"ZACH this is not funny! Anong mag-asawa ang pinagsasabi mo d'yan?" pigil na pigil niya ang pagtaas nang boses habang nakasunod siya kay Zach at naglalakad patungo sa lift. Sobrang inataki siya ang kung anong kaba na di niya mawari. Sila mag-asawa diba nga pinarusahan siya nito dahil ayaw sana niyang pumayag sa divorce. "As if...baka nga nagkumahog ka pang magfile matapos kong pirmahan 'yon." sarkastikong saad niya. She was never wrong. Giit niya sa sarili. Subalit nagulat siya nang bigla itong huminto, dahil nakasunod siya dito bumanga pa siya sa likod nito. Para naman siyang nakuryenting napalayo dito. "Anong kaya mong ipusta para doon?" anang nito nang humarap sa kanya. Dalawang hakbang rin ang pagitan nito pero ang lakas nang tambol nang puso niya kaya't natatakot siyang baka marinig

