. “Bakit siya tumatawa?” tanong ni Shan. “Upo kayo dali umupo kayo at kailangan ko ng advise” sabi ni Enan.
“My bestfriends, kasi may kilala akong lalake. Now this guy has a friend who is a girl that he likes but he cannot tell her” sabi ni Enan. Si Greg nagmatigas at gusto nang sipain si Enan, si Clarisse naman nagpipigil pagkat akala niya pinag uusapan ng binata sarili niya at siya yung babae.
“O so what is the name of your friend?” tanong ni Shan. “Please Shan, tumawag lang siya sa hotline ko, Artistahin Speaks, so I must keep his identity anonymous” sagot ni Enan. “So ano problem niya? Is he gwapo?” tanong ni Clarisse. “Of course not” landi ni Enan kaya todo pigil si Greg.
“Anyway, so matagal na silang friends ni girlalou, alam niya na hindi pwede maging sila dahil sa madaming factors, lets just keep it at that” sabi niya. “So ano yung tanong?” tanong ni Clarisse. “Okay, he likes her nga tapos hindi niya na maitago pa, is it right for him to admit it to her that he loves her? I mean is it okay to simply tell her that he loves her? Or wag nalang at itago nalang niya?” tanong ni Enan.
Nanigas si Clarisse at di kumibo, si Shan naman napaisip at tinignan nobya niya. “What do you think? Siya nalang sumagot kasi babae siya e” sabi ni Shan. “Ewan ko, pero how sure is he that she does not like him too?” tanong ni Clarisse.
“Ah..madami nga factors. Basta sabihin na natin complicated masyado kaya ayon hanggang friends lang sila. Sige sabihin natin close friends” sabi ni Enan. “Well sure na ba talaga? Baka naman manhid lang siya. Kahit na complicated yung situation e mararamdaman din naman kung meron e” sabi ng dalaga.
Napatigil si Enan at naiwan mga mata niya nakatitig kay Clarisse, ang dalaga natense kaya dahan dahan tumingin sa malayo. “At pare sure ba yang caller na yan love na agad?” tanong ni Shan.
“Ikaw ba, when did you tell Clarisse that you love her?” tanong ni Enan. “Oo nga pre, after naging kayo o bago naging kayo?” tanong ni Greg. “After, tama ba Clarisse?” tanong ni Shan. “Yeah, he said he liked me first and I liked him too so naging kami afterwards” sagot ng dalaga.
“Oh, so hindi pwede pag hindi sila?” tanong ni Enan. “Well it really depends. Like you said matagal na silang magkaibigan. Pwede siguro na nainlove na siya sa tagal” sabi ni Clarisse. “Is this about you and Violet?” tanong ni Shan bigla.
“Of course not” sabi ni Enan. “Oo nga pre, ikaw at si Violet, friends kayo, you liked her from the beginning. So sa tagal e nainlove ka ba sa kanya?” tanong ni Greg. “Please past is past, at hindi ito tungkol kay Violet” sabi ni Enan kaya lalong nanahimik ang dalaga.
“You know what pare, tell him its okay. Kung yun talaga nararamdaman niya sabihin mo its okay. Wag niya na itago pa. Its better he told her that he loves her and whatever happens at least nasabi niya nararamdaman niya kesa na tinatago niya pa at mawala pa yung chance na masabi niya” payo ni Shan.
“E pano kung pangit yung reaksyon? What if because of that magka falling out na sila?” tanong ni Enan. “You are thinking so negatively kasi. What if that girl pala feels the same way too?” tanong ni Clarisse at biglang napangiti si Enan at kinikilig.
“Wait lang kasi, gosh this is soooo MMKish” landi niya kaya napatawa niya ang kanyang mga kaibigan. “Diba Shan? May natulungan na tayong ganyan dati, remember Raymond and Denden?” lambing ni Clarisse.
“Ay oo nga, pare si Raymond parang ikaw yon e” sabi ni Shan. “Hoy ilang beses ko ba sasabihin na hindi ito tungkol sa akin, tungkol ito sa isang caller. Hello! Me with Cristine, nuff said” banat ni Enan.
“Right, so I was just saying naman pre, si Raymond tuliro din dati. In love na siya kay Denden so pinayuhan namin siya to tell Denden already. So ayon nasabi niya, tapos now going strong sila kasi may feelings din pala si girl sa kanya. At first hew was scared kasi magkalayo agwat nila in terms of..how should I say this ba? Si Denden kasi e anak ng congressman e” sabi ni Shan.
“Then si Raymond, simple lang pamilya nila. Si Denden may pagka rich kid brat at lantad na may type siya sa lalake na tisoy at mayaman din. Raymond was a bit Moreno” sabi ni Clarisse. “So if he didn’t have the guts to tell her then wala sana sila today” sabi ni Shan.
“Wow, but still it could have ended bad” sabi ni Shan. “Grabe ka pinapairal mo kasi negativity agad e” sabi ni Clarisse. “Hindi naman pero of course magpapayo ako sa caller ng ganyan, what if it ended badly diba? E di ako sisisihin niya diba?” sagot ni Enan.
