"HUWAG!" napabalikwas nang bangon si Kara dala nang kanyang masamang panaginip. Nasapo niya ang noong pawis na pawis na. Malakas rin ang pintig nang kanyang puso. "Bakit ba madalas kong napapanaginipan 'yon lately." kausap niya sa sarili na napahilamos pa nang mukha. "Kara, okay ka lang ba?" anang nang inaantok na tinig. Napalingon siya sa lalaking katabi sa kama. Wala pa ito ng matulog siya kagabi sa guest room. Matapos niyang matuklasan ang katotohanan, dalawang araw na niyang hindi ito kinakausap at sadyang iniiwasan. Nagagalit pa nga ito kasi ang babaw raw niya. Dahil lang daw sa pagkain. Hindi kasi niya magawang aminin dito na alam na niya ang totoo. Mas okay nang isipin nitong mababaw siya. Kaysa aminin niyang alam na niya kung ano ba siya sa buhay ng kanyang asawa. Isa lang siyan

