Chapter 14: Audition

3190 Words
Isang hapon sa studio naglalakad si Enan, nakayuko ang ulo ng binata pero narinig niya natawag pangalan niya. Pagtingin niya sa harap isang lalakeng artista yon, “Uy” bati ni Enan at napangiti siya nang makitang nakangiti din sa kanya yung artistang lalake. Nagtuloy ang lakad niya, isang babaeng artitsta kasama PA niya nakasalubong niya at pati sila binati siya. Lalo natuwa si Enan kaya pagpasok niya sa dressing room ni Cristine e tulala ito. “Youre late” sabi ni Jelly. “You wont believe what just happened. Pinapansin na nila ako” sabi ng binata. “What do you mean pinapansin?” tanong ni Cristine na nakaupo at nagpupunas ng mukha. “I mean yung mga kapwa mong artista, lalake o babae pinapansin ako” “Dumadaan ako tapos yung guy he called my name, then yung girl, yung bida sa may magic magic serye binati din ako” sabi ng binata. “Alam mo may pamahiin, pag nakikita mo daw isang multo o maligno bigkasin mo daw pangalan niya para di ka atakehin” sabi ni Jelly. Napasimangot si Enan konti, “Jelly..Jelly..Jelly..” bigkas niya kaya napahalakhak si Cristine. “Ayan karma, you started it” sabi ng arista. “Jelly..Jelly..Jelly” bigkas ni Enan habang palapit sa artista, nag sign of the cross pa siya kaya pinagkukurot siya ni Jelly. “Tama na, sumusobra ka na” sabi ng bading. “Weh, hindi naman totoo pamahiin na yon e. Inatake ako e” sabi ni Enan. “Enough labs” lambing ni Cristine kaya naupo at binata. “So tapos na yung audition?” tanong ni Enan. “Hindi pa” sagot ni Cristine. “She wants to ask permission from you first” sabi ni Jelly. “You know what di ko inexpect may auditions pa pala kayo na ganyan. Akala ko e pag may story, kung sino yung in demand na love team sila na agad. Para kahit na korny yung kwento basta sila ang artista kikita parin sa takilya” sabi ni Enan. “She chooses the quality stories only” sabi ni Jelly. “So why need my permission..teka baka hubaran yan ha” sabi ni Enan. “Of course not, I will never do that. Kasi Enan, the story is nice but the actress has to be..” sabi ni Cristine. “Has to be what?” tanong ni Enan. “Ugly” sabi ni Jelly. Napalunok si Enan sabay bago makapagsimangot e nakipag nose to nose na agad si Cristine sa kanya. “Enan, eto yung ayaw ko mangyari e. I don’t see you like that but other people do. Kaya I wanted to get your permission first kasi alam ko madami nanaman sila masasabi later on” sabi ni Cristine. “Okay lang naman, pero I cant imagine you even playing or acting as an ugly girl. It will never make sense kahit na lagyan ka nila ng whatever nilalagay sa mukha. Kahit na meron ganon makikita ng tao maganda ka parin e” sabi ng binata. “Oh its not like those stories, my character will have an accident. So para siyang reverse” sabi ng Cristine. “Ah kasi sadsad na masyado yung pangit na biglang gaganda bigla” sabi ni Enan. “Enan, if its going to hurt you I wont audition” sabi ng dalaga. “Tiny, sabi mo maganda yung story so go ahead. Okay lang no” sabi ni Enan. “Are you sure?” tanong ni Jelly. “Bakit ano ba magiging problema kasi? Wala naman ako nakikita na magiging problema” sabi ng binata. “Enan I just don’t want you to get hurt” sabi ni Cristine. “How am I going to get hurt?” tanong ng binata. “Well since gaganap siyang pangit, sasabihin nila magaling ang real life coach niya” sabi ni Jelly. “I can handle it” sabi ni Enan. “Sasabihin nila na kaya siya magaling umakting kasi nasanay na araw araw kasama si Enan” hirit ni Jelly. “I said I can handle it” sabi ng binata. “Wag nalang ata, tara nalang kain nalang tayo sa labas” sabi ni Cristine. “Tiny go audition. If you want that role its okay. Bale wala na yung mga sasabihin nila kasi you are a good actress” sabi ni Enan. “Labs, I want this project but at the same time I don’t want you hurt” sabi ng dalaga. “Tiny, ang dami na nating pinagdaanan, ang dami na nila sinabi tungkol sa atin pero nandito parin tayo” lambing