AN HOUR Earlier. MABIGAT ang hakbang ni Kara na naglakad paakyat nang hagdan matapos maihatid palabas ang Tita Aurora niya. Paakyat siya nang silid nang may kung anong umagaw sa atensyon, napatitig siya sa silid na ipinagbabawal ni Zach na puntahan niya. Bahagya kasing naka-awang ang pinto. Mula nang magtangka siyang pumasok doon hindi na iniwang nakabukas 'yon ni Zach. Tila may kung anong humila sa kanya palapit sa silid na 'yon. Natagpuan niya ang sariling naglalakad palapit sa silid. Parang may sariling isip ang kamay niyang maingat na pinihit ang door knob. Madilim ang kuwarto, kaya binuksan niya ang switch ng ilaw na nasa may pinto. Maingat ang ginawa niyang pagsara nang pinto sa likod niya upang walang makapansin sa kanya. At kasabay nang pagbaha nang liwanag na silid na 'yon ay a