“And it they ended up together pupurihin ka naman niya” sabi ni Greg. “Teka lang kasi may isa akong caller the other day, usap usap daw sila, friends lang sila then si girl daw out of nowhere she said I love you to him where he replied he loved her too. Parang by accident lang” sabi ni Enan.
“O yan pala e, see that. Yung unang caller mo hirap magsabi. Yang second caller mo nadulas, nagkabukingan na. See that positive effect” sabi ni Shan. Bungisngis si Enan pero dahan dahan nagsimangot, “E what if the girl was just acting?” tanong niya.
“Hay naku ang gulo mo, ano ba nakain mo at may alam ka pang caller caller? It this about Greg? Greg ikaw ba tinutukoy niya? He has a girlfriend, so ikaw lang single dito. Is this about you and Cherry?” tanong ni Clarisse.
“Hindi, wag niyo ako idadamay diyan” sabi ni Greg. “Hush hush, siguro kailangan ko na talaga magkaroon ng radio station program para sa ganito. Gosh porke Artistahin ako akala nila love guru na ako”
“They think so highly of me. Porke oozing with handsomeness na ako e akala nila love expert na ako? No no no, di ako babaero sad to say. Ah basta salamat sa tulong niyo. I love you Shan” landi ni Enan kaya natawa si Shan at binuntal braso ng kaibigan niya.
“Ayan negative reaction..I love you Clarisse” lambing ni Enan. Ang dalaga nagtakip ng mukha sabay nagbungisngis. “Love you too Enan” bulong ng dalaga. “I love you Clarisse” landi ni Enan kaya ang dalaga natawa at hinampas ang binata.
Tinignan ni Enan si Greg, “Pare, I…treat you banana you want?” landi niya kaya sinipa siya ng kaibigan niya sabay nagtawanan sila. “Kadiri ka, wag ka ganyan” sabi ni Greg. “I love you Gregory mwah mwah” landi ni Enan kaya halakhakan silang apat.
“O yan may nag I love you na sa iyo hohoho malas mo lang at lalake nauna nagsabi sa iyo” banat ni Enan. “Kadiri ka nga e, traumatized na ako for life” sabi ni Greg. “Wow, bumabanat ka na ng trauma trauma ha. Napick up mo nanaman sa akin yon” sabi ni Enan.
“Pare, kakaiba ka today. What happened to you and whats with all this love things?” tanong ni Shan. “Is there something wrong if we talk about love?” pacute ni Enan kaya natawa si Clarisse at tinulak ang binata palayo pagkat sumamsandal siya sa kanya.
“I love you pare” sabi ni Enan sabay turo kay Shan. “Will you stop it, it does not sound and feel right” sagot ng bestfriend niya. “Hey Gre-go-rilla..i love you” banat ni Shan kaya natawa si Greg at napahaplos sa ulo niya.
“Risse..” landi ni Enan kaya nagtitigan sila. “I love you Risse” sabi ni Enan kaya ang dalaga nagbungisngis, huminga ng malalim sabay kinurot pisngi ng binata. “I love you too Enan, so will you stop now?” lambing ng dalaga.
“Uy si Earl, ahem..Earl..fu” bigkas ni Enan pero agad tinakpan ni Clarisse bibig niya. Nagtawanan sina Greg at Shan, si Earl nagkunot ang noo, nainis pero nakita nandon si Shan kaya lumayo nalang siya.
“Enan, wag ka naghahamon ng away” sabi ni Clarisse. “Sorry, di ko na naitago pa inis ko sa kanya. Again this is not about Violet pero tungkol ito sa mga pinagsasabi niya tungkol sa akin. I am human, I have feelings, I get hurt too” drama ni Enan.
“Enan, forgive those who have wronged you. Do not stoop down to his level” sabi ng dalaga. “Gigil narin ako diyan sa totoo” bulong ni Greg. “Hay naku, tumigil nga kayo. Let him be, kung ganyan talaga siya then wala na tayo magagawa” sabi ni Clarisse.
“One time lang talaga, ano Enan?” tanong ni Shan. “Shan stop it nga, Enan eto tandaan mo. Let him be, show that you are not like him. Pag pinatulan mo siya then pareho lang kayo” sabi ng dalaga.
“Love love love” sabi ni Enan sabay tumayo at nag inat. “Lakas tama mo na pare kay Cristine ha” sabi ni Shan. “Bakit hindi ka ba ganito kay Clarisse?” tanong ni Enan. “Of course ganyan din” sagot ng bestfriend niya. “Clarisse do you feel the same way about me?” tanong ni Enan bigla.
“Of course I do” sabi ng dalaga pero biglang natauhan. “Ha? Ano? Teka akala ko si Shan” sabi ng dalaga. “Kita mo na pare? Lumalabas din ang tunay, it is so undeniable. Another proof that my handsomeness is totally overwhelming. Harap harapan na yan pare ha, inamin niya feelings niya para sa artistahing ako” landi ni Enan.