ni Enan. “Cut! Aalis muna ako bago pa magdikit nanaman lips niyo” sabi ni Jelly. “Ha? Hala to kami maghahalikan?” tanong ni Enan. “Oo nga kailan naman kami naghalikan?” tanong ni Cristine. “Ah wala naman ako sinabi na naghalikan kayo. Kayo may gusto ba kayo aminin sa akin?” tanong ng bading. Sabay tinitigan nina Enan at Cristine si Jelly, ang bading nakikiliti pagkat parehong nauutal yung dalawa. “Shock” sabay nila bigkas kaya napatalon sa inis ang bading. “Bwisit” hiyaw niya kaya nagtawanan yung dalawa. “Hala sige umayos ka na at tara na sa audition area” sabi ni Jelly. “Sasama ako? Pwede manood?” tanong ni Enan. “Ah closed door e, I just needed you here kasi kinakabahan ako” sabi ni Cristine. “Ikaw kinakabahan? Oh come on” sabi ni Enan. “Yes, ganyan siya lagi. Ewan ko ba diyan bakit” sabi ni Jelly. Biglang niyakap ni Enan si Cristine kaya ang dalaga natili. “Tiny, I can honestly say that you are by far the best actress I have ever known. Kaya mo ito, I know makukuha mo yung lead role” lambing ng binata. Ilang minuto lumipas at naiwan mag isa si Enan sa dressing room. Biglang bumukas yung pintuan, napatayo ang binata at agad pinuntahan si Cristine. “Wow ang bilis, that means you got agad agad” sabi niya. “She didn’t audition for the role” sabi ni Jelly. “What?” tanong ni Enan sa gulat. “I just could not labs. I am sorry pero kahit na sabihin mo okay ka e parang mali parin e” sabi ng dalaga. “Tiny sabi ko naman sa iyo na I will be fine” sabi ni Enan. “Basta hindi ko kaya gawin sa iyo yon” sabi ng dalaga. “But she got another role instead” sabi ni Jelly. “Really? Anong role?” tanong ni Enan. “Contrabida” sabi ni Cristine sabay tumawa. “First time niya magiging contrabida” sabi ni Jelly. “Teka, ikaw yung lalait don sa pangit?” tanong ni Enan. “No I didn’t take that role, dalawa contrabida kasi. I took the other role. Yung bestfriend nung maaksidente pero basta saka na. Syempre ayaw ko din kunin yung role na lalaitin yung isa. Hindi ko kaya yon” sabi ni Cristine. “Because of me? Tiny, alam mo parang lahat nalang tungkol sa akin. Okay lang, take the role that you want. Wag mo ako gawing hadlang” sabi ni Enan. “I cannot hurt you, I love you Enan” sabi ng dalaga. Si Jelly nanigas at natulala, si Enan nagpigil pagkat nayanig talaga ang kanyang puso. “I love you more Tiny” lambing ng binata at sabay pa nila tinuro yung nakabukas na pintuan. “Do you think they heard it, I mean yung mga dumaan?” tanong ni Tiny. “Ha? Ano? Teka ano nangyari?” tanong ni Jelly. “Wala lungs” landi ni Enan. “Miss Cristine pinapatawag kayo doon” sabi ng isang babae. “You wait here labs ha, babalik kami” sabi ni Cristine. Isasara na ni Enan yung pintuan nang nakita niya si Joanna. “Wait” sabi ng dalaga kaya nagulat ang binata. “If this is about the other time, wala yon” sabi ni Enan. “Oh no, ah..how should I say this ba? Ah..wag na nakakahiya” sabi ni Joanna. “No go ahead, ano ba yon? Are the two guys bothering you?” tanong ni Enan. “Ah no, wag na I am sorry for even thinking about it” sabi ni Joanna. “Miss J, ano ba yon?” tanong ni Enan. “Well you see I auditioned for a role..i got it and I am really trying to be like Cristine” sabi ni Joanna. “Ah gusto mo iset up kita sa kanya para humingi ka ng tips?” tanong ng binata. “Ah..you see..how am I supposed to say this without offending you?” tanong ni Joanna. “Hay naku, speak, just say it out loud” sabi ni Enan. “Okay, you see I landed the lead role where the actress will turn ugly because of an accident” sabi ni Joanna. Nanlaki mga mata ni Enan, bigla siya natawa kaya nagsimangot ang dalaga. “s**t, pati si Cristine gusto role na yan. Para kayong mga baliw, sino naman kasi maniniwala na pangit kayo? Kahit pano niyo paikut ikutin ang mundo alam ng mga tao na maganda kayo. Well pag magaling yung make up artist then siguro pwede mangyari yon pero people will still see your pretty faces” sabi ni Enan. Napangiti si Joanna, niyuko niya ulo niya sabay dahan dahan tinignan ang binata. “Pano ba ako hihingi ng tulong sa iyo na hindi ka mababastos?” tanong niya. “Oh I get it, kailangan mo ng pangit coach” sabi ni Enan. Di makaimik ang dalaga, gusto na niya umayaw pero natawa si Enan. “You came to the right place. Well itsura palang alam mo na expert napuntahan mo. Pero kailangan ko pa magpaalam kay Tiny kasi maganda ka e. Selosa pa naman yon” sabi ni Enan. “Paalam sa akin for what?” tanong ni Cristine. “Hi ate” bulong ni Joanna kaya napataas kilay ni Jelly sa gulat. “She got the role you wanted, siya yung pangit and she needs my help daw” sabi ni Enan. “That is insulting” sabi ni Cristine. “See I told you, sorry talaga. Forget I even asked” sabi ni Joanna. “Tiny, she wants to be like you. She told me kanina she looks up to you and wants to be like you that is why she came to the expert in ugly” sabi ni Enan. “Hindi ko sinabi yon” sabi ni Joanna. “Pero the mere fact you came to him, insulto na yon” sabi ni Cristine. “Teka lang, uy teka lang. Tiny hinahon, she means well. Nahirapan pa siya sabihin actually pero pinilit ko siya. She came to the master, the artistahin of the universe. Of course ako ang pupuntahan kasi alam din niya ata ang taglay kong husay” drama ni Enan. “Ate I really didn’t mean it that way” sabi ni Joanna. “Tiny, prangkahan na, everyone knows what I look like. Only your heart sees me differently and I love you for that. She means no harm I can tell, she just needs my experience para gumanda role niya” sabi ni Enan. “Exactly but I understand if ayaw niya. I am really sorry” sabi ni Joanna. “Tiny, if she can portray the role well then parang daan narin ito para sa atin e. Diba? People will be able to understand what if feels to be me” sabi ni Enan. “He has a point” sabi ni Jelly. “Ate I swear I didn’t mean to offend, hindi ko lang alam pano sabihin sa magandang paraan. I just wanted his experiences para sana magampanan ko yung role ng maayos” sabi ni Joanna. “Okay, sorry din” sabi ni Cristine. “Pero seryoso ako, bakit yung magaganda pa nag audition sa role na yon. Jelly ikaw nga” biro ni Enan. “Ikaw pasado ka agad” sagot ng bading. “Babae yung kailangan, compliment ko na nga yon sa iyo e” lambing ng binata. “Ay talaga?” pacute ni Jelly. “Pero pangit yung role” bulong ni Cristine kaya napataas kilay ni Jelly. “So..uhmm..i can pay you if you want” sabi ni Joanna. “Oh no, since you will be the very first apprenctice of the great artistahin, free of charge” sabi ni Enan. “I insist, kasi I will be taking your time. At ano schedule mo?” tanong ni Joanna. “Ganito nalang, nandito naman ako lagi kasi binibisita ko si Tiny. So dito nalang” sabi ng binata. “I am fine with that, si ate nalang kausapin ko tungkol sa bayad mo” sabi ni Joanna. “Walang ganon, libre nga e. Kung mapilit ka e di okay na meryenda” sabi ni Enan. “Okay, uy thank you talaga ha. Ate salamat ha. Sige I need to go talk to my manager” sabi ni Joanna. Pag alis niya tinignan ni Cristine si Enan, “Tiny, wala ka dapat pagseselosan” sabi ng binata. “Hindi yon, are you really okay sharing your experiences with her?” lambing ng dalaga. “Letting it out to those who want to listen helps compared to keeping it inside” sabi ni Enan. “Okay then” sabi ng dalaga. “Pero mas okay talaga pag ikaw” sabi ni Enan. “I really cant, basta di ko kaya” sabi ng dalaga. “Pero Tiny parang ayaw ko siya tulungan e, di ba rival mo siya?” tanong ng binata. “My boyfriend taught me not to be greedy, he also taught me to appreciate what I already have and appreciate what other have” sabi ni Cristine. “Brad taught you that?” lambing ni Enan. “Ang kapal ng mukha” sabi ni Jelly kaya nagtawanan sila. “So you are okay with her taking the lead role?” tanong ni Enan. “Yup, gagalingan ko nalang sa supporting actress role” sabi ni Cristine. “Pero eversince lead role ka e” sabi ni