“Nilito mo lang siya pare” sabi ni Greg. “Hindi rin” sabi ni Clarisse kaya lahat napatingin sa kanya. “Enan, di ko na maitago pa kasi. Its really overwhelming” drama ng dalaga kaya nagtawanan silang lahat.
“Oh s**t” bulong ni Enan sabay naupo at niyakap braso ni Clarisse. “Shan kandong ka, tago niyo nga ako sa kanya” bulong ni Enan kaya kumandong si Shan at Greg. “Tang..si Shan lang sabi e” reklamo ni Enan kaya tawang tawa si Clarisse.
Napadaan si Denise, lalapit sana siya pero nakita niya nagkakatuwaan yung apat. Dumaan nalang yung dalaga kaya si Clarisse napangiti. “Bakit mo siya iniiwasan pare?” tanong ni Greg.
“Yeah, curious ako. Did something happen? Tell me Enan” sabi ni Shan. “Kasi po namanhid ako, hindi ko nagets nung una pero sa huli e nagseselos pala siya” sabi ni Enan at sakto nakatingin siya kay Clarisse. Ang dalaga napangiti, “Sino nagseselos?” yanong ni Greg.
“Sino pa nga ba? Anyway iiwasan ko na siya kaya lang hindi ko alam pano ko siya iiwasan sa text. Ano kaya magandang palusot para if ever magtanong siya bakit di na ako nagrereply e maganda sagot ko?” tanong ng binata.
“Sabihin mo wala ka load” sabi ni Greg. “Hello postpaid ako diba?” sagot ni Enan. “Tell her you are busy” sabi ni Clarisse. “Kung ikaw babae, maniniwala ka ba sa akin if I tell you that?” tanong ni Enan.
“No, iisipin ko iniiwasan mo ako. Still mangungulit ako to ask why” sabi ng dalaga. “Ayan ang problema, naisip ko yan e. So help me find a reason para solid naman at maniniwala siya” sabi ng binata.
“Prangkahin mo, it’s the only way” sabi ni Shan. “Nakakahiya naman kasi pare e. Siya palang yung pinaka unang babae na kusang lumapit para makipagkilala sa akin” sabi ni Enan. “Correction, she already knew your name” sabi ni Greg.
“Sheeeet. Pinalala mo pa pare e. She knew my name therefore she likes me” landi ni Enan. “Wow like agad? Baka alam lang niya pangalan mo, you became famous when the news broke about you and Cristine” sabi ni Clarisse.
“Aray, coming from you that really hurts. I was famous even before meeting Cristine. Risse, bakit ka ganyan? Akala ko ba mahal mo ako? Sinabi ko pa sa iyo ikaw yung nasa second place ng fans ko tapos sasabihin mong ganyan? It breaks my heart” drama ni Enan.
Napatawa ng malakas si Shan, “Pare, you know what? Youre such a good actor. All this years you never fail to amaze me pag nagdradrama ka” sabi ni Shan. “Ayan! Ayan! Yan ang bestfriend. Ulitin mo nga Shan sinabi mo please. Buti ka pa you pamper my ears with those words, heavenly. That is why I love you man to man” landi ni Enan.
“Kadiri ka, umayos ka nga” sabi ni Greg. “Wag ka makikialam, kung nagseselos ka e tignan mo naman itsura niya. Shan, naniniwala na ako na meron tayong hidden feelings para sa isa’t isa. Kailan mo iiwanan tong magandang babae na ito para sa akin?”
“Hindi pa ba ako sapat para sa iyo?” drama ni Enan kaya napailing si Shan at tawang tawa. “Fine, sikat ka na noon pa” sabi ni Clarisse. Tumabi si Enan sa kanya sabay biglang yumakap.
“Have you seen the light? Are you getting jealous because you see me and Shan having a romantic moment? Alam mo kasi na maghahalikan na kami kaya sumang ayon ka na ano? Aw, did you feel jealous, did you already imagine my lips touching his lips?” landi ni Enan.
Si Shan at Greg diring diri kaya halakhakan sila, si Enan hinaplos pisngi ng dalaga sabay pinisil pisil ito. “Don’t worry Risse, I love you and I always will but my heart belongs to your boyfriend” drama ni Enan kaya natawa narin si Clarisse at kinagat pisngi ng binata.
“Kunwari ka pa! Sabihin mo lang kung gusto mo ako halikan!” sigaw ni Enan sabay inismack sa lips ang dalaga. Natulala si Greg, si Shan napatigil habang si Clarisse napapikit at agad tumingin sa malayo. Tumayo si Enan sabay hahalik na sana sa labi ni Shan pero nakaiwas ito kaya sa pisngi niya tumama mga labi ng bestfriend niya.
“Enan!’ sigaw ni Shan, tinignan ni Enan si Greg, “Pare oy foul” sigaw ni Greg. “Gago may taste ako! As if ka naman” sabi ni Enan kaya muli silang nagtawanan.