Enan. “Labs, change is good. This might be able to help my career” sabi ng dalaga. “Tiny if you are doing this for me again..sobra na. Para di ba sa iyo yung spotlight? Para mabawasan bashers?” tanong ng binata. “I agreed to this, sabi ko kaya ko, kaya up to now kinakaya ko. Wala kayo naririnig na reklamo sa akin” dagdag niya. “Enan” bigkas ni Cristine. “Ang usapan I will do everything to help your career, kaya okay lang do what you need to do basta para sa career mo” sabi ng binata. “This time it is not for my career. Its is for me. I want this, I want it to be this way so this is how it is going to be” sabat ng dalaga. “Okay” sagot ni Enan pero nagulat siya nang yakapin siya ng dalaga. “I am sorry for raising my voice. This is what I want labs, let it be this way” lambing ng dalaga. “E kung ganon pala e di sige” bulong ni Enan sabay nagngitian sila. “Excuse me, bisita ako drug store. Makabili nga ng gamot para diabetis” bulong ni Jelly. Bungisngis yung dalawa kaya naghiwalay muna sila. Samantala sa kabilang dressing room tulala parin si Belinda. “Ano nakain mo?” tanong niya. “I need his help, let us face it. Do I know how to act ugly?” sagot ni Joanna. “So sa pangit na yon magpapaturo ka? Are you crazy?” tanong ni Belinda. “He already agreed and this is not about him. This is about my career. Itabi na natin yung nakaraan, I need this. I want to become better” sabi ni Joanna. “Kung kailangan mo ng guide ang daming pangit sa mundo na pagpipilian. Diyos ko lumabas lang tayo sa kalsada nagkalat na sila. Karamihan ng nagpapadala sa iyo ng fan mail mamili ka na doon” sabi ni Belinda. “Fine! Maybe I didn’t think it through, siguro nagpadalos dalos ako pero nandyan na yan e. Umoo na siya. Nakakahiya naman pag nag back out pa ako e ako humingi ng tulong in the first place” sabat ni Joanna. “Ikaw pa mahihiya? Diyos ko ano ba nakain mo? Big role ito tapos nagkaganyan ka? Good luck sa iyo kung magsusuka ka araw araw” sabi ni Belinda. “Hey look I talked to him, he is okay. He is funny too” sagot ng dalaga. “Aba, pinagtatanggol mo? Ginagampanan mo na agad role mo? Ano ka advocate na bigla ng mga pangit? So sa susunod pangit lover ka narin katulad ni Cristine? Oh right idol mo siya dati, so pati pag syota sa pangit gusto mo din maexperience?” tanong ng matanda. “What the hell is your problem?” tanong ni Joanna. “You are my problem! Pano kung nakita ka kasama yung pangit na yon? Masisira ka sa fans mo. Sa mata ng fans mo maganda ka at sophisticated pero ngayon gusto mo madungisan?” tanong ni Belinda. “What the hell are you saying? I just want to get better! Sige if you have another option the find me one then ikaw magsabi sa kanila na nagback out ako dahil yon ang gusto mo” sigaw ni Joanna. “Pinasok mo yan, ikaw maglabas ng sarili mo” sabi ni Belinda. “Alam ko ano pinapasok ko. This will help me, so shut up already” sabi ni Joanna. “Fine, do whatever you want” sabi ng matanda at nag irapan sila. Nag walk out si Belinda, sakto nakasalubong niya si Enan. “Tumabi ka nga pangit” sabi niya pero biglang may humila ng buhok niya. “Tiny wag na, its not worth it” sabi ni Enan. Lumabas si Joanna pagkat narinig din niya yung sinabi ng kanyang manager. “Go find yourself another talent. Its good I didn’t sign our contract yet” sabi ni Joanna. “Teka lang, you need me. Joanna kailangan mo ako” sabi ni Belinda. “Arlene can take you” biglang banat ni Enan. “I will call her now” sabi naman ni Cristine. “Teka lang Joanna, hindi ko naman sinasadya. Bigla kasi siya sumulpot sa harapan ko e” paliwanag ni Arlene. “Excuse me, uy alam mo Joanna kaya ko mag multitask. If you want ako muna tutal same movie pagtrabahuan niyo tapos si Enan e marunong naman mag PA para kay Cristine” lambing ni Jelly. “Joanna” bigkas ni Belinda. “I have her on the line, here talk to her” sabi ni Cristine kaya naiiyak na si Belinda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD